Chapter 37

171 4 0
                                        

Chapter 37

{Ramil’s POV}

After naming ihatid sina lola Karenina sa cottage nila ay tumingin tingin din kami ni Djo sa mga store malapit doon para bumili ng pasalubong. Ang daming store na pinasukan ni Djo kaya pagkatapos ‘nun marami din kaming bitbit . Nang mapagod na si Djo sa kabibili ng pasalubong ay sa isang restaurant naman kami pumasok. Nakakagutom din naman kasing maglakad-lakad at mamili ng mga pasalubong, isa pa malapit na ding mag alas dose kaya lunch time na talaga.

Sa isang seafood restaurant kami kumain. Kamayan Kainan ang pangalan. Na’curious si Djo sa pangalan ng resto eh, kaya doon siya pumasok. Ako namang buntot niya ay sumunod na lang habang dala-dala ang isang katerbang pasalubong niya. Grabe, ganito pala kadami mamili si Djo. Ano na lang kaya kung nasa mall kami?

Ang dami ding in’order ni Djo. May isda, oyster,clams, lobster at calamari. Kung gutom yata ako mas gutom si Djo. We were silently eating ng may tumawag sa cellphone ko. Hindi ko sana sasagutin pero ng makita ko ang pangalan ni tito Arman, kaagad akong nagpa-excuse kay Djo.

“loves sagutin ko lang ‘to ha?” paalam ko sa kanya. When she nodded her head, lumabas ako ng resto to answer tito Armans call.

“yes tito?” tanong ko.

“where are you Ramil? We waited for you last night pero hindi ka dumating. Diba sabi ko sa’yo ipapakilala kita sa mga pinsan at mga kaibigan ni DG?” sabi ni tito Arman sa’kin. Batid ko sa boses niya ang pagkairita.

“tito, nagpaalam po ako kay D na hindi po ako makakapunta and she said it’s okay.” Sagot ko naman. Nagpaalam naman talaga ako kay DG na hindi ako makakapunta dahil nga babawi ako kay Djo.

“she did told me, but you know that it is your responsibility young man to know everyone who are related and important to DG. Right?” sabi ni tito sa’kin. With that kind of tone, alam kong hindi tatanggap ng ‘no’ si tito Arman. Nakakasakal na masyado si tito Arman but I can’t do anything. Pinasok ko ang gulong ‘to, kaylangan ko din ‘tong panindigan.

With clenched fist I tried to control myself. Huminga ako ng malalim bago sumagot kay tito.

“yes tito”

“good. I want you here in the mansion first thing in the morning” dagdag ni tito.

“but I can’t tito. I have something important to do” hanggang bukas ng hapon kami ni Djo dito.

“more important than my daughter and your baby?” tanong ni tito sa’kin giving emphasis on the word your. If only I can say that I’m not the father.

******

{Djo’s POV}

Ang ganda talaga sa lugar na ‘to at ang sasarap pa ng mga pagkain. Feeling ko kapag tumagal pa ako sa lugar na ‘to lolobo ako sa laki. Mawawala na din siguro sa bokabularyo ko ang salitang diet. Nilalantakan ko na ‘yung calamari ng dumating si Ramil. Niyaya ko siyang tikman ‘yung calamari.

“sige lang loves, kain ka lang” nakangiting sagot niya sa’kin. Dahil sa nasasarapan talaga ako sa calamari na ‘to, hindi ko na lang kinulit si Ramil.

After ten more minutes were done eating our lunch. Niyaya ako ni Ramil na maglakad-lakad bago bumalik sa bahay.

“Loves” tawag ni Ramil sa’kin habang naglalakad kami.

“yes?” tanong ko sabay baling sa kanya. Kanina ko pa nga din nahahalata na tahimik ‘tong si Ramil tsaka parang ang lalim ng iniisip niya. Hindi lang ako kumibo kasi busog pa ako. Wala sa mood mangulit.

“uhm, we need to go back in Manila today. Okay lang ba sa’yo?” tanong niya sa’kin.

Ay, uuwi na kami? Sayang naman. “Oo naman. Ba’t naman hindi magiging okay sa’kin?” sagot ko. Maybe there’s an emergency kaya babalik kami agad.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon