C25: More Than Friends <3

240 7 0
                                    

{Ramil’s POV}

“uy classmate, matigas talaga yung ulo ni Yna. Ayaw talagang magpa-ospital. 38.9 na yung lagnat niya.”

Nag-alalang sabi ni Denise sakin

“kahit kelan talaga ang tigas ng ulo ni Yna. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya?”

“Kahit kay DG hindi na din siya nakikinig.”

Sabi sakin ni Denise.

Napansin ko din na hindi na din nakikinig si Yna kay DG. Hinatid ko na nga lang si DG sa kanila kanina kasi ayokong ma-stress yun. alam niyo naman yung sitwasyon niya ngayon.

Sheet lang! Habang tumatagal hindi ko na alam ang gagawin ko kay Yna. Ang pagkakasakit niya ang isa mga bagay na iniiwas iwasan namin. Kasi kapag ganitong mataas na ang lagnat niya hindi na nadadala sa gamot. At ang pagpapa-ospital is one of the impossible things na mapapagawa namin kay Yna.

Hospital is one of the place na iniiwasang puntahan ni Yna. Hindi dahil takot siya sa dugo or takot siya sa injection or doctor. It’s all because, hospitals reminds her of  tita Ysabel—her mom.

Yna stopped going to school when tita was admitted in the hospital. The diagnosis was severe depression. That was months after she and tito Isaac was divorced.

Yna witnessed everything. Every cry, every pain, every mourn of her mom dahil sa pagkakahiwalay nila ng asawa niya. Sinubukan naming iuwi si Yna pero nagmatigas siya and she stayed with her mom. Yna was there when her mom died. After tita Ysabel’s burial, Yna started to change. She became aloof and insensitive. It was like she have her own world and she placed a wall between herself and the people around her. Sa aming magpapamilya, kami lang ni Clint ang napalapit kay Yna. Lahat kasi ng relatives namin tinataboy niya palayo. She  don’t want to be attached to anyone, not even us her family.

“Classmate, subukan mo kayang tawagan si Djo? Diba close naman sila ni Yna? Baka sumunod si Yna sa kanya.”

Suggestion ni Denise sakin.

Tama si Denise. Close nga si Yna kay Djo. Nagtataka nga ako ba’t ang bilis nakuha ni Djo ang loob ni Yna. Mahirap kasing makuha ang tiwala ni Yna. Paranoid yun eh. Lahat ng tao iniisip niya iiwan siya and I’m not an exception to it. Kahit ako sinasabihan niya na iiwan ko din siya in the future...which of course, will never happen. Yna is like my sister. Mas close pa nga yata siya sakin kaysa sa mga kapatid ko.

“okay. I’ll try”

Sagot ko kay Denise.

“hello?”

Sabi ko.

“hi? Sino to?”

Damn! I missed her voice. I MISSED HER.

Magtatatlong araw na din kaming hindi nagkita ni Djo simula nung sagutan namin sa mall. I tried to talk to her, pero eveytime na lalapitan ko siya naduduwag ako kaya palagi na lang akong hindi natutuloy. Nagkasya na muna ako sa patingin-tingin sa kanya.

“loves...”

Mahina kong sabi.

I know, kahit hindi ko siya nakikita, alam kong natigilan si Djo. It took minutes before she answered. Akala ko nga binabaan na niya ako ng telepono.

“Ram”

Fisrt name basis. She’s still mad at me. Medyo masakit ulit sa puso.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon