Chapter 51
{Yna’s POV}
“kuya! si ate Djo!” nataranta ako ng makita kong nawalan ng malay si ate Djo. Everyone is panicking. Everything happened so fast. Nakatingin kami sa papalayo ng eroplano ng bigla na lang itong sumabog. Parang ang bilis nitong kinain ng apoy.
Kaagad naming dinala sa ospital si ate Djo. Tinawagan din naman namin kaagad sina tita Jona at tito Daniel. Okay na ngayon si ate Djo at nagpapahinga doon sa private room niya.
“kuya Clint, anong sabi ni tito?” tanong ko kay kuya after ng phone call niya kay tito Bob. Matapos kasi naming dalhin dito sa ospital si ate Djo ay tinawagan ni kuya Clint si tito Bob para itanong kung anong flight ang eroplanong sumabog sa airport at kung isa ba sa mga pasahero ng byaheng ‘yun si kuya Ramil.
“the flight was going to Australia” sagot ni kuya sa tanong ko. Bigla akong kinabahan. Nandoon sa bansang ‘yun ang family ni kuya Ramil. “and your kuya Ramil was going there. He’s one of the passengers of that flight” mahinang dagdag ni kuya Clint sa’kin. Napaupo ako sa upuan na nasa tabi ko. Parang nanghina ang tuhod ko sa sinabing ‘yun ni kuya Clint.
“hindi pa alam nina tito kung sino-sino ang mga bangkay pero may tatlong katawan daw na nawawala” dagdag ni kuya Clint. “pupunta dito si tito mamaya para magbigay ng update” naramdaman kong hinawakan ni kuya Clint ang nanginginig kong kamay. “hey, everything’s gonna be fine. Masamang damo ang kuya Ramil mo, matagal mamatay ‘yun” pagbibiro ni kuya Clint. Alam kong sinusubukan niyang pagaanin ang loob ko. He was trying to divert my attention from thinking negative things.
Tiningnan ko si kuya Clint. He’s trying his best to stay strong in front of me but I know him. Kinakabahan din siya sa mga posibleng kalabasan ng pag-iimbestiga nina tito Bobby. I tried to suppress my tears. Wala naman sigurong mawawala if we think positively, right? Malay namin, isa nga si kuya sa mga nawawalang pasahero. Pero hindi din nawawala na isipin ko ang tanong na kung isa man si kuya sa mga nawawalang pasahero, mabubuhay pa nga ba siya? Mabubuhay pa ba silang tatlo kung tinupok ng apoy ang eroplanong sinasakyan nila habang nasa himpapawid sila? I felt defeated with that notion. I let out a deep sigh.
----
It’s already nine in the evening when tito Bobby came. Nasa sala kami ng private room ni ate Djo kasama sina ate Denise, kuya Clint, at Paco ng dumating siya. Kakaalis lang nina tito Daniel at tita Jona para kumuha ng gamit nila at gamit ni ate Djo. Si ate DG naman, dahil bawal sa kanya ang magpuyat ay hinatid na din siya ni kuya LJ na sumunod sa’min kanina dito sa hospital.
“how’s she?” tanong ni tito sa’min na ang tinutukoy ay si ate Djo. Sa pagkakaalam ko kasi nakilala na ni tito si ate ng minsan silang dumalo ni kuya sa birthday ni Janice—ang bunsong anak ni tito Bob.
“she’s not really fine. Ilang beses ng nagising si Djo kanina pero everytime na magigising siya, si Ramil ang hinahanap niya. I can’t really blame her for being like that. We saw what happened at the airport. We saw how the airplane exploded” the last phrase was almost a whisper. Ngayong nandito na si tito, hindi na maitatago ni kuya Clint ang pag-aalala niya. Ngayon namin makukuha ang confirmation kung buhay pa nga ba si kuya Ramil. Whatever will tito Bobby say, alam kong malaki ang magiging epekto sa’min.
“hey, you okay?” nag-aalalang baling ni tito sa’kin.
I forced a smile and acted normal. “yeah” tipid pero magalang kong sagot. I’ve never been close with my tito’s and anyone related to my mom’s ex-husband. He just smiled and nodded at me.
“It was confirmed to me that Ramil was in that plane. Nasa listahan siya ng mga naka-check in for that flight” pag-uumpisa ni tito.
“We have three missing bodies at hanggang ngayon ay hindi pa namin ‘yun nakikita. Those bodies who were found are all burned at halos hindi na makilala. ‘Yung ibang pamilya at relatives ay sa mga jewelries na suot na lang ng mga bangkay bumabase” pagpapatuloy ni tito. He seems uneasy and I don’t like it. There’s something in his stares that’s telling me he have some bad news for us. He let out a sigh.
“I have something for you Yna. Maybe you’ll recognize this” nagulat ako sa sinabing ‘yun ni tito. He took something from his pocket. When he showed it to me, it made difficult for me to breath. The mere sight of that necklace gave me the feeling of hopelessness. He handed the necklace to me. I ran my fingers through the necklace. This is the exact necklace of kuya Ramil. The one I gave him as my gift when he and ate Djo became an official couple. Meron din akong binigay na ganito kay ate Djo. It’s a couples necklace.
“one of the bodies owned that” napatingin ako kay tito. I wanted to say something but there’s no words coming out from my mouth.
“I’m sorry” narinig kong sabi ni tito Bobby. I then heard ate Denise’s cry. Nakita ko ding napayuko si kuya Clint. He wasn’t able to hide that tears in his face. That time, gusto ko na ding umiyak pero hindi ko magawa. Maybe tito also recognized this necklace from kuya Ramil. Unlike me kasi, close silang dalawa.
“I also found this from the body” tito Bobby handed me a ring. It’s just a normal ring but the engraved names on it made it different from other rings. “Ramil and Djo ∞”
Napasandal ako sa couch. Ang sakit-sakit na kasi sa puso. Ang hirap tanggapin nito.
“we found him wearing that in his left ring finger” narinig kong sabi ni tito Bobby.
“it’s Ramil’s commitment ring to me” kaagad kaming napatingin sa pinto ng kwarto ni ate Djo. She’s awake....and she saw the ring.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Teen FictionSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...