C24: LJ and DG

218 9 1
                                    

{LJ’s POV}

Kahapon sa coffee and crepe laking gulat ko talaga nang makita kong umiiyak si D nang bumalik sa table namin. Akala ko kung ano nang nangyari sa Dad niya kasi yun yung kausap niya sa phone nung lumabas siya. Medyo mahina kasi yung reception sa loob ng C&C kaya lumabas siya. Pero nung bumalik na nga si D umiiyak na siya kaya nag-alala ako ng sobra sa kanya. That’s the first time na nakita kong umiyak si Djo.

Then naalala ko na paglabas ni Djo ng C&C lumabas din si fafa Ramil. Baka kako nag-usap sila at nag-LQ kaya ganun. Hay, ayaw naman kasing sabihin ni Djo sakin. so yun nga, hinatid ko na lang siya sa bahay nila.

Andito ako ngayon ESU. Maliban kasi sa gusto kong kamustahin si Djo gusto ko din makita si fafa Ramil. Lalandiin ko siya eh. Joke lang! Tatanungin ko lang siya kung nagka-usap ba talaga sila ni D sa labas ng C&C. Kasi kung oo, tutulungan ko silang magka-ayos ni Djo.

Si fafa Ramil lang naman yung nakapagpapasaya kay D eh. Nung nasa Fun festival kami doon ko lang nakitang masaya si Djo. Tsaka they have the chemistry eh..sama niyo na din ang physics..joke! :P

Pumunta ako sa building nila Djo. Tinanong ko kung nandun na ba siya. Nalaman ko na mamayang hapon pa pala yung pasok nila. Pero okay lang yun, si fafa Ramil na lang muna ang kakausapin ko.

Papunta na ako sa building ni fafa Ramil ng makasalubong ko si DG.

Ay ke gandang nilalang talaga nitong si DG. Baka maging lalaki ako nito ng wala sa oras. Ang ganda talaga niya eh. Simple lang tulad ni Djo. Walang kaarte-arte sa katawan pero maganda pa din sa paningin. Tsaka napansin ko din ang dami nilang similarities ni Djo.

“uy LJ! Natulala ka diyan? Nga pala kamusta na si Djo? Nakita ko kasi kahapon umiiyak siya nung umalis kayo.”

Nag-aalalang tanong niya sakin.

“ha? ah, eh. Kakamustahin ko din sana siya ngayon. Kaso mamayang hapon pa pala yung class nila. Si faf—si Ramil ba nakita mo?”

Muntik na ako dun ah! :S

“dun na din ako galing sa building nila. Kaso wala pa siya eh. Mukhang aabsent na naman yun”

Sagot ni DG sakin.

“bakit naman?”

“kasi feeling ko may LQ sila ni Djo. Pagkaka-alam ko kasi nasipagan lang yan si Ram na pumasok sa school nung naging close sila ni Djo. Eh ngayong LQ yata sila sigurado ako hindi yun papasok.”

Sagot ni DG sakin.

“sa tingin mo may LQ sila ni D?”

Tanong ko.

“oo eh.”

Malungkot na sagot sakin ni DG.

“tama din pala yung hula ko. Hindi naman magiging ganun si Djo kahapon eh kung walang dahilan. Tsaka napansin ko kasi na sinundan siya ni faf----ni Ramil.”

Aissshhhht! Nadudulas talaga ang dila ko. Sana hindi yun mahalata ni DG.

“sana magka-ayos na sila”

Sabi ko.

“sana nga.”

Sang-ayon ni DG sakin. Mukhang hindi nga niya nahalata.

“may ginagawa ka? coffe tayo. Libre kita”

Pag-iiba ko ng topic.

“ha? eh...”

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon