Chapter 48
{Yna’s POV}
After naming magkahiwalay nina Blue kahapon ay kaagad kong pinuntahan si ate DG. She told me everything at nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Alam kong hindi magagawang lokohin ni kuya Ramil si ate Djo at hindi nga ako nagkamali. Mabait si kuya Ramil. He’s the kind of guy na ayaw makitang nahihirapan ang isang babae. Gusto niyang tumulong kahit sa maliit na bagay lang. When he makes up his mind, paninindigan niya ‘yun kahit anong mangyari. Nang nagpaulan ng kabaitan si Lord God sinalo lahat yata ni kuya Ramil. Yes, he’s Mr.Nice Guy pero minsan ang kabaitan niya sumusobra na, to the point na nagiging tanga at bobo na siya. Tulad na lang ngayon. Sana kung sinabi niya nung sa simula pa lang kay ate Djo ang pag-ako niya sa dinadala ni ate DG dahil ayaw niyang itakwil ni tito Arman si ate DG, edi sana wala sila sa sitwasyon nila ngayon ni ate Djo? Sana hindi sila nag-away.
Kagabi kakausapin ko na sana si kuya tungkol sa nalaman ko pero inumaga lang ako sa kahihintay sa kanya, ni anino niya hindi ko nakitang dumating sa bahay. Hindi niya din sinasagot ang mga tawag ko kaya kahit wala akong tulog ngayon ay napagdesisyunan kong hanapin ulit siya. Baka kung napano na ‘yung pinsan kong ‘yun. Papalabas na sana ako ng bahay ng dumating naman si kuya Ramil. Nung una akala ko naligaw na adik ‘yun pala siya! Ang gulo kasi ng buhok niya, akala mo dinumog ng ilang dosenang babae. Pagkatapos bangag na bangag ang mukha niya at halatang wala siyang tulog.
“yow Yna. Pinsan kong maganda! Good morning” Pak! Wala na, lasing nga si kuya. Amoy chico eh. Tsaka halata din naman sa pinagsasabi niya diba?
“matutulog muna ako insan. Do not disturb me okay?” sabi niya sabay pisil ng magkabilang pisngi ko. Ang sakit! Naknangtokwa! Kung hindi lang ‘to lasing nasipa ko na ‘tong si kuya Ramil eh.
Hindi na ako nakakontra dahil dire-diretso siya sa second floor papunta sa kwarto niya. Gumegewang-gewang pa nga siya habang naglalakad eh. Akala ko nga ano mang oras pupulutin ko na lang siya sa ilalim ng hagdan dahil parang matutumba siya.
Siguro hindi pa sila nagkaayos ni ate Djo. Ngayon ko lang nakitang nagpakalasing ng ganun si kuya Ramil. Never pa kasing nagpakontrol sa alak si kuya. Kahit nung hindi sumipot si ate DG sa engagement party nila noon, hindi siya nagpakalasing ng sobra-sobra kumpara ngayon.
Mamaya ko na lang kakausapin si kuya kapag nagsawa na siya sa pag-inom at nahimasmasan na siya sa mga pinaggagawa niya sa sarili niya.
****
{Djo’s POV}
Maglilimang araw na ako dito sa bahay nina nanay Esme. Sinunod ko ang sinabi ni Blue sa’kin na pumunta sa isang lugar na hindi pamilyar sa’kin. Malamig na simoy ng hangin ang dumampi sa pisngi ko mula sa dalampasigan. Nasa tabing dagat kasi ang bahay nina nanay Esme. Malaki ang bahay nina nanay Esme at napapaligiran din ito ng malaking hardin. Ang tahimik at ang ganda dito sa kanila. Nakakatuwa din ang mga apo nina nanay Esme dahil puro makukulit at malilikot. Napangiti ako sa naalala ko pero nawala din ‘yun ng pumasok na naman sa isip ko si Ramil. Isang malalim na buntonghinga ang binitawan ko. Maglilimang araw na nga ako dito kina nanay Esme pero hindi ko pa din alam kung anong gagawin ko. Nami-miss ko na si Ramil pero hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagkaharap na kami.
“Mukhang ang lalim ng iniisip mo anak ah” napabaling ako kay nanay Esme na nasa tabi ko na pala.
“kayo po pala nay” ang tanging nasabi ko.
“malalim nga ang iniiisip mo Djo. Hindi mo napansin ang pagdating ko eh. Ano bang bumabagabag sa’yo anak?” malambing na tanong ni nanay sa’kin. Isang buntonghininga lang ang naisagot ko sa kanya.
“sa panahon ngayon, iisa lang ang pwede niyong problemang mga kabataan” napatingin ako kay nanay Esme... “heto” sabi niya sabay turo sa may bandang puso ko. Napatingin ako sa malayo at huminga ng malalim. Nagsisimula na naman kasing lumabo ang mga mata ko. Eepal na naman ang mga luha ko.

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Roman pour AdolescentsSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...