C30:

192 9 4
                                    

{Ramil's POV}

“kuya balita ko nililigawan mo na si ate Djo, totoo ba?” tanong sa’kin ni Yna habang nagluluto ako nang agahan namin. Wala kasing pasok ngayon sa buong ESU kasi holiday para sa school. Tradition na ‘yun nang school namin na every third Wednesday ay walang pasok.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagluluto. Pero kilala niyo naman si Yna, sadyang makulit ang babaeng ‘yun kaya hindi nagpa-awat.

“kuya totoo ba?” pangungulit niya pa din sa’kin. Sinabayan niya pa ‘yan nang pagsundot-sundot sa balikat ko. “kuya naman eh!” ngawa niya pa nang hindi pa din ako umimik. Hinarap ko siya at kita kong lukot na ang mukha niya at nakanguso na nagpapa-cute.

“ano ba ‘yan Yna, makangawa ka naman parang walang bukas. Oo na, nililigawan ko na ang ate Djo mo. Satisfied?” pagsuko ko sa kakulitan niya. Nakita kong lumiwanag ang mukha niya at lumapad ang ngiti niya. Umabot na yata sa magkabilang tenga niya eh.

“yieeeee! Talaga kuya?! So kamusta ang panliligaw mo sa kanya? Kelan ka sasagutin ni ate Djo? Sa tingin mo kuya malapit na?” sunod-sunod na tanong ni Yna sa’kin sabay yugyog sa balikat ko. Naku naman, hindi na talaga naawa ‘tong pinsan kong ‘to sa’kin.

“Yna kumalma ka nga. Tsaka isa-isa lang ang pagtatanong okay? Mahina ang kalaban.” Awat ko sa kanya. Nagiging hyper na naman kasi siya eh.

“kyaaaaa! I’m so excited lang kasi kuya! Magiging ate ko na talaga si ate Djo eh!” tuwang-tuwang sagot ni Yna sa’kin na sinabayan niya pa nang pagtalon-talon. Nahihilo ako sa pagtalon-talon niya.

“Yna sabing kalma. Tsaka ‘wag kang masyadong excited, malay mo hindi pala ako sagutin nang ate Djo mo” sabi ko sa kanya.

“aray!” napasigaw ako sa sakit nang batukan ako nang pagkalakas-lakas ni Yna. Ba’t ba ang sadista nitong pinsan kong ‘to?

“kuya ‘wag kang nega! ‘wag mong uunahan nang negative thinking ang isang bagay, dapat positive lang. Badvibes out! Goodvibes in dapat” positive na positive na sabi ni Yna sa’kin.

Napangiti naman ako. May point din naman si Yna, dapat positive thinking lang. Bawal ang negative. Tsaka mahal ko naman si Djo eh. Hindi ko siya sasaktan o paiiyakin. Siguro naman sapat na ‘yun para pagbigyan ako ni Bossing sa taas.

“yieee! Ang ganda nang ngiti natin kuya ah. Sana sagutin ka na ni ate Djo kuya para maging happy ka na at ganun din siya. Basta kuya, ako ‘yung flower girl sa kasal niyo ha?” nakangiting sabi ni Yna sa’kin. Medyo natawa naman ako sa sinabing ‘yun ni Yna. Kahit kelan talaga ang advance mag-isip nitong pinsan kong ‘to. Nililigawan ko pa nga lang si Djo, ni hindi pa nga ako sinasagot pagkatapos may kasal na siyang naiisip.

“nako Yna, ang tanda mo na para maging flower girl, ang bagay sa’yo bridesmaid” sagot ko naman. Hindi porke’t tinawanan ko ang sinabi ni Yna kanina doon sa kasal na iniisip niya ay hindi na ako sang-ayon. Sa katunayan nga niyan gustong-gusto ko yung ideya niyang ‘yun.

“yieee! Si kuya nagpa-plano na. Patay luyag ka gid kay ate Djo ‘no?” pagbibisaya ni Yna sa’kin. Ang ibig sabihin niya dun ay, patay na patay daw ako kay ate Djo niya.

Nginitian ko lang siya. Oo, patay na patay nga ako kay Djo pero siya din ang dahilan kung bakit nabubuhay ako ngayon. She’s my life because she has my heart. Simula nang araw na ‘yun siya na ang buhay ko.

“Kuya, ‘wag na ‘wag mong papaiyakin si ate Djo ha?” seryosong sabi ni Yna sa’kin.

“oo naman” nakangiti kong sagot. ‘Yun ang iiwasan kong gawin kay Djo, ang paiyakin siya.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon