{Ramil’s POV}
Papunta ako ngayon sa bahay nina DG. Kakamustahin ko lang siya at sasabihin ko na din sa kanya ang progress ng panliligaw ko kay Djo. Si DG kasi ang una kong sinabihan sa panliligaw ko kay Djo at siya din ang nagbigay ng advice sa’kin kung pa’no manligaw. Ang weird nga eh, kahit may past kami ni DG full support pa din siya sa panliligaw ko kay Djo. Maybe wala na talaga siyang nararamdaman sakin and I also know to myself na wala na din akong nararamdamang special kay D. DG is now only my friend.
“Arman! Ano ba wag mong saktan ang anak natin!” Boses yun ni tita Danica.
Mabilis akong napatakbo sa loob ng bahay nila. I saw DG sitting in the couch and crying. Si tita Danica naman pinipigilan si tita Arman. He is very mad.
“sinong ama niyan DG?!” Galit na tanong ni tito Arman kay DG. Shit! Alam na ni tito. Ito yung pinakatatakutan ni D. Masamang magalit si tito Arman. He can be the sweetest father but he can be a monster kapag hindi niya nagustuhan ang ginawa ng anak niya. “ano?! Hindi ka sasagot?!” galit na ulit ni tito Arman.
“Arman tama na.” awat ni tita Danica sa asawa sabay hatak dito palayo kay DG.
“tumahimik ka Danica. I told you from the first place to discipline your daughter! Look what happendd now. I can’t beleive na isang disgrasyada ang anak natin! She’s only 19 for pete’s sake!” halos sumabog na sa galit si tito Arman.
“but you don’t have to hurt her Arman.” Sagot ni tita sa kanya.
“kulang pa yan! Kapag hindi niya sinabi sakin kung sinong nakabuntis sa kanya I will disinherit her!”nagpupuyos sa galit na sabi ni tito sabay turo kay DG.
“you can’t do that to your own daughter Arman” sabi ni tita Isabel.
“of course I can. If that’s the only way for her to learn!” saad ni tito at tiningnan ng masama si DG. “now young lady tell me who’s the father of your child!” baling niya kay DG.
No answers from DG. I swear I could see so much anger in tito Armans eyes. Nag-iisang anak lang kasi si DG. Tito Arman is a very strict father. Kahit ako dumaan sa butas ng karayom ng ligawan ko si DG. I was lucky enough at nagustuhan ako ni tito for her daughter.
“hindi mo talaga sasagutin ang tanong ko ha?!” Akmang sasampalin ni tito si DG.
“wait tito! Im the father!” I heard my own voice. Shit! Did I just said that Im the father?
“Ramil?” tawag ni tito sa pangalan ko.
Shit! I did said it!
“So ikaw ang nakabuntis sa anak ko?” tanong ni tito sa’kin.
“yes—i mean no tito” nagkandautal-utal kong sagot. Shit! Anong sasabihin ko?
“anong yes-no? You said your the father. Pinagloloko mo ba ako Ramil?” Galit na tanong sa’kin ni tito Arman.
“dad” narinig kong tawag ni DG sa daddy niya. Napatingin naman ako kay DG at alam kong hindi siya sang-ayon sa ginawa ko.
“shut up DG or else itatakwil kita.” Galit na baling ni tito sa kanya.
“now Ramil, to make eveything clear. Let me ask you again. Ikaw ba ang nakabuntis sa anak ko?” baling sa’kin ni tito.
Napatingin ulit ako kay DG. She was shaking her head, telling me to say no.
“I’m waiting Ramil.” narinig kong sabi ni tito na siyang nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.
Kapag hindi ko inako sigurado ako itatakwil ni tito si DG pero anong magagawa ko, nasabi ko na eh. Hindi ko ‘yun pwedeng bawiin ng basta-basta. Baka mas lalo lang magalit si tito kay DG.
“y-yes tito” sagot ko.
