Chapter 50

136 4 0
                                    

Chapter 50

{Ramil’s POV}

Two thirty pm. Kalahating oras na lang at aalis na ang eroplanong sasakyan ko papuntang Australia. Kahit sa mga sandaling ‘to, umaasa ako na tatawag o darating si Djo para sabihin sa’kin na pinapatawad na niya ako. Ayokong umalis. Ayoko sana. Naikuyom ko ang kamay ko sa sobrang inis. Ayokong iwan si Djo pero kailangan dahil ito ang gusto niya. Napatingin ako sa kanang kamay ko at nakita ko sa palasinsingan kong daliri ang singsing na mula sa ringlace na binigay ko kay Djo. I’ve wore it long time ago. Simula ng mapatunayan ko na mas matimbang si Djo sa puso ko. Habang buhay ko na sigurong dadalhin sa puso ko ang pagsisisi at panghihinayang ng pagkawala ni Djo sa buhay ko. Nag-uumpisa na namang lumabo ang paningin ko dahil sa luhang nagbabadya na namang kumawala sa mga mata ko. Ang bakla ko ba? Iyakin ko masyado eh. Pero sabi nga nila, crying is not a sign of weakness but it’s a sign of being human. Okay lang naman sigurong umiyak diba? Lalo na kung taong mas mahalaga pa sa buhay mo ang mawala. Tumayo ako sa kinauupuan ko. I need to go to the comfort room. Bumibigat na naman kasi ang mata ko, I need to wash my face. Papunta na ako sa comfort room ng may bumangga  sa’kin. Siya pa ang may ganang magalit na kung tutuusin ay siya nga ‘yung nakabunggo. Mabuti na lang at wala ako sa mood na makipag-away. I need my energy for the whole flight.

------

“paging all the passengers going to Australia, we are now open for boarding” napatingin ako sa wristwatch ko. Exactly 3:00 pm na. Mabigat ang mga paang naglakad ako papunta sa waiting area. I opened my cellphone, hoping to receive any text message or call from Djo but there’s none. Napabuntonghininga ako. Maybe, this is what supposed to happen. I just need to accept the fact that Djo’s not for me. Maswerte ang lalaking para sa kanya.

“we are now open for boarding. You may now board the plane” nagsimula ng maglakad ang mga kapwa ko pasahero papunta sa entrance ng eroplano. I inhaled deeply.  Mabigat ang katawang tumayo ako sa kinauupuan ko.

I guess this is goodbye.

*****

{Djo’s POV}

Exactly 3:00 pm na ng mapatingin ako sa wristwatch ko. Hindi ko kinaya ang pagtakbo mula sa labas ng airport dahil masyadong traffic kaya sinumpong ako ng hika. Idagdag pa ang kabang nararamdaman ko kung maaabutan ba namin si Ramil. Si Clint at Denise ang tumakbo sa loob ng airport para hanapin si Ramil. Kasama ko naman sina Paco, Yna at DG dito sa may labasan. Medyo naging maayos na ang paghinga ko pero nandoon pa din ang kaba. Bawat segundo yata binabantayan ko. Napatingin ako sa labas ng airport kung saan makikita ang paglipad ng mga eroplano. Sa bawat segundo na lumilipas mas lalong lumalakas ang kabang nararamdaman ko. Isa sa mga eroplanong lilipad ngayon ay ang sinasakyan ni Ramil. Maglilimang minuto na mula ng magkahiwalay kami nina Denise at Clint pero hindi pa sila nakakabalik. Sana mahanap at mapigilan nila si Ramil. Three o’ three na sa wristwatch ko. Asan na sina Denise? Kukunin ko na sana ang cellphone ko para tawagan si Clint nang isang eroplano ang nagsimula ng tumakbo sa runway. Bigla akong kinabahan. Maaari kayang nandoon si  Ramil sa eroplanong ‘yun?

“ate Denise! Kuya Clint! Si kuya Ramil?” kaagad akong napabaling sa direksiyon nina Yna. Nakita kong bumalik na sina Clint. Napansin ko ding wala silang Ramil na kasama. Kaagad na nanlumo ang buo kong katawan lalo na ng yakapin ni Clint ang pinsan niya at ng makita kong umiyak si Yna. Nagsimula na namang mag-unahan ang mga luha ko.

“sorry Djo. Hindi na namin naabutan si classmate. Nakapasok na siya sa eroplano” mas lalong nag-unahan ang mga luha ko sa sinabing ‘yun sa’kin ni Denise. Wala na. Umalis na si Ramil. Iniwan niya na ako.

Napatingin ulit ako sa sa eroplanong  nag-uumpisa ng lumipad pataas. Siguradong isa si Ramil sa mga pasahero ng eroplanong ‘yun. Masakit man, pero pinilit kong tingnan ang eroplanong ‘yun habang tumataas. Kahit sa huling pagkakataon, gusto kong makita sa eroplanong ‘yun si Ramil. Pinahid ko ang mga luha ko at huminga ng malalim.

Siguro hindi lang naman dito magtatapos ang lovestory namin ni Ramil diba? Oo, umalis siya ngayon pero darating din ang panahon at babalik din siya dito sa Pilipinas. Kung mangyari man ‘yun, sana magkita ulit kami ni Ramil. Sana bumalik ang dating kami. Sana magkaroon kami ng second chance...katulad ng pagmamahalan nina nanay Esme at tatay Rudy.

I tried my best to convince myself that our lovestory won’t end here..pero sa mga sumunod na nangyari at nakita ko, all of it started to fade away. Everything became slow and started to get blurred. Nanghina din ang buo kong katawan and everything became pitched black.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon