{Djo’s POV}
Binalikan kami ni Yna dun sa labas ng cafeteria ng hindi pa kami pumasok.
Nung sinundo naman kami ni Yna sumunod naman kaagad si Ramil. Ni hindi man lang nga niya ako niyaya ulit.
Pagkatapos nung naupo na kami sa table tingin pa din siya ng tingin kay DG..siyeeeettt..parang maiiyak na ako kanina. Bumili na nga lang ako ng palabok tsaka dun itinuon yung pansin ko. Nilantakan ko na lang ng nilantakan yung kawawang palabok..
Pagkatapos kukunin pa nung hinayupak na Ramil na yun! hmp! Grabe talaga, naiinis ako sa kanya to the highest level! Grrrrr...>____<
Akala niya naman tatalab yung paglalambing niya sakin..ASA siya?? naiinis nga ako sa kanya diba???
Tsaka nung pinakilala niya ako kay Mimi nawala din naman yung loves na tawag niya sakin?? Oh, eh ano ngayong nirereklamo niya na tinawag ko siya sa first name niya??
Buti nga sa kanya kanina nung sinipa siya ni Yna at nung binato siya ng in can coke..HAHAHA...
Nainis nga siya eh. Mukhang napikon kay Yna. Nakakatakot nga siyang mainis. Parang hindi siya yung sweet na si Ramil..
Pero nung tumawa si DG biglang lumambot ulit yung mukha niya. Grabe..ganun pala talaga yung epekto ni DG kay sa kanya?? Ganun niya siguro kamahal??
Ewan..feeling ko kasi naging sila..halata naman diba?? Kita niyo kanina itinanggi niyang girlfriend niya ako which is totoo naman talga..pero bakit nung si Mimi nagtanong kanina sinabi niyang girlfriend niya ako?? although sinabi niyang nagjo-joke lang siya pero hindi niya dineretsong sabihin na hindi niya ako girlfriend..bakit nung si DG na ang nakaharap namin bigla niyang sinabing kaibigan niya lang ako??
Magulo ba?? Naguguluhan nga din ako eh..ewan ko din bakit ko ba to sinasabi?? Tsaka bakit ba ganito ako ka-apektado kina DG at Ramil?? kung tutuusin kaibigan niya lang naman talaga ako..
Ewan!! baka PMS lang to...=_____=
“loves!”
Tawag sakin ni Ramil.
Syempre kilala ko na kung sino yun nuh..siya lang naman tumatawag sakin nun eh..
Di ko siya nilingon..lakad pa din ako.
“loves hintay naman please!”
Narinig kong tawag niya ulit.
Heeee! Ba’t ko siya hihintayin??
Mas binilisan ko yung paglakad ko. Bahala siya sa buhay niya..
Papaakyat na ako ng hagdan ng napagdesisyunan kong lingunin siya..di ko mapigilan eh..
Pagtingin ko wala na siya..sumuko agad?? K fine..ano naman ngayon?? Tssssss...
Mas lalong bumaba yung level ng energy ko..
Grabee parang di ko lang siya pinansin sumuko agad siya..dali niyang mag-give up ah..
Pero ano bang ine-expect ko?? Kaibigan niya lang naman ako..mali pala..NEW friend niya pa lang ako..bago pa lang yung pinagsamahan namin..hindi pa ganun ka-solid..di tulad kina Mimi tsaka DG na umabot na yata ng taon..ASA pa ako na ganun din ang pakikitungo niya sakin..
Ah!! Nakakainis talaga! Dinig na dinig kong sapatos ko habang paakyat ako ng hagdan..kasi nagdadabog ako habang umakyat eh..nakakainis kasi yung Ramil na yun! hmmpp! Grabe talaga!! >___<
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Подростковая литератураSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...