{Djo’s POV}
“thanks for the help Djo”
Narining kong sabi sakin ni Ramil.
Siya yung nagpanggap na boyfriend ko sa Watty Cafe last Friday at nagligtas din samin dun sa tatlong adik na bastos na yun.
Frankly speaking, in shock pa din ako ngayon. Lahat ng pinagsasabi nung si Chinky kanina hindi pa din ma-absorb ng utak ko..pati yung mga pinagsasagot ko sa kanya kanina hindi ko din naiintindihan.
Sino naman kasing hindi masa-shock kung isang lalaking kasinggwapo nitong katabi ko ang humila sayo pagkatapos ipakilala kang girlfriend?? Aber sabihin niyo nga??!
“sorry kung naabala kita Djo. I just really need to get rid of Chinky. Obssessed kasi yun sakin eh. Sorry talaga sa istorbo”
Dagdag niya.
“ah..eh..okay lang yun..no harm done naman eh.”
Sagot ko and I forced a smile.
Ngumiti siya. Uwaaaaa!! Ba’t ang gwapo-gwapo niya?? Ngiti niya pa lang kinikilig na ako..nyahahaha:D
“are you in hurry? Coffee tayo.”
Yaya niya sakin.
“ha? eh kasi haha—“
“sandali lang naman. Treat ko sayo for helping me.”
Agaw niya.
“sige na Djo. Please??”
Sabi niya sabay pa puppy eyes
Kyaaaaaa!!! Ang cute niya! Matatanggihan ko ba ang isang gwapong nilalang na katulad niya?
“sige na nga”
Sagot ko.
Ayayay!! Kinikilig talaga ako sa kanya. |(*o*)|
“yes!”
Nakangiting sabi niya sabay aja sign.
Sa Coffee and Crepe kami pumasok. Minsan lang akong magawi dun since sa Watty cafe naman ako palaging tumatambay kapag napagod na ako sa kakalibot dito sa mall.
“classmate!”
Tawag ng isang babae kay Ramil pagpasok namin.
“classmate.. Kamusta na?”
Nakangiting tanong ni Ramil sa kanya ng makalapit siya samin.
“heto, pinapa-manage sakin ni dad ang coffee shop niya. This will serves as my training daw.”
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
أدب المراهقينSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...