Chapter 52: Final Chapter

184 5 0
                                    

Chapter 52: Final Chapter

{Djo’s POV}

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na lugar sa’kin. It’s not my room or my mini library. Sinubukan kong bumangon pero ang sakit ng ulo ko. Then I remember what happened. Nasa ospital nga pala ako at ilang beses na akong ni-sedate ng mga nurses. When I remembered why they’d sedated me, kaagad na nag-unahan ang mga luha ko. Everything went back to me. Mula doon sa paghihintay namin sa pagbalik nina Denise at Clint and hoping for Ramil to come back until the explosion we witnessed.

Napahagulgol ako ng maalala ko ang malakas na pagsabog at ang mabilis na pagtupok ng apoy sa eroplanong sinasakyan ni Ramil. I was unprepared for that. I already accepted that Ram was leaving me...but not like that. I was still hoping that our lovestory will be given a second chance like what happened to nanay Esme and tatay Rudy but that hope was shattered of what had happened. Okay na ‘yung umalis siya ng bansa eh, at least alam ko na buhay siya kahit malayo sa’kin. Pero bakit ganun? Bakit ginawa niyang permanente ang pag-alis niya? Ang daya-daya naman ni Ramil eh! Nakakainis! Hindi na nga siya nagpaalam ng personal sa’kin nagsinungaling pa siya! Ang sabi niya aalis siya papunta sa ibang bansa. Pero bakit iba ang pinuntahan niya? Hindi ko din napigilang kwestyunin ang Diyos. Masyado ba talagang malaki ang pinakita kong kahinaan sa pagmamahal ko kay Ramil kaya ganito ang nangyari? Masyado yatang unfair? Kung kelan natuto na ako, tsaka naman nawala lahat. Parang nakakasama lang ng loob.

I heard voices outside my room. I calmed myself and went out the room. I saw Yna, Clint, Denise and Paco..at isang lalaking parang pamilyar sa’kin. Nakatayo malapit sa pinto si Clint. Nasa veranda naman si Paco. Si Denise ay nakaupo sa isang couch at parang umiiyak at si Yna naman ay nakasandal sa couch. Ang bigat-bigat ng aura sa buong kwarto. Kasing bigat ng nararamdaman ko.

“we found him wearing that in his left ring finger” narinig kong sabi nung lalaking parang pamilyar sa’kin kay Yna. Napatingin naman ako sa singsing na hawak-hawak ni Yna. I instantly recognized that ring. Hindi ako pwedeng magkamali.

“it’s Ramil’s commitment ring to me” wala sa sariling nasabi ko. Napatingin naman silang lahat sa direksiyon ko.

“ate Djo” sambit ni Yna sa pangalan ko. I saw pain in her eyes.

“sa kuya Ramil mo ‘yan Yna diba?” panigurado ko. Sigurado akong kay Ramil ‘yun dahil nasa sa’kin ang kaparehas nun at suot-suot ko ngayon.

“nasa’n ang kuya Ramil mo Yna? Nandito ba siya kaya nasa’yo ‘yan?” nang mga sandaling ‘yun I was hoping that Ramil is still alive.

“ate...” nakita kong nahihirapan si Yna at nandoon ang kalungkutan sa mga mata niya. I shifted my gaze to Clint and Denise. Pareho lang silang tahimik at ayaw salubungin ang mga tingin ko.

“nandito ba ang kuya Ramil mo Yna?” ulit ko. Para akong sira, alam ko ang sagot sa tanong kong ‘yun pero ayaw matanggap ng puso’t-isip ang ang katotohanan. I’m asking for something that I know will not be given to me.

I heard Yna sobbed. Then I saw in her hand the same necklace that I am wearing. It’s the same gift she gave me when Ramil and I became an official couple.

“damn it Yna! Just tell her okay?” narinig ko ang galit sa boses ni Paco. Napatingin kaming lahat sa kanya. Even Yna who’s crying that time.

“he’s dead ate. Tama ang hinala natin na nandoon sa eroplanong ‘yun and ex-boyfriend mo. That ring and necklace na na’kay Yna ay nakita ng tito nila sa isa sa mga bangkay na pasahero. He’s dead. Kuya Ramil is dead ate” sa sinabing ‘yun ni Paco ay tuluyan nang naglaho ang katiting na pag-asa ko na buhay pa si Ramil.

Ang katotohanang hindi na siya babalik kahit kailan at kahit anong gawin ko. Tears started to fall freely from my eyes. I took a deep breath to control myself. Everything we did together flashed before my eyes. All those days I had with him started to come back. Nanghihinang napasandal ako sa pintuan.

Bumalik ako sa kwarto ko at doon umiyak. Gusto kong mapag-isa. I heard a knock from the door but I ignored it. Hindi ko lang talaga matanggap ang mga nangyari. I closed my eyes, still hoping that when I open it, I’ll see Ramils face in front of me...but there’s none.

Life will go on for everyone but there will always be that incomplete feeling inside me. Everything will not be the same again. Not without Ramil. And I don’t know how will I start my life again without him. I don’t know if I’ll be able to let him go. Huminga ako ng malalim at pagod na pinikit ang mga mata ko. Kahit nakapikit, isa-isa pa ding nagunahan sa pagkawala ang mga luha ko.

Maybe our love story ends here but one thing is for sure, my love for him will stay forever. I will hold all our memories together to keep him alive inside my heart.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon