Chapter 21: Part 2

235 2 0
                                    

Chapter 21: Part 2

-Ramil’s POV-

Nakita kong umupo sa couch si Djo. Mukhang pagod siya. Pinabayaan ko muna siya dun. Hinanap ko muna si Denise kasi parang may mali sa kanila ni Clint eh. Alam ko aso’t pusa yung mga yun kapag nagkikita pero kanina parang nag-iiwasan sila. Siguro nagkapikonan yung mga yun.

Nalibot ko na yata ang buong labas bahay pero ni anino nung dalawang yun hindi ko nakita. Bumalik na lang ako sa loob. Pagdating ko sa living room nadatnan kong tulog na si Djo.

Ampupu lang..kahit natutulog ang ganda pa din nitong my loves ko. Ang amo-amo ng mukha niya. Mas lalo tuloy akong.... :))

Nanatili lang ako dun sa harap niya at tinititigan yung maamo niyang mukha. Para akong sira ulo dun na nangingiti habang pinagmamasdan siya.

Maya-maya gumalaw si Djo. Hindi komportable yung posisyon niya kaya kinarga ko siya at dinala sa guest room. Malinis naman yun kahit hindi masyadong nagagamit. Alaga kasi yun ni aling Tesing.

Dahan-dahan kong inihiga si Djo sa kama. Pagkatapos kong ayusin yung pagkakahiga niya umupo ako dun sa upuan sa tabi ng kama. Dito na muna ako at babantayan yung my loves ko. Baka kasi mawala eh. hahaha...joke lang..pero kung pwede lang ayokong mawala sa paningin ko si Djo eh. Gusto ko araw-araw nakikita ko siya. Corny nuh? Pagbigyan niyo na lang ako, minsan lang naman yan eh.. ngayon lang. Kay Djo lang.

Magkakalahating oras na siguro akong nakaupo lang dun at nakatingin kay Djo ng mapagdesisyunan kong i-check na muna yung bini-bake ko.

Bago ako umalis ng kwarto lumapit muna ako kay Djo. Napatingin na naman ako sa mukha niya. Sa mga nakapikit niyang mga mata.. sa tungki ng ilong niya then sa labi niya. Heto na naman po tayo, nate-tempt na naman akong halikan siya. :/

God only knows how much I want to kiss Djo pero hindi pwede eh, she’s my friend. Kaibigan yung tingin at turing niya sakin.  Ayokong malamatan yun dahil lang sa pagiging mahina ko.

Huminga ako ng malalim. Then I slowly moved my face closer to her face. I kissed her...sa noo lang..kala niyo sa lips noh? wag kayong excited, makakarating din tayo diyan..tiwala lang..

Napangiti ako. Kunting tiis na lang talaga at masasabi ko din sa kanya lahat-lahat.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso dun sa costumize kitchen ko. Nasa pinaka likod yun ng bahay kaya medyo malayo din. Pagkatapos i-check yung cake bumalik na din ako kaagad. Pero hanggang living room lang ako kasi nandun na si Djo eh. nagising na siya. yung pinagtataka ko eh nandun si Malcolm. Siguro kadadating lang nila ni Yna.

“oh Malcolm maaga yata kayong umuwi ni Yna? San na  nga pala siya?”

Tanong ko.

I heard a bang of door. Sa kwarto yun ni Yna sa second floor. Napatingin ako bigla kay Malcolm. I sensed something wrong. Hindi din kasi umimik sina Denise, Clint, Djo at Paco.

“what happened?”

Tanong ko.

“we meet tito Isaac at the mall.”

Sagot ni Malcolm sakin.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi ni Malcolm. Sigurado ako umiiyak na naman si Yna ngayon sa kwarto niya.

“I’ll talk to her”

Sabi ni Clint.

“wag na Clint. You know Yna, ipagtatabuyan ka lang nun. Let’s just wait na bumaba siya dito mamaya.”

Sabi ko.

Alam kong yun ang gagawin ni Yna. We’ve been there. I just hope she’ll be fine afterwards. Baka mas lalo siyang maging aloof and worst baka umalis na naman yun dito. Yun yung trip niya lagi eh. Aalis na lang bigla. Walang paalam at mawawala lang na parang bula.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon