{Ramil’s POV}
“waaaa! Egzoited na ako kuya!!”
Excited na sabi sakin ni Yna habang tumatalon-talon pa. Kahit kelan talaga isip bata tong mataray na pinsan ko.
Pupunta kasi kaming beach ngayon. Walang pasok eh. Kasama namin sina Djo, Paco, DG, LJ, Denise, Clint, at Malcolm.
Maya-maya dumating na yung mini bus na ni-rent namin.
“classmate tara na!”
Tawag samin ni Denise.
“ate denden!”
Sabi ni Yna sabay kaway.
Wooo! Ang hyper ni Yna ngayon!
Umakyat kami sa mini bus. Pagka-akyat namin si my loves ko agad yung hinanap ko. Namiss ko ulit sya kahit araw-araw ko na siyang nakikita sa school. Since nung nagtapat ako sa kanya mas naging close kami. Okay lang sakin kung kaibigan pa din ang turing niya sakin. Ang importante nasabi ko na sa kanya yung gusto kong sabihin.
“loves”
Sabi ko nang makita ko si Djo.
Sakto lang. Mag-isa si Djo sa upuan niya. Magkakatabi kami all the way ng byahe. Lalapit na sana ako ng mag-over take si Yna sakin.
Nak nang! Inunanhan niya ako sa upuan!
“pssst kiti-kiti alis diyan. Akong tatabi sa ate mo”
Naiinis kong sabi kay Yna.
“talk to my hand kuya..bleeeh”
Sabi ni Yna na natatawa.
Wooo! Nanadya yata tong pinsan ko eh.
“kala mo makakadiskarte ka kay ate ha. Tsupe, alis ka dito kuya. Kami ang magba-bonding ni ate Djo..bleeeh”
Woooo! Sarap turusin nang pinsan kong to eh. Nginitian lang ako ni Djo sabay turo sakin nung vacant seat sa tabi nila.
Ang daya naman! Gusto ko makatabi si Djo eh! Dapat iniwan ko na lang si Yna sa bahay!
“alam mo ate Djo si kuya Ramil sumali yan sa contest dun sa probinsiya namin noon. Miss Barako yung contest..pfffffftttt...”
Natatawang kwento ni Yna kay Djo.
Tangna! Natatandaan pa ni Yna yun? tiningnan ko si Yna ng masama para sana patahimikan siya pero as usual walang epekto sa kanya.
“gusto mo ate makita yung pictures niya?”
Maya ay sabi ni Yna.
Tangna to the highest level! May pictures pa nun si Yna?! Ang sagwa ko dun eh! >___<
“sige ba!”
Excited na sagot ni Djo kay Yna.
Wooooo! Di pwede yun makita ni Djo! Baka maturn off siya sakin!
“uy wag na loves! wag kang maniwala diyan kay Yna!”
Pagtutol ko.
“guilty!”
Turo ni sakin Yna sabay behlat.
In-open na niya yung laptop niya! Naknang tokwa talaga! >___<
“kuya ano yun?!”
Sabi ni Yna sakin sabay turo sa labas ng bintana.
Kaagad ko namang tiningnan. Parang amazed na amazed yung mukha niya eh.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Teen FictionSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...