Chapter 42
{Djo’s POV}
Hay buhay, ang sarap lang. Magdadalawang araw na mula nang pumunta kami ni Ramil doon sa carnaval pero hindi ko pa din makalimutan ang mga ginawa namin doon. May hang-over pa yata ako lalo na doon sa paghalik niya sa’kin sa photo booth.
“ate Djo! Mabuti po at nakita ko po kayo dito sa school. May ibibigay po ako sa inyo” sabi ni Yna ng makalapit siya sa ‘kin sa ilalim ng mangga. Isang necklace ang nilabas niya mula sa kanyang bag. Ang cute nung kwintas.
“ang ganda Yna.Para sa’kin ‘yan?” tanong ko kay Yna.
“opo ate. Gift ko po sa inyo dahil official couple na kayo ni kuya. Binigyan ko din po ng ganyan si kuya Ramil. Personalize couples necklace po ‘yan. Sana ate tumagal kayo ni kuya. Thank you ate for making my cousin happy”
Na-touch ako sa sinabing ‘yun ni Yna. Ang sweet talaga nitong batang ‘to.
“’wag mo’kong pasalamatan Yna dahil pinapasaya din naman ako ng kuya Ramil mo. I’m thankful that I’ve met your cousin. Thank you for accepting me Yna. And thanks for this gift” nakangiting sabi ko kay Yna.
“yieeeee! You’re welcome ate. I’m so happy for you and kuya Ramil” nangingiting sabi ni Yna sa’kin. Nag-usap pa kami ng matagal ni Yna. Kung ano-anong pinag-uusapan namin tungkol kay Ramil ng dumating si Paco.
“ate can I borrow Yna for awhile?” paalam ni Paco sa’kin.
“okay” simpleng sagot ko naman.
“Yna we need to talk” baling ni Paco kay Yna.
“I need to go now. Ate mauna na po ako” seryosong paalam ni Yna sa’kin.
“Ahm. Sige. Bye?” naguguluhang sagot ko. Nilagpasan lang ni Yna si Paco at tuloy-tuloy na umalis pero nahawakan ni Paco ang braso niya. Something’s wrong with this two. LQ ba sila?
“let go” sabi ni Yna kay Paco. If looks can kill, nakabulagta na siguro ang kapatid ko.
“no” matigas namang sagot ni Paco. Nagsusukatan sila ng tingin.
“okay” simpleng sagot ni Yna at sinipa sa paa si Paco. Napasigaw naman ang kapatid ko sa sobrang sakit pero kaagad naman siyang nakabawi.
“stay. away. from. me” may din na sabi ni Yna sabay alis ng tuluyan. Okay, I’m sure nag-away talaga ng totohanan ‘tong dalawang ‘to.
“what was that?” tanong ko kay Paco sabay bigay sa kanya ng what-did-you-do looks ko.
“nothing” tipid at naiinis na sagot niya sa’kin.
Ano na naman kayang pinag-awayan ng dalawang ‘yun?
-----
“Djo!” nagulat ako ng makita ko si Chinky habang naglilibot ako sa mall. Maaga kasi ang dismissal namin ngayong hapon kaya naisipan kong mag-mall. Hindi ko kasama si Ramil dahil may importante daw siyang pupuntahan. Hindi na ako nagtanong kung saan kasi ngayon lang naman hindi nakasama si Ramil sa’kin. Importante lang talaga siguro ang lakad niyang ‘yun. Maybe family matters.
“hi Chinky” nakangiti kong sabi ng makalapit siya sa’kin.
“mabuti naman at naalala mo pa ako girl. Siyanga pala I want you to meet my fiancee Reynold and babes, I want you to meet Djo, a good friend of mine” pagpapakilala sa’min ni Chinky.
“nice to meet you Djo” nakangiting sabi ni Reynold sa’kin.
“same here” sagot ko din.
“ay girl, I’m so happy for you and fafa Ramil. Nakita ko ‘yung singsing na suot niya kanina. Engaged na pala kayo?”

BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Fiksi RemajaSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...