Chapter 36
{Djo’s POV}
“gusto mo maligo loves?” tanong ni Ramil sa’kin na siyang nagpabaling sa’kin sa kanya.
“pwede?” parang batang excited na tannong ko. Waaa! Maliligo talaga ako! hindi pa kasi ako nakakaligo sa isang waterfalls. Hanggang swimming pool at beach lang ang narating ko.
“oo naman. Tara” sabi niya sabay hatak sa’kin pababa papunta sa may waterfalls.
Sa isang malaking bato kami tumigil at naupo. Nag-umpisa ng maghubad ng damit si Ramil. Kaagad naman akong umiwas ng tingin. Anak ng tipaklong naman, kelangan sa harap ko talaga maghubad? Tang na juice with mixed flavors lang, ang init na nga ng panahon dadagdagan pa nitong si Ramil.
“tara na loves” sabi sa’kin ni Ramil ng hindi ako umimik.
“ah, sige loves mauna ka na, susunod na lang ako” paiwas kong sagot sa kanya.
“sige, ikaw ang bahala. Siyanga pala, nasa backpack ‘yung pampalit mo pati na din ‘yung isang tuwalya. Sumunod ka na lang loves ha?” sabi sa’kin ni Ramil at nauna na siyang bumaba.
Hinalungkat ko ‘yung back pack at nakita ko nga doon ang damit pampaligo na sinasabi ni Ramil. Ngayon lang sumagi sa isip ko na hindi pala ako pwedeng maligo na naka-pants at blouse. Mabuti na lang boy scout si Ramil. Kaagad akong nagbihis salikod ng malaking puno na malapit lang sa malaking batong tinigila namin.
Matapos kong magbihis ay ready to swim na ako. Naglakad na akong papunta sa may waterfalls. Ang ganda talaga ng waterfalls na ‘to. Maliit lang siya at parang lake lang ang laki pero ang bumubuhos na tubig mula sa taas ang nagpaaganda dito. para siyang kurtinang gumagalaw, yun nga lang hindi pakaliwa o kanan ang galaw niya kundi pababa. Nakita kong umahon si Ramil sa tubig at umakyat sa may falls banda. Nakatalikod siya at ‘yung tubig na galing sa taas ay malayang bumabagsak sa katawan niya. Shemay, sexy back. Ba’t ang sexy mo loves?
Lulusong na sana ako sa tubig ng bigla akong may makitang maliit na ahas. Bigla akong napaatras, mabuti na lang hindi ako nadulas. Kaagad na nawala ang ahas kaya hindi ko alam kung saan ‘yun sumuot. Dahil gusto ko talagang maligo kahit na may ahas akong nakita, lumipat na lang ako ng lugar. Sa bandang kanan ako pumunta at hindi ko napigilang sumigaw ng biglang may sumulpot na oso! Sa sobrang taranta ko, napaatras ako dahilan upang matumba ako. Ang sakit lang sa pwet. Napaupo kasi ako sa lupa sa sobrang gulat ko. ‘Yung oso papalapit sa’kin kaya naman nagsisigaw talaga ako!
Next thing I knew nakabulagta na ‘yung oso sa lupa pagkatapos nakapatong sa kanya si Tarzan. Tarzan? Paanong nandito si Tarzan? Nang tumayo si Tarzan nakita ko ang mukha niya. At anak ng tipaklong ulit, hindi siya si Tarzan kundi si Ramil! Eh naka-short siya kanina ah, ba’t ngayon naka-brief---este naka-boxer shorts na lang siya? Nakita kong akamang susuntukin ni Ramil ‘yung oso pero nagsalita ito.
“pare ‘wag! Teka lang, masakit ‘yang gagawin mo!” sabi ng oso sabay pa taas ng dalawang kamay niya na ginawang shield sa mukha niya.
Kelan pa nagsalita ang oso? Nakita kong naguguluhan din si Ramil at siguradong ganun din ang tanong niya. Nasagot lang ‘yun ng may dumating na dalawang batang lalaki at isang matandang babae.
“aru! Ikaw talagang bata ka, kung ano-anong pinaggagawa mo!” sabi nung matandang babae sa oso sabay kuha ng maskara nitong ulo ng oso. Isang batang lalaki na sa tingin ko ay nasa edad na labintatlo ‘yung oso kanina.
“sorry na po lola, ang boring kasi doon sa cottage eh” sabi naman niya.
Kinutusan lang siya nung lola niya kaya naman tumahimik na lang siya.
“naku iho, pagpasensiyahan niyo na lang ‘tong apo kong ‘to. Sadyang marami lang itong kapilyuhang nalalaman” paghingi ng pasensiya ni lola kay Ramil.
“wala po ‘yun lola. Mabuti na lang po hindi ko siya nasuntok” sagot naman ni Ramil. “loves, okay ka lang?” baling niya sa’kin.
Natigilan ako ng humarap si Ramil sa’kin. ‘Yung katawan niya kasi lalo na ‘yung dibdib niya na may naguumbukang mga tinapay ay nakalantad sa harapan ko. Kakaktapos ko lang mag-agahan oy! Hindi ko talaga mapigilang pasadahan ng tingin ang buong katawan ni Ramil. Mula sa dibdib niya papunta sa abs hanggang sa... Napalunok ako ng wala sa oras. Waaa! Djo ano ba? Saway ng boses sa isip ko.
“loves mahiya ka nga!” singhal ko sa kanya sabay tapon ng tuwalyang hawak-hawak ko. Feeling ko talaga namumula ang buong mukha ko.
“naku, sorry loves” narinig kong sabi ni Ramil.
May narinig akong tawa kaya naman napaharap ako at nakita ko si lolang nangingiti.
“alam mo iho, ngayon lang ako nakakita ng lalaking handang iligtas ang girlfriend niya kahit na walang saplot sa katawan maliban sa brief na suot” sabi ni lola kay Ramil at tumawa. Nakita kong namula si Ramil.
“e, lola naman” sabi niya sabay kamot ng ulo niya.
“Haha. Okay lang ‘yun iho. Eh, matanong ko lang kung bakit naka-brief ka lang ha?” tanong ni lola.
“onga loves, ba’t naka-boxers ka lang? Naka-shorts ka pa kanina ah” segunda ko din. Nakakapagtaka lang kasi na naka-shorts siya kanina pagkatapos naging modern Tarzan siya sa sout niyang boxer shorts lang.
Mas lalong kinamot ni Ramil ang ulo niya at ewan ko kung na-ano ba siya. Para siya matatae na ewan.
“eh kasi.. kasi ano..eh kasi naiwan yata dun sa tubig nung umahon ako para sagipin ka” sagot ni Ramil sa’kin habang kamot ang ulo niya.
Nagkatinginan kami ni lola at sabay na tumawa ng malakas. HAHAHAHAHA! Naiwan daw sa tubig yung shorts niya! HAHAHAHA! Ang epic lang.
“loves naman eh” reklamo ni Ramil sa’kin ng hindi pa din ako tumigil sa kakatawa. Ang sakit na nga ng tiyan ko pero hindi ko talaga mapigialang tumawa. Kulang na lang magpagulong-gulong ako sa sa sobrang kakatawa ko.
Nang makita kong naiinis na si Ramil sa pagtawa ko ay tumigil na ako, kahit ang totoo natatawa pa din ako.
“oh ‘yan tumigil na ako” sabi ko sa kanya habang pigil na pigil ko ang pagtawa.
Tinignan niya ako sabay pout ng lips niya. Ang bakla talaga ni Ramil kapag naggaganyan pero ang cute niya pa ding tingnan.
“natatawa ka pa din” sabi niya sa’kin.
“hindi kaya” sabi kong nagpipigil pa din. Tinitigan niya ako ng maigi at mas lalo siyang nag-pout ng lips niya. Parang basang sisiw siya habang nakaupo sa may bato.Promise, I really tried my best not to laugh, pero hindi ko talaga napigilang bumunghalit ng tawa ng maalala ko na naman ang sagot iya sa’min ni lola. Naiwan daw sa tubig ‘yung shorts niya! HAHAHAHA!
“sige loves, pagtawanan mo lang ako. Lagot ka sa’kin sa bahay mamaya” seryosong sabi ni Ramil sa’kin na siyang nagpatigil sa pagtawa ko.
“joke lang loves!” natatawang pagbawi niya at nag-peace sign pa siya. Ang bakla talaga nitong si Ramil.
Narinig namin si lolang tumawa kaya naman napabaling kami sa kanya. Hindi na din namin napigilan ni loves at nakisabay na din kami sa pagtawa ni lola.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
JugendliteraturSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...