Epilogue
1 year later..
Ang malamig na hangin mula sa dagat ang sumalubong sa’kin paglabas ko ng cottage. Maaga pa kaya tahimik ang buong paligid. I took the opportunity to take a walk along the seashore. Hindi na ako nag-abalang magsuot ng tsinelas dahil gusto kong maramdaman ang mga buhangin sa paa ko habang naglalakad. Mamaya ay magiging busy na kaming lahat. Kasal kasi ni kuya Antonio, ‘yung panganay na anak ni nanay Esme. Sa maikling panahon kasi ay napalapit ako sa pamilya ni nanay Esme lalo na pagkatapos ng nangyari noong isang taon. Mag-iisang taon na din pala akong namumuhay na wala si Ramil. Sa buong taong ‘yun ay tanggap ko na ang lahat pero hindi pa din ako nasasanay. Masasabi kong bumalik na ako sa dating ako pero hindi ko maikakailang may kulang pa din sa’kin. Habang buhay ko na sigurong mararamdaman ang pakiramdam na parang may kulang sa pagkatao ko.
I stop for awhile to witness the sunrise. Ang gandang tingnan ang dahan-dahang pag-angat ng araw mula sa dagat. Huminga ako ng malalim ng muling dumampi sa pisngi ko ang malamig na hangin mula sa dalampasigan.
Simula noong nawala si Ramil at tuwing bakasyon, dito na ako sa lugar nina nanay Esme namamalagi. Nakasanayan ko na ding pagmasdan parati ang pagsikat ng araw. Nakakagaan kasi ng loob. Sa tuwing nakikita ko ang pagsikat ng araw, parang binibigyan niya ako ng dahilan para bumangon ulit. Bumangon sa pagkakawala ni Ramil. It also gave me the reason to face my everday life.
Isa ang lugar na ito sa naging dahilan para unti-unti kong makalimutan ang hindi magandang alaala sa pagkawala ni Ramil. Ang tahimik kasi dito. Nakakawala ng problema dahil malayo sa gulo at ingay kumpara sa siyudad. This place became my second home.
I decided to go back to the cottage. Kailangan ko pang maghanda para sa kasal ni kuya Antonio mamaya. Kinuha kasi niya akong bridesmaid at isa pa, baka gising na din sina Paco at Yna doon. Walang oras at araw pa naman silang hindi nagbabangayan. I wonder when will they agree on something. Kahit maliit na bagay kasi pinag-aawayan nila.
“will you put some shirt on!” nasa veranda pa lang ako ng cottage ay dinig ko na ang full volume na boses ni Yna. See, hindi nga ako nagkamali. It’s WW3 again.
“ano bang problema mo, ha? Ang aga-aga nakalunok ka na naman ng microphone” sagot ni Paco kay Yna. Ni hindi nila napansin ang pagdating ko. Masyado silang occupied sa away nila.
“problema ko?! Ikaw ang problema ko! Ang aga-aga sinisira mo ang araw ko! Exhibitionist ka!” halos umusok ang ilong ni Yna sa inis. I can’t help but smile.
“exhibitionist? Wala lang akong t-shirt exhibitionist agad? Hindi pwedeng naiinitan lang?”
“naiinitan? It’s freezing you dumbass! Talagang exhibitionist ka lang!”
“hey! Watch your words Yna. Tsaka ano naman ngayon kung nakahubad ako? Don’t tell me you haven’t seen a half naked guy?” nang-aasar na tanong ni Paco kay Yna. I saw Yna blushed. Mas lalo akong napangiti. Tumikhim ako para malaman naman nila ang presence ko dito sa may pintuan at para na din iligtas ang kapatid ko. Mukhang magiging pisikal na si Yna eh.
“ate Djo! Ate pakisabi nga po diyan sa kapatid niyong exhibitionist na magsuot ng t-shirt, please?” baling sa’kin ni Yna ng makita niya ako.
“no need ate. Magsusuot na ako ng t-shirt. Mukhang hindi sanay ang iba diyan na makakita ng half naked na lalaki eh” nang-aasar pa ding sabi ni Paco habang nakatingin kay Yna. Siguro kung malapit lang si Paco kay Yna kanina pa lumipad sa mukha niya ang kamao ni Yna. Ang bilis pa namang manuntok ni Yna. Nakita kong lukot na lukot na ang mukha ni Yna sa sobrang inis. Nagpaalam na lang tuloy itong babalik ng kwarto. Si Paco naman kung makangiti, wagas. Nakangiting napailing na lang ako dahil doon. Kelan kaya magkakaroon ng peace at harmony sa kanilang dalawa?
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Dla nastolatkówSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...
