C31:

165 8 5
                                        

{Paco’s POV}

“oh san punta mo Paco?” tanong ni ate sakin.

 

“sa star city” simpleng tugon ko.

“himala, pupunta ka dun. Akala ko ba pang-bata lang ang lugar na ‘yun at ayaw mong pumunta dun?”

“hindi ko sinabi yun ate ah” pagtanggi ko. Wala kaya akong naalalang sinabi ko ‘yun.

 

“hindi daw! May date ka ‘no? Naka-porma eh” hirit naman ni ate at nangingiting tiningnan ako. Problema kaya nito?

“date? Pwede na din. Sige ate alis na ako” paalam ko na lang. Baka ma-hot seat pa ako nito mamaya at malaman kung sino’ng kasama ko.

“uy nagmamadali. Halatang umiiwas tanungin” tukso ni ate sa’kin. Hala na, ano’ng pinagsasabi nang ate kong ‘yun? Porke’t may manliligaw na kung ano-ano nang pinagsasabi. “Sige, mag-ingat ka little brother” pahabol naman niya. Hay naku, iba talaga kapag in love, nagiging sweet ang isang tao.

Pagdating ko sa star city nakita ko kaagad ang KA DATE ko. Pffft! Kapag narinig niya sigurado yun tiyak magkaka-World War Three.

“late ka!” Oh diba, ang gandang pang-bungad?

“sorry naman po. Traffic eh” palusot ko naman.

“traffic? Edi sana mas inagahan mo!” grabe ang high blood talaga nang babaeng ‘to.

 

“sorry na nga. Tara na pumasok na tayo” pagyaya ko na lang sa kanya sabay kindat pero dinedma niya lang ang kindat ko.

 

“try mo kayang lumabas”pabalang pa niyang sagot sakin.

Kaysa patulan ko ang pambabara niya ay hinatak ko na lang siya papasok ng star city.

 

“so anong unang gusto mong gawin?” tanong ko sa kanya pagkapasok namin.

“patayin ka” walang kagatol-gatol na sagot niya sa’kin.

Ang hard talaga nitong si Yna. Alam ko napilitan lang siya sa paglabas namin ngayon. Well sorry siya, natalo siya sa laro namin nung nasa resort kami eh. Masyado kasi siyang confident na mananalo siya.

“sure, no problem. At least I’ll die in your arms diba?” counter attack ko sabay kindat ulit.

Inismiran niya lang ako. “push mo pa ‘yan FAC-U” sabi niya sa’kin. Ayan na naman siya sa nagmumurang endearment niya sa’kin.

 

“ayoko nang push. Gusto ko pull. Pull mo’ko papunta sa’yo” dagdag ko pa. Nakita kong nagpantay ang kilay niya sa sobrang inis kaya naman hindi ko napigilang tumawa.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon