Prologue

2K 29 19
                                    

Sa mga mambabasang naligaw po rito sa kwento kong ito, ipagpaumanhin niyo po ang impormal na pamamaraan ng aking pagsusulat. Masyado pang inosente ang aking pag-iisip nang umpisahan ko itong isulat kung kaya't hindi ko na alintana ang tamang paggamit ng wastong pamamaraan sa pagsulat katulad ng paggamit ng tamang bantas, balarila at mga tag lines/ dialogue lines. Maliban po sa mga nabanggit ko ay inyo ring  makikita ang mga emoticons, too much spaces, sound effects at mga HAHAHAHA, na ginamit ko rito para maipakita ang tamang emosyon o thrill sa mambabasa. Ganito man po ako magsulat noon ay hindi ko po ito ikinahihiya dahil dito po ako nag-umpisa. Jejemon writer man akong maituturing noon, nagsilbi naman itong stepping stone ko para maibahagi sa iba ang aking imahinasyon. Sa paglipas ng panahon ay magbabago naman ang writing style ng isang manunulat. Ika nga nila, "There's always room for improvements," kaya kung jejemon writer ka, 'wag kang mahiya. Magsipag ka lang mag-aral kung paano magsulat ng pormal. At ako ay nagkwento na. Pasensya po ulit at maraming salamat po sa pag-unawa. xD

***

Munting Paalala: Ito po ay bunga ng malikot at malawak na pag-iisip ng isang babaeng walang magawa sa buhay. Maari pong basahin nino man basta’t wag lang pong akuin or i-claim..masama po yan sabi ni nanay..hahaha..pero seryoso po, be a READER not a STEALER..

Happy READING...:DD

'Nga po pala nandyan sa gilid ang OST nitong Is This for Real..hahaha..click niyo lang po kung gusto niyong mapakinggan..^_^

**

PROLOGUE


Nagsimula lahat ng 'to dahil sa ONE SHOT story.

Dito ko sa wattpad nakilala ang isang baguhan, baliw at bagong labas sa mental na si Bloo. Naging mag-close kami to the point na ate na ang turing niya sa akin at nakakababatang kapatid na din ang turing ko sa kanya.

Dahil likas na malikot ang imahinasyon ng baliw na 'yun ay ginawan niya ako ng one shot story. Syempre go na go ako sa kabaliwan niyang 'yun. Kahit man lang sa one shot ay maging bida ako. Kahit sa one shot, magkaroon man lang ako ng masayang lovelife.

Hindi kita Gusto.

(Teka, ba't parang masakit yata 'yung title? Ganun din kaya ang story?)

'Yan ang title ng one shot story ni Bloo na pinagbibidahan ko. At isang nagngangalang Ramil Mendoza ang love of my life. Medyo masakit 'yung story pero sa huli ay happy ending din naman. (Subukan lang ni Bloo na gawing tragic dahil pagsisisihan niyang nabuhay pa siya! Dejoke! HAHAHA)

Ramil Mendoza.

'O fafa Ramil! Nasaan ka ba maliban sa imahinasyon ni Bloo?

Minsan naisip ko na sana ay totoo na lang siya. Para naman pwede naming ipagpatuloy sa totoong buhay ang aming natatanging pag-iibigan. HAHAHAHA! Pero ASA much lang ako dahil bunga lang talaga siya ng malikot at baliw na imahinasyon ni Bloo.

Haist. It's so depressing. Dejoke ulit! HAHAHAHA. Maghahanap na lang ako ng Ramil Mendoza ng buhay ko. 'Yung totoo! 'Yung hindi fictional character! Grrrrr! Joke! HAHAHAHA

Kasagsagan  na naman yata ng kabaliwan noon ni Bloo habang nagcha-chat kami sa facebook ay parang nagulantang ang aking tahimik na buhay ng itanong niya sa akin...

"pano ate kung totoo si fafa Ramil pagkatapos magkita kayo in person?"

Ramil my loves in flesh? Errr, Pano nga ba?

At kung sinuswerte ka nga naman. NAG-DILANG ANGHEL si Bloo!

Waaaa! Anong gagawin ko?

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon