"Ma, paano niyo nagawa 'yon?" Tanong ko kay Mama. Buhat ni Congressman ngayon si Velle na kumakain ng cotton candy at ako ay halos mamatay na kanina. Muntik na. Muntik na muntik na buti nalang ay nakapagtago ako sa loob ng flower shop.
"I hired someone para magpanggap na ikaw. Velle saw me tapos sinensyasan ko siya na sumama sa babae na inutusan ko at buti nalang sinunod ako ng anak mo" Paliwanang ni Mama. "Nang makita ko si Rage ay duon na ako kinabahan, I started to overthink na baka makita nila kayo and damn it! Tama nga ako at nagkita kita ang mga Galvez, buti nalang at hindi madaldal ang anak mo, Letizia kung hindi ay buking na kayo. Malilintikan tayong lahat sa mga Galvez" Na-stress na sabi ni Mama.
That plan was actually good. Mama saved us again. And up until now kumakabog pa rin ang dibdib ko dahil nagkita na talaga ang mag-ama. Saint saw her daughter but wala siyang idea na anak niya ang nagsusungit sakanya.
"Your daughter has an anger issue, Mija. We should consult a doctor about that" Dagdag pa ni Mama. "Nakita mo ba kung paano magsungit si Velle sa daddy niya? Navi-visualize ko na ang mangyayari. This is gonna be so fun, Mija" Pumalakpak pa si Mama.
Huminga ako nang malalim at tinignan ko si Velle na nauuna silang maglakad sa amin ni Congressman. I saw that, too. Velle is mad at her father for wasting her icecream. Velle doesn't have any idea that it was her father. Paano kaya kung lumitaw ako kanina? Iisipin kaya nila na anak ni Saint si Velle?
"Kinabahan ka ba dahil nagkita ang mag-ama o kumabog ang puso mo nang makita mo uli ang asawa mo?" Nakita ko ang panunukso sa mga tingin ni Mama. Umiwas ako ng tingin.
"Ma, ang tagal tagal na no'n," Sagot ko. Rumehistro na naman sa akin ang mukha ni Saint. Napansin ko na parang bahagyang lumaki ang katawan niya. Para siyang nag matured. Hindi ko gaanong nakita ang mukha niya pero I knew it was him.
Nakilala siya agad ng puso ko.
"Hindi ibig sabihin na matagal na ay wala nang feelings. Kahit hindi mo aminin kitang kita ko at basang basa ko ang mga mata mo, Mija. You miss your husband, right?" Ngumiti saakin si Mama.
I can't deny the fact that I miss him. I miss him so much... Miss na miss ko na siya... Kung hindi lang komplikado baka tumakbo na ako at niyakap siya.
Naiwan na kami sa hotel ni Velle at sila Mama nalang ang namasyal. Natakot na kasi ako sa nangyari kanina. Nanunuod lang si Velle ngayon ng Barbie. Hindi naman siya nagtanong kung bakit nandito lang kami sa hotel.
"Velle, did you remember yung guy kanina?" Umupo ako sa tabi ni Velle, ngayon ako naglakas ng loob magsalita.
"What, Mommy? Yung tumapon po ng gelato ko?" Tanong ni Velle at nasa tv pa rin nakatingin.
"Yes, baby," Hinagod ko ang buhok ni Velle.
"Yes, Mommy. I still remember him, the old man."
"What do you think about that guy, Velle?" Napalunok ako pagkatapos kong itanong 'yon. Lumingon saakin si Velle na nakakunot ang noo.
"Do you like that old man, Mommy?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Velle. Agad akong umiling.
"Velle, I was just asking" Iniwas ko ang tingin kay Velle at tumingin ako sa pinapanuod niyang Barbie. "I heard you, you're being rude to him."
"Mommy, he dropped my ice cream nga" Nakita ko ang pag nguso ni Velle. "He's annoying, too, I think he's mad nga po e kasi nadumihan ko yung shoes niya but I don't care po kasi nahulog niya po icecream ko so it's his fault po." Sagot ni Lavelle.
"Velle, tingin mo ba tama yung ginawa mo sa stranger kanina?" Tanong ko uli kay Velle. Nagseryoso ang mukha ni Velle at parang nagiisip.
"I don't know Mommy but that old man ruined my icecream po e"
YOU ARE READING
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, Letizia is struggling with personal issues stemming from her...