“okay. Mabuti na yung nagkakalinawan tayo. Welcome to the family iho” And with just a blink of an eye nagbago ang ekspresyon ng mukha ni tito. He smiled and shaked my hand na tinanggap ko naman.
{DG’s POV}
“Ram bat mo sinabi yun kay Dad?” Tanong ko kay Ramil ng ihatid niya ako sa kwarto ko.
“Ram naman eh. Kilala mo si Dad.” Dagdag ko nang hindi pa din umimik si Ramil. Maling-mali ang ginawa ni Ramil.
“he was going to hurt you D at narinig mo ang daddy mo. He will disenhirit you.” Mahinang sagot ni Ramil sa’kin. Tiningnan ko siya ng maigi.
“pero Ram, hindi mo dapat ginawa yun. Mas lalong lalaki ang gulo.” Talagang lalaki lang ‘to. Ayokong madamay si Ramil sa gulong pinasok ko.
“I’m sorry D. ‘Yun lang kasi ang naisip ko kanina. You’re not expecting me to just watch while tito Arman is hurting you”
“Ram, I really appreciate what you did. Pero kasi...kilala mo si dad”
Matagal nang boto si Daddy kay Ramil. Siya lang kasi ang nakapasa sa standards ni dad. Nang hindi ako sumipot sa engagement namin, alam kong galit na galit nun si Dad sa’kin. Kaya ngayon na inako ni Ramil na siya ang ama ng dinadala ko alam kong tuwang-tuwa si dad. Kita niyo naman ang pag-iba ng attitude niya ng kumpirmahin ni Ram na siya ang nakabuntis sakin.
“D, sino ba kasi ang ama niyang baby mo?” Tanong sakin ni Ramil.
Sasabihin ko ba sa kanya? Dapat lang siguro.
“si Baron.” Pabulong kong sagot.
“si Baron?! P-panong naging siya?” nakita ko ang gulat at disgusto sa reaksiyon ni Ramil. Well, I can’t blame him.
Umiwas ako ng tingin kay Ramil. “we’ve meet in states. Noong hindi ako sumipot sa engagement announcement natin. He became my boyfriend...and we were happy together“
“D naman. Alam mong ayaw ni tito Arman kay Baron.”
“kaya nga ayoko ding malaman ni dad na si Baron ang ama ng baby ko Ram. He would hate me more if he knew.”
Nakita kong napakamot ng ulo si Ramil. He looked problematic. Sino ba naman kasing hindi magiging problemado? Inako niya ang dinadala ko. Eh okay na sila ni Djo eh. Niligawan niya na’to. Last time he told me na nagiging okay na yung panliligaw niya kay Djo.
“Ram I think habang maaga pa lang bawiin mo na yung sinabi mo kay dad” pagkumbinse ko kay Ramil.
“what? N-no. Pano ka kapag nagkataon? We’ll find a way.”
“Ram wag ka nang mag-alala sakin. Mas worried ako sayo eh. Nagkakamabutihan na kayo ni Djo. Ayokong masira pa yun.” paninigurado ko sa kanya.
“I’ll just explain everything to Djo later D. Sasabihin ko din sa kanya bukas ang ginawa ko.”
Alam kong hindi ko na mababago ang desisyon ni Ramil. When he commits to something, paninindigan niya ‘yun no matter what happens. I just hope na hindi ako ang maging dahilan para magkasira sila ni Djo
“Thanks Ram. Thank you for being a good friend to me” ‘yun ang ang nasabi ko kay Ramil. i don’t know how to thank him for doing this big favor to me.
Hinawakan ni Ramil ‘yung kamay ko and he looked at me with so much care. Halos umiyak ako sa nakikita kong pag-aalala sa mga mata niya. He’s really a one in a million guy. Ang swerte ni Djo sa kanya. If only minahal ako ni Ramil tulad ng pagmamahal niya kay Djo, maybe I’m the happiest girl on earth. “You’re welcome D. Just take care of yourself and your baby”
Matapos makapagpaalam kina mommy at daddy ay hinatid ko na si Ram sa labas.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Novela JuvenilSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...