{Djo’s POV}
Magdadalawang araw na kaming hindi nagkikita or nagkaka-usap ni Ramil. Most of the time kasi nakikita ko siya si DG ang kasama. Nahihiya naman akong lumapit baka nakaka-instorbo lang ako sa kanila. Tsaka hindi naman nag-eeffort si Ramil na kausapin ako. Ang tae lang, daig ko pa yata ang nagseselos na girlfriend...=______=
“uy ateng, di yata kayo nag-uusap at nagkikita ni fafa Ramil lately?”
Tanong sakin ni LJ.
Siya palagi yung kasama ko eh since busy nga si Ramil kay DG NIYA.
“busy yata kay DG”
Simpleng sagot ko.
“ayyyyyy...I sense jellyace”
Maarteng sabi sakin ni LJ sabay ngiti ng nakakaloko.
Anyareee sa gwapong baklang to? Tsaka anong jellyace?
“anong jellyace? Yung gelatin?”
Tanong ko naman.
“hindi. Ano ka ba naman ateng. What I mean about jellace is jealousy”
Pagtatama niya.
Ayyy pasensiya naman po at hindi ko alam ang ibig sabihin ng term na ganyan.
“eee? Sinong nagseselos?”
Sabay tanong ko.
“hay naku! Jusmeee naman po. Edi ikaw. Jellyace ka kasi palaging magkasama sina fafa Ramil at DG”
“hindi ah! Ikaw talaga kung ano anong pinag-iisip mo”
Sabi ko sabay tapik ng braso niya.
Hindi naman ako nagseselos eh...hindi talaga...promise hindi...:3
“sige ateng push mo yang pagde-deny mo.”
Sabi ni LJ sakin.
Halatang hindi siya naniniwala sakin.
“aishht! Hindi naman talaga. Bakit naman ako magseselos aber?”
Tanong ko.
Kasi naman eh!! naiinis lang ako..pero hindi ako nagseselos..parang ganun? OO! Parang ganun lang talaga..hindi ako nagseselos..:/
“aba’t dun ask me teh. Ask yourself bakit jellyace much ka kay DG.”
Napaisip naman ako. Tinanong ko din yung sarili ko kung ganito yung nararamdaman ko. Kung selos ba to na matatawag. Tsaka kasi wala naman akong karapatan magselos. KAIBIGAN lang ako.
“see! Natigilan ka. It means nag-isip ka at tinanong mo yung sarili mo. Ibig sabihin din nun nagseselos ka nga!”
Natutuwang sabi ni LJ sakin.
“sabing hin----“
Tatanggi pa sana ako.
“sige push mo lang teh. As if naman maniniwala ako sayo”
Pagtatapos ni LJ.
Hindi ko na lang pinansin si LJ. Ganun ba talaga ako ka-transparent?
“tara ateng punta tayong mall. Para malibang ka naman kahit kunti”
Maya-maya ay pagyayaya niya sakin.
“lakwatsero to”
Sabi ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Teen FictionSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...