{Djo's POV}
“Paco! Bilisan mo na!”
Sigaw at sabay katok ko sa kwarto ng nakakabata kong kapatid na si Paco.
“andyan na ate. Atat lang?”
Sabi niiya sakin ng makalabas na siya ng kwarto.
“may gagawin pa kaya ako after ng pagsha-shopping natin”
Sagot ko sa kanya.
“don’t tell me may date ka?? akalain mo yun? May pumatol sayo???”
Pang-aasar niya sabay tawa ng malakas.
Aba’t..>___<
“wag mo kong uunahan Paco. Baka gusto mong malaman ni daddy yung huli mong ginawa??
Pananakot ko sa kapatid ko.
HAH! May pang-blackmail kaya ako sa kanya...bwahahaha..
“ate naman. Ang daya mo. Everytime na nagtatalo tayo yan ginagawa mong pang-blackmail sakin eh.”
Sagot ni Paco sakin.
Bwahahahaha..malas niya kasi ako nakaalam ng greatest secret niya..which is pinaka-ayaw talaga ni daddy..hahaha..ako na yung mabait na ate..:PP
“sinabi ko naman sayo diba? Tigilan mo na yang pangangarera mo. Pag ikaw nadisgrasya kargo de konsensiya pa kita. Naku Paco, hindi ko mapapangako kung hanggang kailan ko maitatago ang sekreto mo kay daddy.”
Sabi ko sa kapatid ko.
Sa dinami-dami ba naman kasi ng sports na pwede niyang mahiligan yung cart race pa. Eh ang delikado kaya nun! Tsaka yun yung dahilan kung bakit nawala si kuya samin. Kuya Aiken was only nineteen years old that time when he had an accident during the cart race national competition. Yung aksidenteng yun ang kumitil sa buhay niya. I was fourteen years old that time and Facundo was only twelve.
“hindi ako matutulad kay kuya ate. Kaya wag ka nang mag-aala at mag-iingat ako”
Seryosong sagot sakin ng kapatid ko.
“siguraduhin mo lang Facundo Dimaano”
Sagot ko din.
“opo mam. Ngumiti na po kayo at pumapangit kayo lalo”
Sabi niya sakin sabay ulit tawa.
“hahahaha..tumigil ka nga sa katatawa mo Paco. Tsaka ano ba yang mukha mo, ba’t naka-eyeglasses ka? mas makapal pa yata yan sa salamin ko. Tsaka ano yan buhok mo na parang kay Dr.Jose Rizal mo yata hiniram? At yang orange na t-shirt tsaka bulaklaking short mo, hindi ka nababaduyan?”
Tanong ko sa kapatid ko.
Ano naman kasi ang trip nito at ganyan ginawa niya sa sarili?? =______=
“para hindi ako makilala ng mga fans ko ate. Baka madumog tayo ng wala sa oras mamaya dun eh. Mabuking pa ako ni daddy sa ginagawa ko”
“dahil sa fans mo or sa mga syota mong pinatataguan mo?”
Tanong ko.
eh kung mag-girlfriend kasi tong kapatid ko daig niya pa yata ang nangongolekta. Tsaka dagdag mo na din na pinagsasabaysabay niya silang lahat. Kaya siguro takot din akong magka-boyfriend dahil baka sa isang katulad niya ako mapunta..tsk.tsk..tsk..
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Novela JuvenilSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...