Chapter 41
{Djo’s POV}
Mas nagkaroon ng oras si Ramil sa’kin simula ng naging kami. Syempre ang unang nakaalam ay ang mga magulang ko na ikinatuwa naman nila lalo na si mommy. Malugod naman nilang tinggap si Ramil. Sumunod naman ang mga kaibigan ko at tulad ng inaasahan, na hot seat ako sa interrogation nila. Hindi din nagpahuli sina Yna at Paco sa mga taong nakaalam ng pagiging official namin ni Ramil. Nag asaran pa nga ‘yung dalawa kung sino nga ba sa kanila ang unang nakaalam. Ewan ko kung na-settle na ng mga ‘yung ang tungkol doon. Huli kasi namin silang nakita ni Ramil na nagbabangayan at si Yna panay ang suntok kay Paco dahil inaasar siya nito. Hahaha. Daig pa nila ang mga batang nag-aaway sa isang laruan eh.
Mas lalong naging masaya ang araw ko simula ng maging kami ni Ramil. Mas inspired akong pumasok ng school. Hay, ‘eto pala ang pakiramdam ng in love at may boyfriend.
“mas lalo kang gumanda Djodie ng naging kayo ni fafa Ramil. Blooming ka araw-araw” sabi sa’kin ni Camelia. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ikaw ba naman kasi ang magka-boyfriend ng sobrang sweet at gwapo tingnan ko lang kung hindi ka gaganda lalo.
“kainggit ka talaga girl. Ang swerte mo na, ang ganda mo pa.Ikaw na ang dyosa ng kagandahan.” Segunda din ni Yanni.
“syempre dyosa plus Djo equals to Djosa” nangingit kong sabi. Ewan kung saan ko ba napulot ‘yun.
“ay havey na havey girl! Simula ngayon ikaw na si Djosa!” saad ni Grace na tawa ng tawa.
Hay naku, ang swerte ko talaga sa mga kaibigan kong ‘to. Todo suporta sa kabaliwan ko eh.
-------
“loves, may gagawin ka ba mamaya?” tanong ni Ramil sa’kin habang nasa library kami. Napatingin naman ako sa kanya.
“wala naman loves. After nang first subject namin wala na kaming pasok. Bakit?” yieee! Yayayain niya ba ako sa isang date? HAHAHA!
“sama ka sa’kin mamaya loves. Opening kasi ng isang carnaval malapit lang doon sa subdivision namin. Punta tayo” sabi niya sa’kin na nagmamakaawa. Kyaa! So niyayaya niya talaga ako sa isang date?
Umakto akong nag-iisip. “sige na nga” arte ko na parang napipilitan ng makita kong parang bata siyang nagmamakaawa.
“yes!” sigaw niya sabay aja sign pa kaya nasita tuloy kami ng librarian. Tumawa lang kami ni Ramil.
****
{Ramil’s POV}
“sige po ma, pa, mauna na po kami ni Ramil” paalam ni Djo kina tito Daniel at tita Jona. Sinundo ko kasi siya sa kanila ngayon dahil nga pupunta kami ng carnaval. Syempre para formal, kailangan ipaalam ko si Djo sa parents niya.
“don’t worry po tita, ibabalik ko po ng walang gasgas si Djo” sabi ko kay tita Jona at humalik na sa pisngi niya.
“at syempre po buong buo” sabi ko na binalingan si tito Daniel at kinamayan.
Nang makapagpaalam na kami ni Djo ay dumiretso na kami sa carnaval gamit ang kotseng dala ko. After half an hour of driving ay nakarating na kami sa Fun Carnaval. Opening nila ngayon kaya maraming tao. Bukod sa 50% ang discounts sa lahat ng rides, games and foods nila ay chance ko na din ‘to para makasama ulit ng matagal si Djo. Sa school kasi, totoong araw-araw kaming magkasama pero marami naman kaming chaperone. Hindi ko masolo si Djo.
“ang ganda dito loves. Ang daming rides tsaka game booth!” parang batang sabi ni Djo sa’kin. Kita ko sa mukha niya na tuwang-tuwa talaga siya.
Hinatak niya ako papunta shooting both. May nakita kasi siyang malaking tedyy bear doon.
“loves gusto ko ‘yun oh!” sabi ni Djo sa’kin habang nakatuon ang mga mata niya sa malaking teddy na grand prize ng shooting booth.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Teen FictionSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...