Chapter 43
{Ramil’s POV}
“good morning loves” bati ko kay Djo. Tulad ng inaasahan ay sa ilalim ng punong mangga sa mini park ko siya nahanap at nagbabasa ng libro.
“good morning” simpleng sagot niya sa’kin at binalik ang atensyon sa libro niya.
“may gagawin ka ba ngayon loves?” tanong ko ulit sa kanya.
“wala” nasa libro pa din ang atensyon niya.
“gusto mo kumain loves?”
“ayoko” mukhang badtrip yata si Djo. Meron siguro ‘to ngayon.
“ano ba ‘yang binabasa mo?” pangungulit ko.
“wala” wala daw pero sige pa din siya sa pagbabasa.
“loves galit ka ba sa’kin?” tanong ko sa kanya.
“hindi”
“eh ba’t hindi mo ako pinapansin? Tsaka ang tipid ng mga sagot mo sa’kin” sabi ko sa kanya sa tonong nagtatampo.
“loves. Pansinin mo naman ako oh” dagdag ko ng hindi pa din siya umimik. Nakakainis naman. Kinuha ko ‘yung librong binabasa niya para pansinin niya ako.
“Ramil akin na nga ‘yan!” inis na singhal ni Djo sa’kin ng agawin ko ang librong hawak niya.
“ba’t Ramil? Sino ‘yun?” inosente kong tanong sa kanya.
“akin na sabi eh!” pilit niyang kinukuha sa kamay ko ang libro pero dahil mas mataas ako sa kanya ay hindi niya makuha-kuha.
“Ramil ano ba?!” nakikita kong inis na inis na si Djo sa’kin.
“ba’t ba kasi Ramil loves? hindi naman ‘yan ‘yung tawag mo sa’kin diba? may problema ba loves? galit ka ba sa’kin? Kung galit ka, sorry na kahit hindi ko alam kung anong nagawa kong mali sa’yo” umiwas ng tingin sa’kin si Djo at tinalikuran ako. Bumalik siya sa damuhan at umupo. Naupo na din ako sa tabi niya.
“heto na ‘yung libro mo love oh. Sorry na kung makulit ako at naistorbo ko ‘yung pagbabasa mo. Na-miss lang naman kita eh” paghingi ko ng sorry kay Djo. Hindi ko kasi nagawang balikan siya kahapon sa school after ng pag-uusap namin nina tito Arman kasama si DG at ang tita Mercedes niya.
Nakita kong nagbuntong-hininga si Djo.
“sorry din loves. Masyado lang akong nadala sa librong binabasa ko. Nakakasama kasi ng loob ‘yung main character na lalaki” sabi ni Djo sa’kin.
“okay lang ‘yun loves. Ano ba kasing ginawa nung lalaki at grabe ang epekto sa’yo?” tanong ko kay Djo. Somehow gumaan na ‘yung pakiramdam ko.
“nagtatago kasi siya ng sekreto sa girlfriend niya” napalunok naman ako bigla sa sinabing ‘yun ni Djo. Medyo natamaan yata ako eh.
“okay lang naman na paminsan-minsan nagsesekreto siya sa girlfriend niya. Pero kasi mas mabuting sabihin niya na din sa girlfriend niya ‘yung sekretong ‘yun kasi parang nagiging mukhang tanga na ‘yung girlfriend niya” pinagpawisan yata ng ng malagkit sa sinabi ni Djo.
“ano bang sekreto nung lalaki?” naglakas loob akong magtanong.
“hindi pa klaro sa’kin. Kinuha mo kasi ‘yung libro eh. Pero base sa mga previous chapters parang tino-two time niya ‘yung girlfriend niya. Sila na ng present girlfriend niya pero may communication pa din siya doon sa ex niya na sa tingin ko ay mahal niya pa din. Tsaka parang may clue na sinulat ‘yung author na buntis ‘yung ex niya at siya ‘yung tatay” pagkwento ni Djo sa’kin.
Mas lalong tumagatak ang mga butil na pawis sa noo ko. Bakit parang ako ‘yung lalaking tinutukoy ni Djo? Except for the fact na hindi ko tino-two time si Djo. Tsaka hindi ko na din naman mahal si DG. Yes, I love her but only as a friend. At mas lalong hindi ako ‘yung ama ng dinadala niya. Nagpapanggap lang ako. Doon lang talaga ako guilty sa secret na part. ‘Yung nagtatago ng sekreto sa girlfriend niya. Pero hindi ko maiwasang ma-guilty sa pinaggagawa ko. Nakikita ko kasing nasasaktan talaga si Djo sa binabasa niya. Ano na lang kung mlaman niyang may sekreto din ako sa kanya?
******
{Djo’s POV}
Nakakainis! Hindi ko maiwasang paghinalaan si Ramil at maniwala sa mga sinabi ni Mimi sa’kin kahapon. Parang siguradong-sigurado kasi siya eh. Hindi ko din tuloy napigilan ang sarili ko kanina na hindi pansinin si Ramil. Nahimasmasan lang ako ng mag-sorry siya sa’kin kahit hindi naman niya alam kung anong ikinagagalit ko. ‘Yung kwento ko sa kanya kanina na binabasa ko “kunu” eh gawa-gawa ko lang. Sinusubukan ko lang alamin kung anong magiging reaksiyon ni Ramil. Natapos ko lang ‘yung kwento ko sa kanya ay hindi ko man lang siya nakitaan ng kakaibang reaksiyon. Nakikinig lang siya sa kwento ko. Mukhang hindi naman siya guilty eh. Masyado lang akong nagpaapekto kay Mimi. Siguro sinabi niya lang ‘yun sa’kin dahil nagseselos siya. Halata naman kasing may gusto pa din siya kay Ramil.
Ngayong nasa canteen kami ay inaasikaso ako ni Ramil. Na-guilty tuloy ako sa paghihinala ko sa kanya. Parang hindi ko siya pinagkakatiwalaan dahil sa inasal ko. Tiningnan ko si Ramil. Hindi naman niya siguro ako magagawang lokohin diba? Ilang beses ko ng napatunayan ang pagmamahal niya sa’kin. Hindi ko itatangging may pagka-isip bata si Ramil minsan lalo na kapag nagpa-pout siya ng lips niya pero siguro naman hindi lang laro-laro sa kanya ‘tong relasyon namin diba?
“uy loves tulala ka na naman. Lakas ba makatulala ng kagwapuhan ko?” sabi ni Ramil sa’kin sabay kindat. Naiiling na ngumiti lang ako.
“kapal muks mo talaga loves” natatawa kong sabi sa kanya. Tinawanan lang din niya ang sinabi ko. Pinagpatuloy na lang namin ang pagkain.
Sinulyapan ko ulit si Ramil. Sa tingin ko walang dahilan para paghinalaan ko ang pagmamahal at katapatan niya sa’kin.
*****
{Mimi’s POV}
Bakit magkasama pa din sina Djo at Ramil ngayon? Bakit masaya pa din sila? Diba dapat break na sila dahil doon sa sinabi ko kay Djo kahapon tungkol kay Ramil at DG?! Mukhang hindi basta-bastang naniniwala si Djo sa’kin. Matigas din ‘tong babaeng ‘to eh. And she’s super landi! If I know nilandi niya si Ramil habang wala ako. Umaakto pa siyang inosente at kaibigan lang ang turing kay Ram pero ang totoo ay may pagnanasa din siya sa Ramil ko. Hmp! What a flirt!
Kung hindi ko siya magagamit para tuluyan niyang hiwalayan si Ramil ibang tao na lang ang gagamitin ko. Hmmm. Let me think. Hindi pwede si Yna dahil kontra ako ng babaeng ‘yun at ayokong makita ang baliw na ‘yun. She’s so brutal kaya! Kababaeng tao pero parang lalaki kung manuntok. Kawawa nga ang mga pinsan ko sa kanya noon. Hindi din pwede si DG dahil sigurado akong matigas din ang babaeng ‘yun at halata ko namang palabas lang nila ni Ramil ang relasyon nila sa pamilya niya. Iisang tao lang ang naiisip kong makakatulong sa’kin. I dialled tito Steves number.
“hi tito. Can I ask for Mr. Arman Buenavistas’ number?” sabi ko kay tito Steve. Close friend sila ng daddy ni DG.
“sure iha. Hahanapin ko lang” after minutes ay binigay na ni tito ang number ni Mr. Bunavista sa’kin. I’ve only met him once pero nabanggit sa’kin ni tito na ang anak nitong babae ang pinakamahalaga sa kanya kaya overprotective siya dito. Now, I got myself the best alas for this game. Siguradong hindi magugustuhan ni Mr. Buenavista na niloloko ang anak niya. Kapag nalaman niyang may girlfriend pang iba si Ramil, tiyak gagawa siya ng paraan para iwan ni Ramil si Djo. Hindi din naman siguro gugustuhin ni Mr. Buenavista na maging bastardo ang apo niya diba?

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Teen FictionSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...