Chapter 40
{Djo’s POV}
Maaga akong pumasok ng school. May tatapusin kasi kaming output nina Grace at Yana. Mamayang lunch time ko planong sabihin kay Ramil ang magandang balita ko sa kanya. I want to surprise him.
Pagdating ko ng classroom nakita kong inuumpisahan na nina Grace at Yana ang output namin. Tumulong na din ako matapos kong mailagay sa desk namin ang gamit ko. After thirty minutes ay natapos na din namin ang output. Tamang-tama lang, five minutes before eight na. Maipapasa namin ‘to ngayong first period. Hindi na namin kailangang humingi ng extension kay Sir.
Nang dumating si Sir Marasigan ay nagsipasa na kami. He started his class after some announcements. Nagle-lecture na si Sir ng biglang tumunog ulit ang announcement speaker sa upper left side ng pintuan. Napatigil naman si Sir sa pagsasalita.
“good morning everyone. Pasensiya na sa istorbo” pag-uumpisa ng nagsasalita sa speaker. Parang pamilyar sa’kin ang boses niya.
“mabilis lang naman ‘tong gagawin ko. Gusto ko lang kasing batiin ng good morning ang loves ko” Napataas naman ang kilay ko dahil doon sa sinabi niya. At unti-unti ay nag-sink in sa utak ko kung sino ba ang lalaking nagsasalita sa announcement office.
“sorry loves kung wala akong masyadong oras sa’yo ngayon. Medyo natambakan lang ng mga gawain dito sa school at pati sa bahay. Sinubukan kong bumawi sa’yo last weekend kaso nabitin naman. Promise loves kapag nagka-oras ako babawi ulit ako sa’yo. Miss na kita loves. Ihahatid kita sa inyo mamaya ha? I love you Djo Dimaano” Biglang naghiyawan ang mga classmates ko dahil doon sa sinabi ni Ramil. Tiningnan din nila ako at ang mga kaibigan ko naman ay abot sa tenga ang mga ngiti. Nakikita kong nagpipigil lang sila dahil nandyan si Sir. Kahit ako nagpipigil sa kilig na nararamdaman ko ngayon. Waaaa! First time kasing nag-I Love You si Ramil sa’kin at talagang pinarinig niya sa buong sambayanan ng ESU. Feeling ko namumula ang buong mukha ko dahil sa mga sinabi ni Ramil. Kung tutuusin ang simple lang nang ginawang ‘yun ni Ramil pero grabe ang epekto sa’kin! Simple nga pero grabe din naman ang effort! Nawindang ang araw ko sa surprise na ‘yun ni Ramil. Gaganti din ako mamaya. I’ll surprise him.
-------
“Kyaaa! Djo ang sweet talaga ni fafa Ramil! akalain mo ‘yun, walang pakundangan siyang nagpa-I Love You sa’yo sa buong campus?! Waaa! Nakakainggit ka Djo!” halos mabingi ako sa boses ni Yanni. Kasama ko sila ngayon dito sa dating tinatambayan ko. Sa ilalim ng punong mangga.
“oo nga Djodie! Halos maihi ako sa sobrang kilig kanina lalo na nung nag-I Love sa’yo si fafa Ramil. Grabe Djo, wala ng mas hihigit pa sa pagiging sweet ni fafa Ramil.” segunda din ni Grace.
“tapatin mo nga kami Djo, kayo na ba ni fafa Ramil? Sinagot mo na ba siya?” tanong sa’kin ni Camelia. Kaagad naman akong napabaling sa kanya.
“hindi pa nga eh” sagot ko.
“weee? Sigurado? Bakit parang kayo na?” sabi ni Grace. Bahagya naman akong natawa doon sa sinabi ni Grace.
“bakit niyo naman ‘yun nasabi?” tanong ko.
“e kasi kung maka-sorry at maka-explain kanina si fafa Ramil, para siyang boyfriend na nage-explain sa girlfriend niya kung bakit wala siyang masyadong oras para dito. Diba?”
“di na kayo nasanay kay Ramil, alam niyo namang nananalaytay sa kaugat-ugatan nun ang pagiging sweet” depensa ko. Simula naman kasi nang magkakilala kami ni Ramil talagang sweet na ‘yun sa’kin diba?
“hay naku girl, sagutin mo na ‘yang si fafa Ramil at nang magtuloy-tuloy na talaga ang happiness mo!” sabi sa’kin ni Grace.
Napangiti lang ako habang umiiling. Mas excited pa ‘tong mga ‘to kaysa sa’kin eh.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Roman pour AdolescentsSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...