Chapter 49

172 5 1
                                    

Chapter 49

{Ramil’s POV}

“insan, sigurado ka na ba talaga sa gagawin mong ‘to?” tumingin ako kay Clint na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. Nag-aayos na ako ng gamit ko na dadalhin.

“yes” simpleng tugon ko at muling binalik ang atensyon ko sa ginagawa kong pag-aayos.

“panu si Yna? You know she’s dependent on both of us. She will hate you kapag nalaman niyang iniwan mo siya” I can sense the concern in Clint’s voice. Napabuntunghininga ako sa sinabi niya. Alam ko kasing tama siya. Yna will definitely hate me. She will even consider me a stranger after this. Pero kailangan ko ‘tong gawin.

“She’ll move on. Tsaka ikaw na din ang nagsabi, dependent siya sa ating dalawa. You’re still here to guide her. Just don’t leave her, like what I’m gonna do today”

“walanghiya naman insan, sa’kin mo pa iiwan si Yna eh alam mo namang tarantado ako. Mapapabayaan ko lang siya” tanggi ni Clint sa’kin. I can’t help to smile.

“buti alam mong tarantado ka, but it’s not an excuse Clint. Hindi kaila sa’kin na kapag si Yna na ang pinag-uusapan, nagiging responsable ka” nakangiti kong sabi sa kanya. He just smiled. “hindi din naman madali para sa’kin ‘tong gagawin ko insan. I don’t want to leave Yna, but I need too” I let out a sigh. Kung pwede lang sanang ibalik ko ‘yung oras, gagawin kong tama lahat. Ang gago ko lang talaga minsan.

“okay, I get it. I’ll take responsibility of Yna” sukong sabi ni Clint sa’kin.

“thanks Clint” somehow, I felt relieved na may titingin kay Yna.

“pero panu si Djo, insan?” just hearing her name makes it difficult for me to breath. Napaiwas ako ng tingin kay Clint. Kahit tarantado ‘tong si Clint parehong-pareho sila ng radar ni Yna. He knows when I’m hurt kaya ayokong ipakita sa gagong pinsan kong ‘to.

“you love her, right? Bakit mo siya iiwan?” Napatigil ako sa tanong na ‘yun ni CLint. Bakit ko nga ba iiwan si Djo when leaving her is like killing myself? Isang buntonghininga ang pinakawalan ko when I remembered that...

“that’s what Djo wanted” I answered Clint.

“how did you know?” Tanong ulit ni Clint sa’kin. I made myself busy by scanning my baggage.

“she told me in her letter. It’s enough reason for me to leave. Ayokong paulit-ulit na saktan si Djo. Hurting her for the first time is enough. Hindi ko na kayang saktan siya ulit” I was a fool for hurting Djo. Nawala na parang bula ang pangako ko sa kanya noon na hindi ko siya paiiyakin o sasaktan. I tried everything to talk to her but I guess the pain that I inflicted her is deep enough para kamuhian niya ako. Her letter that was given to me by Mimi, made me realize what kind of fool I am. Masyado akong nagpaka-hero kay DG and in the end, si Djo na ang nawala sa’kin. If only I could turn back time, babawiin at aayusin ko ang katangahang ginawa ko noon. Dapat kasi sinabi ko ang lahat-lahat kay Djo noon pa. Noong buong-buo ang tiwala niya sa’kin.

Kinuha ko na ang mga bagahe ko at dinala sa sasakyan.

“when do you leave the country?” tanong sa’kin ni Clint habang inaayos ko ang mga gamit sa likuran ng sasakyan.

“mamayang 3pm ang flight ko. May pupuntahan lang ako ngayong umaga. Mamayang 1pm ang uwi ni Yna at ayokong maabutan niya ako dito sa bahay at baka magbago ang isip ko. Alam mo namang iyakin ‘yun”

“so, hindi ka talaga magpaaalam kay Yna?”

“hindi na. I left her a letter in her room. I think it’s enough to say my goodbyes to her” I closed the back door at pumunta sa drivers seat.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon