C12: Showdown? LOL ^__^v

260 9 15
                                    

Ate! Naalala ko kasi yung nabanggit niyo kanina eh..wala naman akong maisip na e-title dito sa C12 kaya hihiramin ko muna yung "Showdown" ha?? hehehe..

Heto na po siya..hindi na po to madrama..sa susunod lang po yung mga yun..sweet-sweetan mode muna po tayo ngayon...^____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

{Djo’s POV}

Ang boring dito sa school. Wala kasi kaming klase sa subject namin ngayon. 3 hours class pa naman yun kaya 3 hours din ang itatambay ko. Nandito ako ngayon sa Mini Park ng school. Nasa loob din siya ng school premises at kalimitan dito kami tumatambay ng mga bestfriends ko. Kaso nga lang ngayon wala silang tatlo. Ewan ko nga kung saang lupalop na naman sila pumunta. ‘

Haissssttt!! Nakakamiss din yung tatlong mga babaeng yun. Kahit ba sabihin natin na ako langing napagttripan nila..

Mabuti na lang nagpabili ako kahapon ng libro kay Paco. Kaya may kasama ko ngayon..HAHAHA..boyfriend ko kasi ang mga novels na binabasa ko eh..kahit ba sabihing fiction lang lahat ang nakasulat dito naa-adik pa din ako.

Nake-carried away na ako sa librong binabasa ko nang biglang may umupo sa tabi ko.

“hi”

Nakangiting bati sakin ni Mimi.

Yeah..yung kahapon na friend yata ni Ramil.

“hello”

Sagot ko naman.

“mag-isa ka lang? San yung tatlong friends mo?”

Tanong niya sakin.

“oo mag-isa lang ako..wala kasi sila eh. ewan kong saan yung mga yun nagsusuot.”

Nakangiti kong sagot.

“ah ganun ba? Matagal na ba kayong friends ni Ramil?”

Biglang tanong niya sakin.

“hindi naman. Actually days pa lang ang pagiging friends namin. Kayo?”

Hindi ko napiglang itanong. Curious lang ako.

Kasi iba yung reaksiyon ni Ramil kahapon ng magkita sila.

Plus hindi ko din naman maiwasang hindi mapa-isip kung bakit hindi dinugtong ni Ramil yung tawagan naming “loves”..

“matagal na. Since highschool. Naglevel-up nga yung relationship naming dalawa eh. Kaso nga lang pinabayaan ko”

Malungkot na sagot ni Mimi sakin.

Naglevel up??? Pinabayaan???

Sareeee naman po..=_______=

loading si utak.. ^______^v

“alam mo, kahapon akala ko girlfriend ka ni Ramil.”

Sabi sakin ni Mimi.

Bigla naman akong napatingin sa kanya.

“ha? bakit naman?”

Tanong ko.

Ba’t naman iisipin niya na girlfriend ako ni Ramil?? hindi ba pwedeng sina Charry, Yanni or Grace??

“ewan ko nga din. Siguro dahil sa mga tingin sayo ni Ramil?”

Sagot ni Mimi sakin.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon