Chapter 47

195 4 0
                                    

Chapter 47

{Yna’s POV}

Walanghiya talaga ‘yang si kuya Ramil oh! Umalis lang ako para magbayad ng bills namin pagkatapos wala na siya dito sa bahay? Kagagaling niya lang mula sa sakit eh. Magtatatlong araw na din mula nung tawagan ako ni ate Djo at sabihing sunduin ko si kuya sa labas ng bahay nila dahil nagpapa-ulan daw. Akala ko nga nagbibiro lang si ate kaya nagulat ako ng makita ko nga talaga si kuyang nakatayo sa labas ng bahay nila at basang-basa sa ulan. Nung una ayaw pa nga niyang umuwi eh, pero ng sabihin ko sa kanyang si ate Djo mismo ang nagpasundo sa kanya hindi na siya umangal pa. Hindi ko na nagawang magtanong kay kuya kung anong pinag-awayan  nila ni ate. Ang taas kasi ng lagnat niya for two days. Sinabi ko naman sa kanya na dadalhin ko na siya sa ospital pero ayaw niya pa din. Kahapon, second day ng pagkakasakit niya, sinubukan kong tawagan si ate Djo dahil umabot sa 49 degrees celcius ang lagnat ni kuya pero hindi ko makontak si ate kaya tinigilan ko na din. Puro pangalan ni ate Djo ang tinatawag ni kuya Ramil for two days na pagkakasakit niya. Panay din  ang pagso-sorry niya habang natutulog siya at inaapoy ng lagnat. Mabuti na lang kagabi bumaba ang lagnat niya at nag-normalize. Ang hirap palang maging nurse lalo na kung kasing tigas ng ulo ni kuya Ramil ang pasyente mo.

Nakasampung tawag na ako kay kuya pero hindi pa din niya sinasagot ang tawag ko. Saan kaya nagsuot ang pinsan kong ‘yun? Naisipan kong pumunta sa CC at baka nandoon si kuya. Pagdating ko ng mall ay doon kaagad ako dumiretso. Pagliko sa corner may nakabunggo pa ako. Naknangtokwa! Feeling ko tumilapon ang utak ko sa sobrang lakas ng impact naming dalawa. Parang pader naman kasi ‘tong nakabunggo sa’kin eh! Mabuti na lang at nahawakan niya ako sa bewang kaya hindi ako natumba ng tuluyan.

“kuya tumingin naman kayo sa dinadaan niyo” pigil ang inis na sabi ko kay kuyang pader habang inaayos ang sarili ko. Ayoko lang kasing sayangin ang energy ko sa poncho pilatong lalaking ‘to. Kulang pa ako ng tulog dahil sa pag-alaga ko kay kuya Ramil.

“ikaw ang bumunggo sa’kin Yna” napatingin ako bigla sa lalaking kaharap ko. Si Paco! Kaagad na umakyat ang dugo sa ulo ko.

“Ikaw ang bumunggo sa’kin!” singhal ko sa kanya. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang panloloko sa’kin. Kung hindi pa nadulas ang dila ni Arnold na kabarkada niya, hindi ko pa malalaman na si Pablo at siya ay iisa. Kaagad ko siyang tinalikuran. Gusto kong mapunta sa langit kaya kailangan kong lumayo sa kanya dahil baka magkasala ako ng wala sa oras.

“Yna? Ikaw nga?!!! Kambal I miss you!” nagulat ako ng makita ko si Blue—ang pinsan ko sa mother side—na tuwang-tuwang nakatingin sa’kin habang may dalang pagkain. Napangiti ako dahil hindi talaga nagbago ang pinsan kung ‘to. Ang takaw pa din niya as always. Pansin ko din na tumaba siya ngayon. Konti lang naman. Abot sa tenga ang ngiting lumapit ako sa kanya. Na-miss ko ‘tong baliw na ‘to. Sa lahat ng pinsan kong babae, siya lang ang ka-close ko eh.

“Blue!! I miss you too kambal! Musta na?” tanong ko din sa kanya. Four years na yata kaming hindi nagkita nitong kambal ko. Kambal ang tawagan namin dahil magkapareho kami sa lahat ng bagay. Hindi kami magkamukha pero pagdating sa ugali at sa hilig, pak na pak kaming dalawa.

“heto kyut pa din kambal. Boyfriend mo?” nakangiting tanong ni Blue sa’kin na nakaturo sa tabi ko. Kaagad naman akong bumaling sa tinuro niya at ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko pala si Paco at nakangiti. Kulang na lang sipain ko ‘tong kumag na ‘to eh!

“No. Hindi ko siya boyfriend kambal. Not in this world” mamamatay muna ako bago ko maging boyfriend ‘tong manlolokong ‘to.

“ate Blooo! Kanina ka pa namin hinahanap ni Gianono. Ang bigat ng groceries natin. I’m just saying” isang cute na tsinitong lalaki ang lumapit kay Blue.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon