7

77.7K 1.2K 256
                                    

"Ikakasal kana... Iiwan na akong nag-iisa..." Panloloko nila Anj saakin. RG empire posted the date of our wedding and it will happen next month. The preparation is still on going pero simple ceremony lang ang mangyayari sa China. Chinese wedding ang mangyayari at tanging close friends and Family lang ang invited.

Sobrang nalulungkot nga ako na wala sa wedding ko ang mga friends ko pero pinakiusap ko kay Dad na kung pwede nandon sila Lola pero hindi daw sure si Daddy. Pwede ba yon? Hindi ko na nga gusto ang papakasalan ko tapos wala pa doon ang mga importanteng tao sa buhay ko?

"Hindi ba kayo galit sakin?" Umupo ako sa gitna nila. Niyakap ako ni Mayeth.

"Hindi kami galit sayo, galit kami sa pamilya mo... galit kami sa lahat ng taong nananakit sayo, Isha. Ikaw nga ang baby namin e tapos ginaganon ka lang ng pamilya mo?"

"Guys, okay na. Sobra akong nasasaktan para sainyo" Ngumiti ako ng malungkot sa mga kaibigan ko. 

"Tangina, Isha, oras na gaguhin ka ng asawa mo, aagawin agad kita. Wala akong pake kung kasing yaman pa niya si bill gates! Babawiin kita" Sabi ng galit na si Joseff. Hinila niya ako at niyakap. "Magpapayaman ako, pre. Babawiin kita sakanya, tapos magkakasal tayo"

"Ihh" Ngumuso ako kay Joseff. "Pinapaiyak mo naman ako e" I said. Tumawa ako sakanila para pagaanin ang mood nila. Hindi dapat ako ma sad. Dapat happy lang ang nararamdaman ko. 

"Mag videoke nalang tayo bago ka mawala samin" Pumayag naman ako kaya nung friday after class ay sumama ako sakanila mag ktv. May mga dala pang alak at pulutan.

"Ikana mo agad yung kung ako nalang sana ang iyong minahal by Bituin Escalante" Sabi ni Anj pag pasok namin. Nagsimula na kaming mag videoke at mag inuman. Todo birit pa si Mayeth at si Anj, samantalang ang dalawang lalaki ay nag iinom lang.

Naka live pa kami sa facebook ni Mayeth. 

"Ako naman" Kinuha ni Joseff ang mic. "Isha, para sayo to" Tumayo siya at kinuha ang kamay ko. Tumayo na din tuloy ako.

"Andiyan ka na naman. Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy... Bakit ba laging hinahayaan?" Pagkanta ni Joseff. Bahagya akong sumasayaw sa beat ng kanta. "Andiyan ka na naman... Ba't 'di ko maiwasang tumingin sa 'yong liwanag? Nadarang na naman sa 'yong apoy... Bakit ba laging hinahayaan?"

Nag inom ako ng nag inom saka ko naisipang kumanta na. I need to enjoy the moment baka kasi hindi na maulit to pag kinasal na ako.

"Loving him is like driving a new Maserati down a dead end street. Faster than the wind, passionate as sin, ending so suddenly. Loving him is like trying to change your mind
Once you're already flying through the free fall...Like the colors in autumn, so bright, just before they lose it all..." 

Eto pa talaga ang napili kong kanta pero wala akong pake. Loving him was Red talaga!

"Losing him was blue, like I'd never known. Missing him was dark gray, all alone. Forgetting him was like trying to know. Somebody you never met... But loving him was red... Loving him was RED!" I shouted the last sentence. I'm drunk and I don't care "Oh, losing him was blue, like I'd never known... Missing him was dark gray, all alone. Forgetting him was like trying to know somebody you never met... 'Cause loving him was red... Yeah, yeah, red... Burning red!"

"Awit, kanta mo sakanya nadarang tapos yung kanta niya loving him was red? Red daw pre! Awit talaga" Napapailing pa na sabi ni Tan. 

"Tangina, lahat ng nag comment sa live minemention asawa mo, kinikilig ang mga- Puta! Nanonood si Trev?"

Natigilan ako sa pag inom nang sabihin yon ni Mayeth, kinuha ni Anj ang cellphone kay Mayeth at parehas nanlaki ang mata. 

"Nanonood asawa mo?" 

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now