Cedrick Arsagon POV
Kumain at nagkwentuhan kami at syempre dahil may kasama kaming mga Bakla ayun napakaingay na ng table namin, Habang dumidilim ay may dumadating pa din na mga bisita ng kuya ni Ash galing school namin, May iba pa kaming kilala kaya bumabati din kami, Nang may dumating na mga babae ay hindi na mapakali sa paglingon lingon itong katabi ko na si Earl.
" Gagi, Ang sexy " Bulong ni Earl sa Tabi ko, inalog pa ako nito sa balikat para palingunin ako sa lamesang kinaroroonan ng mga babaeng bagong dating at nakilala ko yung isang sikat na Babaeng magaling mag hakot ng Award sa mga pageant, Hindi lang sa School namin kundi sa Event na sinasalihan nya.
Baka sa susunod ito na yung lumaban ng Miss Universe Philippines.
Maganda kasi siya, May talento at sumikat sya dahil duon, kinocompliment ko sya kasi yun yung nakikita ko sa kanya pero kung pagtatabihin sila ni Theo, Kay Theo pa din ako.
Nagulat ako ng hampasin ako ni Earl sa Hita malapit na sa kabataan ko, Kaya nakakunot noo ko syang nilingon at kinotongan.
" Andyan na yung isang bakla, Nilulusob na nila tayo, pre " Sabi ni Earl.
" P*kyu ka, Pre itl*g ko na yung mahahampas mo " Sabi ko dito, Pero hindi naman nya ako pinansin, dahil nakuha din agad ni Theo yung atensyon ko.
Nakablue tshirt at may print na Billie Eilish, Sh*t!!! Anong seats nya dun?? Bakit hindi ko sya nakita sa Concert?? Naka khaki Shorts, May Hawak na payong na de-pindot, Tapos naka White Crocs at ang puti nya.
Ngayon ko lang sya nakitang nakaganito, Hindi siya pormang porma pero ang sarap.....
Napatakip ako sa bibig ko, Ang sarap tingnan, Ang gwapo pa siya yung pinagsamang cute na Gwapo, Ang swerte ko Crush ko siya.
" Ang Yummy mo talaga, Ate Thea " Sabi ni baklang Unicorn.
" Gaga, Kapag ikaw talaga nagsasabi nyan, Ayoko na Maging yummy " Nang aasar na sabi ni Theo at lumapit sa Table nung mga Babae, Nakipag beso sya dun sa Babaeng humahakot ng Awards, Teka!!! Magkakilala sila??
" Ano na, Bakla?? Wala ka talagang paramdam " Sabi nung babae.
" Sorry na, Te busy sa studies, You know Graduating na si Bading " Sabi ni Theo kaya tumawa silang dalawa at dahil narinig ko yung pag uusap nila ay hindi ko napigilan ang matawa ng mahina kaso mukhang narinig yata nila kaya lumingon sila sa akin.
Sakto naman ang pagdating ni Ash na may dalang Tatlong bote ng Empi, Wow!!! Kung wala pa siguro dito si Theo hindi ako iinom pero dahil nandito na sya, Umangat yung Confident kong magwalwal, Nandyan naman sya.
" Yun oh!!! Yan ang sinasabi ko Ash " Sabi ni Santi, Hindi lang kami ang nagkumento ng ganito pati na yung mga Bading na kasama namin sa Table, Nilingon ko si Theo na naghila ng upuan para makatabi kay Baklang Unicorn.
" Shot na " Earl.
" Teka, Uy Theo kumain ka na muna, Tsaka hinahanap ka din ni Kuya Kanina pa " Sabi ni Ash, Paglapag ng alak.
" Ayy, Oo nga pala hindi ko pa nababati si Baklaa " Sabi ni Theo at umakto itong sumakit ang ulo.
Tumayo sya at nagmamadaling pumasok sa bahay nila Ash at kahit wala na sya dito sa labas ay nakangiti pa din ako, Nabura lang yun ng alugin ako ni Earl, Putek!! Gusto ko ng lumipat ng upuan.
" Pre, Tumingin sakin " Earl.
" Ang gulo mo naman katabi, Earl " Inis na sabi ni Santi.
" Ano bang binubulate mo sa pw*t, Pre?? Kanina ka pa hindi mapakali " Tanong ni Ash, Napansin na din siguro nito yung kakup*lan ng katabi ko.
" Pakilala mo daw sya dun sa mga babae " Sabi ko, Kaya nakatanggap na naman ako ng tulak.
YOU ARE READING
Boy's Love Short story
Short StoryThis is only a Short Stories for my Readers, Iba't ibang character Iba't ibang kwento. Requested story from my readers. Hindi porket Reader kita hanggang taga basa kalang habang buhay dahil dito hayaan mong bigyan kita ng spot light na maging bida. ...