33

91.9K 1.5K 408
                                    

"Lavenders blue, dilly, dilly. Lavender's green. When I am king, dilly, dilly. You shall be queen..." Pagkanta ko para makatulog si Velle. "Roses are red, dilly, dilly. Violets are blue because you love me, dilly, dilly... I will love you" Nang matapos ako sa pagkanta ay tinignan ko si Velle na tahimik na natutulog habang nakayakap saakin. I kissed her cheeks.

"Good night, Mija" I whispered. 

Next week ay awarding nila Velle sa school bago sila mag vacation. Next week na rin ang punta namin sa Netherlands. Mag trip to Europe kami for the whole month. Excited ako for Velle dahil ngayon lang siya makakalabas ng Provence.

"Mommy, harvest time!" Sigaw ni Velle na may dalang mga lavender flower. Lumabas ako ng bahay namin. Kakagising ko lang at tinanghali ako ng gising dahil wala naman akong trabaho at wala ring pasok si Velle. Nandito naman si Mama para mag asikaso sakanya.

"Wow, that's beautiful" I kissed my daughter's cheeks.

"Viens avec moi, Mommy. Abuela et Abuelo attendent (Come with me, Mommy. Abuela and Abuelo are waiting)" Hinila ni Velle ang kamay ko papunta sa field. Velle is wearing her white dress na bahagyang may dumi na. Puro pawis na rin si Velle. Siguro ay kanina pa sila rito.

"Mija you're awake. Come help us" Si Mama na nagbigay saakin ng equipment sa pag harvest ng lavender. Maging si Congressman din ay nag harvest ng lavender.

Pinanunuod ko si Velle na tuwang tuwa habang nag harvest. Tuwing harvest season ay kasa-kasama si Velle na mag harvest ng mga flower. Gustong gusto ni Velle ang mga bulaklak lalo na yung lavender. 

"Velle, be careful" Paalala ko.

"Sí Mommy" Ngumiti si Velle saakin. Enjoy na enjoy siya sa ginagawa niya. Tinutulungan pa kami ng iba naming kapitbahay. Binili kasi ni Congressman at ni Mama ang field na ito. Tapos ang lavender na na harvest namin ay ibebenta namin kila Ma'am Mathilda at sa iba na nag benta ng wine and perfume. 

"My Apo is so beautiful" Sabi ni Mama habang vinivideohan si Velle na mag harvest.

"Galvez na Galvez" Natatawang sabi ni Congressman kaya napatingin ako sakanya. 

"Don't say that, Mi Amor" Sinamaan ng tingin ni Mama si Congressman. "She looks like my daughter. She looks like me, what are you saying that my apo is a Galvez?"

"Oh, come on, Lorena. Have you seen Mayor Autumn Galvez's Daughter? Halos magkahawig ang dalawang bata. Hindi ba't nakita na natin 'yon? Ikaw pa nga ang nagsabing magkahawig ang mag pinsan" Natatawang sabi ni Congressman. Ngumiti lang ako kay Mama.

Sa pagkakatanda ko ay may dalawang pinsan si Velle sa mga Galvez na malapit ang edad sakanya. Yung anak ni Kuya Cloud at ni Ate Sunshine na si Caelum Rivo at si Asianna Penelope na anak naman ni Kuya Azrael at ni Ate Autumn. Halos dalawang taon lang ang tanda kay Velle.

"Velle looks like Letizia. Look at my granddaughter's face. Her skin, her nose, her lips, her cheeks..." Pakikipaglaban ni Mama. Tama naman si Mama, hawig na hawig ko talaga si Velle pero hindi pa rin maalis ang dugo ng Galvez sakanya. Her eyes... lalo na ang mata ni Velle na halos ganon na ganon kay Saint. 

Nang matapos kami sa kalahati ng lupain ay kumain muna kami ng lunch. Pinupunasan ko ang pawis ni Velle na mukang napagod sa dami ng na harvest niya pero hindi naman siya halatang pagod dahil ang saya saya niya pa rin.

"Mommy, gawa rin ikaw ng perfume ko gamit ang flower? You want, Mommy? Velle will help you Mommy. Tutulong po ako" Ngumiti saakin si Velle. Hinawi ko ang bangs niya at hinalikan siya sa pisngi. 

"Kumain na muna tayo" 

Binuhat ko si Velle papunta sa dining kung nasaan sila Mama at ilang mga kapit-bahay namin na tumulong sa pag harvest. After naming kumain ay nagpatuloy na uli kami sa pag harvest pero si Velle ay hindi muna dahil nakatulog siya sa pagod.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now