C8: FAC-U LAV

318 13 21
                                    

{Yna’s POV}

Peste talaga yan si kuya Ramil! >_<

Sinabi na kasing wag na niya akong i-enroll eh. Napilitan tuloy ako ngayong pumasok dito sa school niya.

Pagkatapos hindi naman siya masyadong excited ngayong araw eh nuh? 6:30 pa lang kanina ginising na niya ako eh..tssssskkk..

Oh well, ano pa nga bang magagawa ko? Wala na akong magagawa! Na-enroll na ako ni kuya dito sa ESU eh. Looks like I need to suffer here. Let’s just pray na wala akong makabangga dito sa school na to. Para walang gulo.

Nandito ako ngayon sa office ng College of Arts and Science student assistance room. May working student na nagde-discuss sakin ng VMG, school rules and regulations, mga officer ng school, saan ang location ng mga building at ang dami niya pang pinagsasabi na hindi ko na naintindihan. After so many years of listening and sitting here in front of this girl, sa wakas! Natapos din kami.

We’re on our way now papunta sa classroom ko daw. Habang naglalakad kami panay pa din kakasalita niya. Kapag ako talaga nainis mamaya, papakainin ko to ng siling labuyo!

“here’s your classroom miss. Enjoy studying here at Evron State University”

Nakangiting sabi niya sakin.

I just gave her a FAKE and FORCED smile. Sarap hambalusin nitong babaeng to eh..

Pumasok ako sa classroom. And guess what?!

Parang palengke yung classroom..

May nagsisigawan..kala mo kung anong tinitinda..

Ginawa din yata nilang dating place..

Merong naghaharutan..

May naglalampungan..

May naglalandian..

Hayyy! lahat na ng lang yata ng pwedeng gawin ng magsyota ginagawa na nila..maliban lang dun sa *toot*..jusmeee, mahihiya hiya naman sila kung nagkataon nuh?

At lastly, parang parlor yung classroom..

Eh sa kada row at column ng seat ay may nagme-make up..

May nagli-lipstick ..may nagpapa-ayos ng buhok..eh kulang na nga din lang may magpa-gupit at mag pa-rebond ng buhok sa kanila..

Dumiretso ako dun sa last row. Dun sa pinakadulo kung saan isolated ako sa lahat..tsssskk...schizo na kung schizo..pakialaman niyo ba?! Sa ayokong makipag-socialize sa mga classmate ko eh..tssskkk..pahamak talaga yung pinsan kong si kuya Ramil!

Maya-maya pumasok na yung professor namin. Nagpa-good morning sir sila eh..kaya dun ko nalaman na professor namin yung matandang lalaki na pumasok.

“good morning class. Napadaan ako kanina sa office and I was informed that you have a new classmate. Is she here now?”

Sabi nung professor namin.

This is the part I really hate. Magpapakilala na naman ako. As if naman tatagal ako dito sa school na to..tsssskkk..

Tumayo ako to be recognized by our professor.

“it’s me sir”

Sabi ko.

“oh, there she is. Come here in front iha”

Nakangiting sabi sakin nung professor naming gurang.

Pumunta naman ako dun sa harapan.

“please introduce yourself to us iha”

Sabi niya sakin.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon