C32:

159 5 0
                                        

{Djo’s POV}

Isang linggo at dalawang araw ng hindi kumukontak si Ramil sa’kin. Nakakatampo na siya, promise. Oo, alam kong busy ngayong week ang lahat nang estudyante nang ESU lalo na at malapit na ang accreditation, pero nakakatampo lang na kahit text o  tawag mula sa kanya ay wala akong natatanggap. Minsan nga pinuntahan ko siya sa building nila pero sabi sa’kin nung mga classmates niya umalis na daw siya. Nami-miss ko na siya eh.

“Djo, hindi ka pa ba uuwi?” tanong ni Grace sa’kin.

“hindi pa eh, mauna na lang kayo” sagot ko sa kanya. Kasama niya ‘yung iba, ayoko namang i-delay ang lakad nila dahil alam ko namang magsa-shopping sila.

“o, sige ikaw ang bahala. Ingat sa pag-uwi mamaya” sabi ni Grace sa’kin.

“Thank you, kayo din” sagot ko naman.

Nang makaalis na sila ay inayos ko na ang gamit ko at naglakad na papuntang library. May hihiramin lang akong libro doon at uuwi na din.

“uy Djo, nanliligaw ba talaga sa’yo ‘yung heartthrob sa HRMT department? ‘yung si fafa Ramil?” tanong sa’kin nang kaibigan kong working student sa library.

“ha? ah..eh..oo yata” sagot ko. Hindi ko alam ang isasagot eh. Parang ang awkward lang kasi.

“yiee! Infairness girl, bagay kayo. So, kelan mo siya sasagutin?” tanong niya pa sa’kin.

“ha? ewan ko. Heto nga pala ang hihiramin ko Nads” sabi ko na lang sa kanya.

Ni-record niya na sa computer ang librong hiniram ko. Kaagad naman akong nagpaalam dahil ayokong ma-hot seat. May pagka-usisera pa naman si Nadya.

Sa parking area exclusively for parents ako dumiretso. Susunduin daw kasi ako ni daddy. Pagdating ko doon walang mga kotse makikita. Magti-three thirty pa lang kasi kaya wala masyadong tao o kotse doon. Maya-maya ay may dumating na itim na van at mukhang naghahanap nang magandang mapaparkingan.

Tatawagan ko na sana si daddy nang biglang huminto sa harapan ko ang black van at kasunod nun ay ang paglabas nang apat na lalaking nakaitim din.

Goons!

Sinasabi nang isip ko na tumakbo pero parang pinako ang mga paa ko sa semento. Hindi ako makagalaw at parang nagba-buffer ang mga brain cells ko. Nang marinig kong nagsalita ang isa sa kanila ay doon lang ako nakagalaw.Tatakbo na sana ako pero huli na ang lahat dahil nahawakan na nung isa sa kanina ang kamay ko at pilit isinasakay sa van. Sinubukan kong sumigaw at humingi nang saklolo pero tinakpan nang isa sa kanila ang bibig ko gamit ang isang panyo. Unti-unti akong tinatakasan nang malay. Naisakay na nila ako sa van at pinaandar na ito nang driver na kasamahan nila.

Bago ako tuluyang mawalan nang malay ay kung ano-ano nang naiisip ko. Baka patayin nila ako at itapon ang katawan ko sa kung saan-saan lang.

Oh God! Ayoko pa pong mamatay. Sasagutin ko pa po si Ramil my loves, magiging kami pa, magpapakasal pa po kami at magkakaroon ng mga anak. ‘Wag Niyo po akong pababayaan, please lang po.

****

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto.  Nasaan ako? Tanong ko sa sarili ko. Ang huling natatandaan ko ay naghihintay ako kay daddy sa parking area nang ESU nang biglang.....May itim na van na tumigil sa harapan ko at may mga goons na dumukot sa’kin!

Kaagad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Napahawak naman ako sa noo ko nang kumirot ito nang bahagya. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at tumingin sa salamin. Wala naman akong kahit na anong sugat. Isa lang ang napansin ko, hindi na ako naka-uniform!! Nasaan ang uniform ko? Kanino ang puting bestidang suot ko ngayon? Sino ang nagbihis sa’kin?! Nagpapanic na ang buo kong sistema pero pilit kong kinalma ang sarili ko.

Nilibot ko nang tingin ang buong kwarto. Medyo may kalaparan ito. May kabinet din at may sofa na parehong gawa sa kawayan. Yung kama na kinauupuan ko ngayon ay malaki at sa tingin ko ay isang king sized bed. Gawa naman ito sa narra na nilagyan nang malambot na foam. Ang ilaw naman ay parang isang maliit na chandelier. Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan at ng makasigurado akong walang tao ay lumabas ako. Isang malapad na sala naman ang bumungad sa’kin. Puro gawang narra at kawayan ang mga kagamitan sa sala at ang ilaw sa kisame ay may kalakihan lang kumpara sa ilaw sa kwarto kanina. Ang mga bintanang gawa sa kapis ay nakabukas kung kaya’t malayang pumapasok ang sariwang simo’y nang hangin sa loob nang bahay. Sa labas ay nag-aagaw na ang dilim at liwanag, ibig sabihin ay magga-gabi na. Awtomatikong napatingin ako sa wristwatch ko. Six-thirty na. Ibig sabihin tatlong oras akong nakatulog.

Dahan-dahan akong lumabas at napasinghap ako nang makita ang mga naggagandahang bulaklak sa gilid nang bahay. Meron din sa gilid nang daanan. Sinundan ko ang daan at dinala ako nito sa tabing-dagat. May bonfire akong nakita at sa tabi nun ay isang maliit na lamesa katulad nang sa mga Japanese. Maraming pagkaing nakalatag sa lamesa at puro paborito ko pa.

Nagpalinga-linga ako at nagbakasakaling may makikitang tao, pero ni anino wala akong nahagilap. This place is like a paradise. Ang ganda nang lugar. Masarap ang simoy nang hangin mula sa dagat. Tahimik at higit sa lahat mukhang masasarap ang pagkain dito. Everything seems too good to be true. Then reality struck me like a lighting!

Baka dito ako dinala nang mga kumidnap sa’kin para walang makahanap sa’kin. Walang makakaisip na sa isang mala-paraisong lugar na katulad nito matatagpuan ang bangkay nang isang dyosang katulad ko! Pagkatapos siguro, ang masasarap na pagkain na ito ay ipapakain nila sa’kin bago nila ako patayin. Alam niyo na, bubusugin muna nila ako bago patayin! Waaa! Last supper lang ang peg!

Dahil dito nag-umpisa na naman akong magpanic. Anong gagawin ko? Babalik ba ako sa bahay at magtatago doon? Eh paano kung nandoon na ‘yung mga kidnapper at patayin na nila ako? Eh hindi pa naman ako busog dahil hindi ko pa nakakain ang hinain nila sa’kin kaya baka hindi din nila ako patayin. Pero paano kung nagbago na pala ang isip nila? Waaaa! Eh kung lumusong na lang kaya ako sa dagat at lumangoy palayo dito? Pwede! Pwede! Pero may problema, hindi pala ako marunong lumangoy.

Nasa ganyan akong estado nang pag-iisip nang may magsalita sa likuran ko.

“you’re finally awake. That’s good.” Narinig kong may nagsalitang isang boses sa likuran ko. Shit! Papatayin na nila ako!

Hinarap niya ako sa kanya pero kaagad kong pinikit ang mga mata ko. Ayokong makita ang mukha niya. Diba kasi ang mga killers sa movies pangit ang mukha? Ayokong makakita nang pangit na mukha bago ako mamatay. Gusto ko kapag namatay ako ang gwapong mukha ni Ramil ang makita ko. And by that time may mga apo na dapat kami. Pero paano mangyayari ‘yun eh mamamatay na ako ngayon?! Waaa! Gusto ko na talagang umiyak.

Asan na ba ang Justice Leauge?! Ang X-men?! Ang Fantastic Four?! Ang The Avengers?! Kung busy sila kahit ang Barney and Friends na lang o di kaya ang Telletubbies, basta may magligtas lang sa’kin!

“kuya ‘wag po, ‘wag po. Ang bata ko pa po para mamatay. Hindi pa nga po ako nagkaka-boyfriend eh. Magkakaroon pa lang ako. Sasagutin ko pa ‘yung my loves ko. Please kuya maawa po kayo sa’kin” sunod-sunod kong pagmamakaawa kay kuyang killer habang nakapikit pa din ang mga mata ko.

Gusto ko na talagang umiyak!

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon