Chapter 39
{Djo’s POV}
“kamusta ang bakasyon mo iha?” tanong sa’kin ni mommy ng pumunta ako ng kusina. She’s baking as usual.
“okay naman po ma, masaya kaso bitin” sabi ko sabay kuha ng isang cupcake at kinagatan.
“kamusta naman ang trato sa’yo ni Ramil?” tanong ulit ni mommy sa’kin.
“okay lang ma. Nagkaroon ako ng instant alalay” sabi ko sabay tawa. Naaalala ko kasi ‘yung busangot na mukha ni Ramil noong bumibili kami ng pasalubong. Hindi ko kasi mapigilang bumili sa kada-store na mapasukan namin dahil ang gaganda ng mga souvenirs nila.
“nako, nakikinita ko na na magiging under sa’yo ‘yang si Ramil kapag nagkataon” natatawang sabi naman ni mommy sa’kin.
“sa tingin niyo ma?” tanong ko. She just nodded her head. “what do you think of Ramil ma?” dagdag ko. Well, I want to know what my mother thinks of him.
“nako anak, alam mo namang boto ako kay Ramil diba? He somewhat reminds me of your father. Mahilig mag-joke, isip bata minsan, and I can feel that he’s a nice guy.” Sagot ni mommy sa’kin habang kinukuha sa oven ang bini-bake niya.
Hindi naman ako kumibo. My mother definitely likes Ramil. Si dad kaya? Hinanap ko si daddy at sa library ko siya nahanap. Doon naman talaga ang tambayan niya eh. Sa kanya ko namana ang pagiging mahilig sa libro.
“Hi dad” bati ko sa kanya ng makalapit ako.
“oh anak, kamusta nga pala ‘yung surprise ni Ramil sa’yo? Ang astig diba, may kidnapping pa na part. Ako nakaisip nun” proud na sabi ni daddy sa’kin. Napasimangot naman ako ng maalala ko ‘yun. Nako, hinding-hindi ko ‘yun makakalimutan. Halos atakehin ako sa puso ng mga pinag-iisip kong pwedeng mangyari sa’kin nun eh.
“alam mo dad nakakainis ka. Dalawa kayo ni Ramil. Hindi kaya nakakatuwa ‘yung plano niyo. Mamamatay ako ng wala sa oras sa nerbiyos eh” sabi ko kay dad sabay simangot.
“nako, sorry na anak. Kilala mo naman ako, basta something unique, unique pa sa unique ang naiisip ko. Tsaka gusto lang makabawi sa’yo ng manliligaw mo” sagot naman ni dad sa’kin habang nakakingiti.
“so, nakuha na ni Ramil ang loob mo” it’s not a question. It’s a confirmation.
Nakita kong nag-isip si daddy.
“well, aaminin ko noong una nagduda ako sa kanya. Kilala mo naman ang daddy mo diba? Overprotective lalo na pagdating sa’yo. Aba’y nag-iisang babaeng anak lang kita at panganay pa. Kaso nga lang ‘yung manliligaw mo, masyadong desidido. Ni hindi nga natinag nung sinupladuhan ko diba? Tsaka nakuha niya kaagad ang loob ng mommy mo. Basta okay kay mommy mo, wala na ding problema sa’kin. Kaya nga nang sabihin niya sa’min ng mommy mo na gusto niyang makabawi sa’yo, go na go ako sa pagtulong. Wala namang masama kung bibigyan mo ng chance ‘yung manliligaw mo diba? I mean, you’re old enough anak, I’m giving you your freewill to decide. Kung saan ka masaya, susuportahan kita” nakangiting sabi ni daddy sa’kin.
Na-overwhelmed yata ako masyado sa mga sinabi ni daddy. Nagbuffer tuloy ang mga brain cells ko kasi parang nanibago ako kay dad. Yes, we’re open to each other regarding our opinions pero talagang nakapapanibago sa pandinig ko ang mga sinabi niya. This is the first time na nagbigay siya ng positive opinion sa isang lalaking manliligaw ko. Hindi lang naman si Ramil ang naging suitor ko. I had a bunch of suitors way back in highschool and even now in college. Tumiklop nga lang silang lahat ng si daddy na ang kanilang nakaharap. And now, dinig na dinig ng dalawang tenga ko ang mga sinabi ni dad, “Wala namang masama kung bibigyan mo ng chance ‘yung manliligaw mo diba? I mean, you’re old enough anak, I’m giving you your freewill to decide. Kung saan ka masya, susuportahan kita” Oh diba, ang alien talaga ng mga sinabi ni daddy. Oh well, talagang magaling na humakot ng boto si Ramil. Kahit ang mamahaling boto ni daddy nakuha niya.
Isa na lang ang kailangan kong konsultahin. Ang kapatid kong junior ni daddy pagdating sa pagiging overprotective sa’kin lalo na kung manliligaw ang pinag-uusapan. Nagpaalam na ako kay daddy at tamang-tama naman na dumating si Paco paglabas ko ng library.
“oh Paco, ba’t ka bumalik agad?” tanong ko. Akala ko kasi matatagalan siya doon kasi may gagawin silang project ni Yna after niyang tanungin ito.
“wala kasi doon si Yna eh kaya bumalik na lang ako” sagot niya sa’kin.
“ah ganun ba? So mag-isa lang pala si Ramil doon sa bahay nila ngayon?”
“yup. ‘Wag kag mag-alala ate. Okay lang doon ang prince charming mo” tukso niya sa’kin. Inismiran ko lang siya.
“by the way ate, kapag sinagot mo si kuya Ramil sabihin mo sa’kin ha?” sabi ni Paco sa’kin na ikinagulat ko.
“bakit naman?” tanong ko.
“para syempre mauna ako kay Yna. Excited ‘yun eh” sabi niya sa’kin.
“excited saan?” naguguluhan kong tanong.
“edi syempre sa pagsagot mo sa pinsan niya. Kinukulit nga ako nun kung kelan mo ba daw sasagutin si kuya Ramil. Sabi ko naman malay ko sa’yo” sagot niya.
“so, boto ka din kay Ramil?” tanong ko.
“well, mukhang mahal ka naman nun eh. Tsaka okay na siya kay daddy lalo na kay mommy kaya okay na din sa’kin.” Sagot ni Paco sa’kin.
So ganun? Nakuha lahat ni Ramil ang boto nila? Bilib na talaga ako kay Ram, effortless humakot ng boto. Minsan nga sabihin ko sa kanyang tumakbo sa pulitika, baka hakutin niya din ang boto ng taong bayan. Joke! ‘Wag na uy, marami pa akong mkakaagaw sa atensyon niya. HAHAHAHA! Oh well, siguro panahon na din para makuha ni Ramil ang itinanim niya.
I can’t wait for tomorrow.
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Novela JuvenilSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...