14

87.1K 1.3K 324
                                    

Nang mai-submit ko yung papers ko sa school ay nandito naman ako kasama si Saint papunta sa company nila. Short visit lang ako. Sasamahan ko si Saint dahil sabi ni Mr. Galvez ay pumunta daw ako. Hindi ko nga alam ang gagawin ko sa company nila e.

Tsaka gusto ko din munang umuwi kila Lola after this hindi ko nga lang alam kung paano ako magpapaalam kay Saint e. Speaking of Saint. Madaming nagbago saamin ni Saint this past few days pero wala pa ring pinagbabago ang hindi niya pagkain ng niluto ko tuwing umaga.

"Ano namang gagawin ko don?" Tanong ko kay Saint.

"Nothing but I'll tour you around" Bahagya niya akong nginitian.

Napanguso ako at nag iwas ng tingin. Wala kasi akong alam sa mga busines na 'yan e. Siguro kung sinabi ng pamilya ko na mag business course ako ay yuon ang kukunin ko pero dahil hindi naman nila ako pinigilan kaya pinush ko na talaga ang nursing.

"What's with your cute face?" Narinig kong tanong ni Saint. Lumingon ako sakanya na nakangiti habang nag drive.

"Kung may maitutulong ako Saint, sabihin mo lang sakin ha? I'm willing to help" I smiled at him. "Wala man akong alam sa business pero magaling naman akong mag budget kasi alam mo nung highschool ako, I only have 300 pesos for the whole week pero nakakaipon ako ng 200 pesos pa, at ilalagay ko yon sa bank account ko" Ngumiti ako kay Saint na gulat sakin.

"300 fucking pesos for the damn fucking week? What can you buy for 300 pesos? A candy?" Nagulat ako sa pagiging inis ni Saint.

"Hoy! May baon kasi akong lunch tapos tuwing snack naman nililibre ako ng seatmate ko," Ngumuso ako kay Saint. "Kaya may ipon ako at hindi ako ganon gumagastos tsaka hatid sundo ako"

"Kahit na, you're making others pay for your meal. Really, Lavender? Your family sucks!" Napanguso uli ako. Sana pala ay hindi nalang ako nag kwento nagalit nanaman siya. Habang tumatagal kong kasama si Saint ay nasasanay na talaga ako sa ugali niya but now I know how to handle his anger overload.

"Saint, bakit ang gwapo mo?" I smiled at him. "Kung magkakaanak tayo sana kamukha mo" Kitang kita ko ang pag lunok niya at pag iwas ng tingin.

"We're here" Napalingon ako sa bintana at nakita ko ang napakataas na building na may RG empire sa taas. This huge building never fail to amaze me. Everytime na nadadaan kami dito dati ay napapanganga lang ako.

"Grabe naman, I've never imagine na makakapasok ako dito" sabi ko sa sarili ko nang pagbuksan ako ng pinto ng bodyguard. 

"Bonjour, Madame" Bati saakin ng mga staff na nasa labas.

"Hola" I waved my hand.

Kinuha ni Saint ang kamay ko sa kabila at pumasok kami sa loob ng building. The interior is very jaw dropping, literal na nalaglag ang panga ko. May company din ang family ko pero hindi ganito kaganda. Etong RG empire ay parang mansion. 

"I can't believe I'm seeing all of these" Manghang mangha kong sabi habang naglalakad. Pumasok kami sa gold na elevator and even the lift man is so pleasing in the eye. Grabe parang walang panget dito sa company nila.

"You're acting like you wanted to live here," Nginisihan ako ni Saint. 

"I really do, Saint" I smiled at him. "Pwede ba mag bakasyon dito kahit two days lang?" I joked.

"Do you want us to move here?" Tanong ni Saint. Natawa ako at umiling. May ganon ba, tumitira sa kompanya? Hindi naman hotel ito para tirhan.

"Nag bibiro lang ako" 

Nakarating na kami sa office niya. His office was fine too, malaki ito para sa isang office ng OJT. Lahat saamin ay nakayuko nang pumasok kami ni Saint. Binabati rin kami pero ako lang ang bumabati pabalik.

Saved from the Dark (Galvez series #4)Where stories live. Discover now