Chapter 34

160 4 0
                                    

Chapter 34

{Ramil’s POV}

Wew! Muntik na ‘yun kanina ah. Muntik ko ng mahalikan si Djo. Mabuti na lang napigilan ko ‘yung sarili ko kanina.

“ang ganda pala talaga dito loves. Tahimik at sariwa ang simoy ng hangin.” Sabi ni Djo habang nagpalinga-linga sa paligid na dinadaanan namin.

Naglalakad kami ngayon sa tabing-dagat. Tulad ng mga nagdaang gabi na bilog ang buwan, magandang mamasyal dito dahil kahit gabi makikita mo ang mga naggagandahang bulaklak na tinanim ng caretaker ng resort na ito.

“loves nasaan ba tayo?” tanong sa’kin ni Djo makalipas pa ang ilang minuto.

“nasa Laiya, San Juan, Batangas tayo at ang lugar na ‘to ay isa sa mga private area ng Virgin Beach Resort. Si Maggie, one of my closest childhood friend owns this kaya pinayagan niyang mag-weekend vacation tayo dito” sagot ko kay Djo.

“naks naman! at talagang tayo ang sinabi mo ha?  sure na sure ka talagang sasama ako” pabirong sabi ni Djo sa’kin.

“oo naman. Wala ka namang magagawa eh kasi pinadukot kita” proud ko namang sagot.

“alam mo loves pwede kitang kasuhan ng kidnapping” nakangiting pagbabanta ni Djo sa’kin.

“okay lang. Basta ba sa puso mo ako makukulong” pagbanat ko.

Nakita kong natatawang umiling-iling si Djo. “alam mo loves, ang swabe ng mga damoves mo eh, ‘no? ikaw na talaga” sabi ni Djo sa’kin.

“oo naman. Ako na talaga....ang lalaki para sa’yo” nakangiti kong sabi sabay kindat. Nakita kong mas lalong lumapad ang ngiti ni Djo.

“tse! Mga simpleng damoves mo loves” natatawang sabi ni Djo sa’kin sabay hampas ng braso ko.

“siyanga pala loves, ba’t nga ba hindi mo ako kinontak last week?” pagbabago ng topic ni Djo.

“ang dami kasing pinagawa sa’kin ng mga professor namin loves eh” pagdadahilan ko. Half truth-half lie na sagot.

Totoong maraming pinapagawa sa’min ang mga professors ko, pero at the end of the day tinatapos ko lahat ‘yun. Ang dahilan kung kaya’t hindi ko nakokontak si Djo last week ay dahil kay DG.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kay Djo na oras-oras si DG ang kasama ko. Na after class sa bahay nina DG ako dumidiretso dahil ‘yun ang gusto ni tito Arman. Hindi ako maka-hindi dahil baka makahalata si tito na hindi ako ang ama ng dinadala ni DG.

“kaya kahit text or tawag hindi mo magawa?” dagdag ni Djo. Halata ko ang pagtatampo sa boses niya. Napabuntong-hininga ako.

Gusto ko na talagang sabihin sa kanya ang ginawa kong pagpapanggap na ama ng dinadala ni DG pero naduduwag talaga ako. Naduduwag ako sa magiging reaksiyon niya at lalo na sa magiging desisyon niya. Baka pagbawalan lang niya akong manligaw sa kanya kapag nalaman niya ‘yun.

Magpapa-sorry sana ako ang bigla naman siyang nagsalita.

“wow! May swing sa ilalim ng puno loves oh!” parang batang turo ni Djo sa isang swing sa puno. Nilapitan namin ang swing at kaagad namang naupo doon si Djo.

“loves tulak mo dali” utos sa’kin ni Djo. Matibay pa naman ang swing kaya pinagbigyan ko na siya.

“ano ba naman ‘yan loves, lakasan mo pa” reklamo ni Djo sa’kin. Hanep din ‘tong si Djo, ang lakas na kaya ng pagtulak ko. Mamaya niyan madisgrasya pa siya.

“loves ba’t ka tumigil?” parang batang pagmamaktol niya sabay baba ng swing.

“loves naman eh, ang lakas-lakas na kaya ng pagtulak ko. Tama na ‘yan, uwi na tayo. Baka mahulog ka pa mamaya niyan eh” sabi ko sa kanya.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon