Warning: rated spg
r-18 (not for minors)
"Lavenders blue, dilly, dilly. Lavender's green... When I am king, dilly, dilly... You shall be queen" Pagkanta ko. Nandito kami sa airport. Papunta kami sa Dubai for Thalia and Kuya Seven's wedding. Flower girl si Velle at bride's maid naman ako, si Saint ay isa sa mga groom's men.
Nakatulog naman agad si Velle pati si Saint ay tulog rin buong flight. Napanguso ako at nanuod nalang ng movie. Na-bored ako. Wala akong makausap, hindi naman ako makatulog. Ang haba kasi ng tulog ko kagabi dahil si Saint ang nagbantay kay Velle.
"Isha" Napalingon ako sa gilid ko nang may tumawag saakin. Nakita ko ang nakangiti na si Ate Sunshine. "Let's drink?" Tinaas niya ang cocktail na hawak. Napangiti ako at tumango. Inaya ako ni Ate Sunshine sa vacant seat.
"Ang sarap ng cocktail nila dito" Sabi ni Ate Sunshine. "Mukang malalasing ata ako" Natatawa pa si Ate Sunshine.
"Ate" Tawag ko kay Ate Sunshine. She looked at me while drinking her cocktail. "Kamusta na po si Amy?" Yoon kasi ang pala-isipan saakin. Walang nababanggit si Saint at wala na rin naman akong balita tungkol kay Amy.
"My sister is in good condition" Ngumiti saakin si Ate Sunshine. "Patawarin mo ako, Letizia, ah. Wala akong alam e. Hindi ko alam ang pinaggagawa ng kapatid ko pero 'wag kayong magaalala dahil hindi na niya kayo guguluhin. Masaya na si Amy ngayon. She's not here pero maayos na siya. Naggagamot pa rin pero maayos na. Sorry talaga, Letizia"
"Okay lang, ate. Tapos na po yun. Lahat ng masasakit na nangyari saakin, kinakalimutan ko na po" I smiled at her.
"Napaka-bait mo. Sobrang bait mo. Sana ganyan din ako kabait sa'yo. Marupok lang ako pero hindi ako mabait e. Makakapatay ako kapag may lumandi sa Kuya Cloud mo. Kakaladkarin ko mula Espana hanggang katipunan o hanggang sa matanggal yung anit niya." Pagbibiro ni Ate Kaya ako natawa.
Napakaganda ni Ate Sunshine. I heard na beauty queen siya dati. Bagay na bagay. Her face is very bold and attrative. Yung feeling na mapapalingon ka talaga pag dumaan siya sa harap mo. She's very sexy na hindi mo aakalain na may dalawang anak na.
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ate Autumn na natutulog sa balikat ng asawa. Si Ate Autumn naman yung gandang para kang mapapaluhod. Her beauty is very captivating. Sobrang formal niya at mahinhin tignan. Sobrang pleasant ng itsura ni Ate Autumn, she's very beautiful too.
Si Thalia naman yung pinaka-baby face ang mukha saamin. She's very pretty. Her face is very feminine. Hindi mo nga aakalain na ganoon ang ugali. She has the most angelic face in the family. Her beauty is irresistible.
Si Doc. Lana ang pinaka nakakatakot ang ganda. Her elegant and stunning face na parang ang hirap tignan kasi para siya diamond na kumikinang. Mataray na tignan, ganon siya but she's kind. She's like the brilliant of the Alvarez.
Nakatulog din ako sa flight at nagising nalang nang gisingin ako ni Saint. Medyo nahihilo pa ako dahil sa nainom naming cocktail. Nakakatawa dahil si Ate Sunshine ay literal na nalasing at ayaw magpagising.
"Mommy, wake up!" Si Sky na niyuyugyog ang ina.
"Hayaan mo Sky, mamaya sakin ang Mommy mo" Narinig ko ang seryosong boses ni Kuy Cloud.
On our first day in Dubai. Nag shopping kami nila Saint. Bonding naming tatlo 'to kaso lang para akong nahihilo sa presyo ng mga gamit. Si Velle ay nakabili na ng dress niya at mga Barbie stuff. Ayaw niyang magpaawat dahil alam niya kung gaano kayaman si Saint.
"Mommy, what do you want?" Velle asked.
"I want to eat. Let's eat muna" Pagyayaya ko sa mag-ama. Kumain na kami sa isang mamahalin na restaurant. Nagpahinga lang saglit at nandito naman kami ngayon sa bilihan ng jewelry. Si Saint ay tumitigin ng mga Golds.
![](https://img.wattpad.com/cover/320113993-288-k954440.jpg)
BINABASA MO ANG
Saved from the Dark (Galvez series #4)
RomanceGalvez series #4 (Completed) Letizia Vergara is a kind-hearted and beautiful woman who others often describe as an angel in disguise. Despite her sweet disposition and stunning appearance, she struggles with personal issues stemming from her mother'...