C33:

167 5 0
                                    

{Djo’s POV}

Ang OA na ng pagmamakaawa ko nang may marinig akong tumawa. Napamulat naman ako dahil doon. Pero namilog ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang killer ko.

“Ramil? Loves?” wala sa sariling usal ko.

“ako nga loves. Akala mo artista ‘no?” pagbibiro niya sabay tawa.

“waaaaa! Walang hiya ka loves! halos atakehin na ako sa puso dahil sa kaba! Kung ano-ano nang iniisip ko!” pag-aalburuto ko sa kanya. Kulang na lang talaga magwala ako. Kayo ang saksi kung ano-ano ng hindi magagandang bagay ang naiisip ko kanina! Pagkatapos ngayon malalaman ko si Ramil lang pala ang kasama ko dito?! waaaa!!

“okay, kalma lang loves. Sorry mukhang hindi mo yata nagustuhan ang ideya namin ni tito Daniel” sabi niya sabay taas ng dalawang kamay.

Tito Daniel? Pangalan ‘yun ni daddy ah. Don’t tell me...

“so kasabwat mo si daddy dito?!” hindi makapaniwalang tanong ko kay Ramil. Hindi ko na talaga napigilan at tumaas na ang boses ko. Anak ng tipaklong naman kasi, they had no idea kung anong naramdaman ko kanina. It’s so—argh!

“ah, eh..oo eh” nagdadalawang isip na sagot ni Ramil sa’kin. Waaa! Nakakainis! Hindi ko talaga napigilan at sinuntok ko sa braso si Ramil.

“ouch loves, ang sakit mo’ng manuntok. Nagiging si Yna ka” sabi ni Ramil habang hinihimas ‘yung braso niyang sinuntok ko.

Parang na-guilty  naman ako sa ginawa ko. Malakas pa naman ako manuntok kapag naiinis.

“sorry na loves, I just want to surprise you kaya naman tinulungan ako ng Daddy mo. Sabi ko kasi something unique naman, kasi nga one week and two days akong hindi nakapagparamdam sa’yo. Sorry na loves” pag-explain ni Ramil sa’kin.

Aw, ang sweet talaga nitong my loves ko, pero ‘tong ka-sweetan niya ngayon parang papatayin ako ng wala sa oras.

“loves sorry na please. ‘Wag ka ng magalit, hindi ko kaya” sabi niya sabay luhod. Nagulat naman ako sa ginawa niya.

“loves tumayo ka nga” sabi ko sa kanya at inalalayan siyang tumayo. Hindi naman ako santo para luhuran niya ‘no.

“hindi ka na galit?” tanong niya sa’kin ng makatayo na siya.

Umarte akong parang nag-iisip.

“hindi na ako galit” awtomatiko kong sabi ng makita kong luluhod na naman siya.

Kaagad naman siyang ngumit sa sagot ko.

“’Yun oh! Thanks loves. Tara, kain na tayo” sabi niya sa’kin at inalalayang maupo sa isang maliit na carpet na nakalatag sa buhangin. Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.

“loves tama na. May plano ka bang gawin akong baboy?” tanong ko kay Ramil. Ang dami kasi niyang nilagay na pagkain sa pinggan ko.

Tumawa naman siya. “hindi naman  loves, gusto ko lang mabusog ka” natatawang sagot niya.

“mabubusog nga ako, tataba naman” sagot ko din. Baka maging instant baboy ako nito.

Mas lalong lumakas ang pagtawa niya. Aluluh, masyadong natutuwa ‘tong my loves ko ah. Inismiran ko lang siya at umarteng naiinis.

“kapag nangyari ‘yun loves ikaw naman ang pinakamagandang baboy sa balat ng lupa. At syempre ako naman ang pinakagwapong baboy” sabi niya sabay kindat pa.

Naku, sayang kapag naging baboy si my loves. Magiging taba  ‘yung mga muscles niya. Mawawala sina biceps at triceps  at lalo na sina pandesal. Hatad na hatad kasi sa harapan ko ‘yung katawan niya dahil nakaputing sando na hapit sa katawan at puting beach pants lang ang suot nitong si Ramil.

Djo, behave! Sabi ng isang boses sa utak ko. Natawa naman ako. Bakit ba? Parang pinagpapantasayahan---este nagbibigay lang ako ng opinyon ko eh.

“pinagpapantasyahan mo ako loves ‘no?” sabi ni Ramil sa’kin ng nakangiti. Hindi ko napansin nakatingin pala siya sa’kin. Bigla akong namula. Guilty eh.

“h-ha? Hindi kaya! Asa ka naman” pagde-deny ko at itinuon ang atensyon ko sa agkain.

“sigurado ka?” narinig kong tanong niya sa’kin.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at muntik ko ng mabitawan ang platong hawak  ko ng makitang ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko.

“may HD ka sa’kin loves ‘no?” ulit niya habang inilalapit lalo ang mukha niya sa mukha ko.

Waaaa! Teka lang, nagpapanic ang mga alaga ko sa tiyan. Mas lalo pa silang nag’circus ng makita kong naging seryoso ang mukha ni Ramil. Hahalikan niya ba ako? Waaaa! Teka lang ulit, hindi ako makagalaw! Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko!

Napapikit na lang ako ng makita kong ilang pulgada na lang ang layo niya sa mukha ko.

“full moon pala ngayon loves” narinig kong sabi niya. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ramil na nakabalik na sa pwesto na niya kanina at nakatingala sa langit. “alam mo loves magandang maglalakad-lakad sa tabing dagat kapag full moon” dagdag niya sabay tingin sa’kin na nakangiti.

Wait, nananaginip lang ba ako kanina? Tiningnan ko ng mataman si Ramil. Nakangiting nakatingin lang siya sa langit.

Namalik-mata lang siguro ako kanina. Mabuti na din ‘yun, dahil kung nagkataon wala na ‘yung first kiss ko. Huminga ako ng malalim at ngumiti.

“tara loves, maglakad-lakad tayo” yaya sa’kin ni Ramil nang maubos ko na ang pagkain ko.

Nakangiting sumang-ayon naman ako sa kanya.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon