Chapter 46

166 4 0
                                    

Chapter 46

{Djo’s POV}

Nakakainis! Kanina pa ako iyak ng iyak! Ano ba naman kasing mga luha ‘to, ayaw magpa-awat sa pagtulo! Ba’t pa kasi pumunta dito si Ramil? bumalik tuloy lahat sa’kin ang mga nangyari kahapon. Akala ko pa naman kagabi ng natulog ako paggising ko kinaumagahan mawawala na lang na parang magic ang sakit na nararamdaman ko. Nawala nga, panandalian lang naman. Nang makita ko si Ramil kanina sumikip na naman ang dibdib ko. Bwisit! Ang sakit pala talaga kapag nagmahal ka. Nakakapagod ng umiyak. Paulit-ulit na lang talaga. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaiyak pero mas masakit pa din ang nararamdaman kong sakit dito sa puso ko. Huminga ako ng malalim at pinahid ang mga luha sa mata ko. Ayoko nang umiyak! Binuksan ko ang laptop sa table at in-open ko ang FB at wattpad account ko. Naka-300k reads na ang twisted marriage na story ko at marami ding tambak na comments. Dahil nakagawian ko ng magreply sa bawat readers ko ay inisa-isa ko silang nireplayan. Pagkatapos kong magreply sa mga comments nila ay sa facebook na ako tumambay. As expected spam na naman ang group message naming cute psychos. Ang iingay pa nila. Sumilip ako sa convo nila. Si Marlo tsaka si Blue ang online. Kahit dalawa lang sila spam pa din ang group message dahil kada word yata enter sila ng enter. Puro pa naka-caps lock at may exclamation point. Feeling ko tuloy nagsisigawan silang dalawa.

Marlo: Says “Hi” to Djo

Nakita niya siguro na nabasa ko ang convo nila ni Blue.

Blue: Hi ate crap-crap!

Ako: Hello. Kamusta?

Oh diba? Formal na formal.

Marlo: Kasama si unicorn ko.

Anong connect nun?

Blue: Kuya bangag lang? Sabi ni ate kamusta daw? Taz sagot mo kasama si unicorn ko? An’connect nun? Ang layo yata? HAHAHAHAAHAHAHA!

Hindi ko mapilang ngumiti. Kahit kailan talaga ‘tong si Blue makabara wagas.

Marlo: Close kaya ‘yun.

Blue: Hindi kaya!

Marlo: Close!

Blue: Hindi!

Marlo: Close!

Ang ingay talaga ng dalawang ‘to.

Blue: O sige na nga! Close na kung close! Kuya may knock-knock ako! Sagutin mo ha?

Marlo: ayoko nga

Nag-silent mode na muna ako at nagbasa na lang sa convo nila. Kahit papano naaaliw ako sa dalawang ‘to.

Blue: Grabe! Dali na!

Marlo: Sige, sabihin mo lang. Pagiisipan ko kung sasagutin ko. Hahaha

Blue: ang daya! Pero sige na nga. Knock-knock?

Gian: ANG INGAY NIYO!!!

Ayan na si Gian. Ang isang maingay din sa group convo namin. Kung maingay sina Blue at Marlo. Mas maingay kapag sila na ni Blue ang nag-usap. Parehong ayaw magpatalo ng dalawang ‘to eh.

Marlo: Oh, Gianono’s here. Says “Hi” to Gian.

Blue: Hi Lolo!

Gian: HI MANONG! HI LOLA! HI ATE DJO!

Blue: Kuya! ‘yung knock-knock ko!

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon