Chapter 45

147 4 0
                                    

Chapter 45

{Djo’s POV}

“Mabuti na lang at kaagad nadala ni mang Kanor si DG dito sa ospital kaya hindi nalaglag ang apo ko at anak niyo!”

I can’t believe it! Totoo lahat ng sinabi sa’kin ni Mimi. Buntis nga talaga si DG at si Ramil ang ama. Parang nabingi ako kanina ng marinig ko mula sa daddy ni DG ang mga salitang ‘yun. How can he do this to me? Akala ko ako ang mahal niya? Akala ko iba si Ramil sa mga lalaking nakilala ko. Akala ko totoo ang mga sinabi niya sa’kin. Maybe I was blinded by his sweetness, I was blinded by his promises. Ang sakit-sakit pala kapag harapan mong narinig at nalaman ang katotohanan. Katotohanang niloko ka ng lalaking mahal mo. It felt like a thousand knife pierced my heart. Buong buhay ko natakot akong magmahal dahil ayokong masaktan. Hindi ako nagpapaapekto sa mga lalaking nanliligaw at nagpapakita ng motibo sa’kin. I was glad that dad is very protective of me dahil doon ay hindi ko naranasang masaktan o umiyak dahil sa isang lalaki. Nang makilala ko si Ramil I gave him a chance to be a part of my life as a friend, pero hindi nga nagtagal at nahulog ang loob ko sa kanya dahil sa kabaitan at paggalang na pinakita niya sa’kin. I thought he was different. Akala ko hindi niya ako kayang saktan dahil mahal niya ako. Pero mali lahat ng akala kong ‘yun. Hindi niya ako mahal dahil nagawa niya akong saktan. Maybe it was me who was imagining that I finally found the guy of my life who will love me. Siguro sa movies at stories lang nage-exist ang mga lalaking katulad nun and also with the famous happily ever after love story. Hindi ko mapigilan ang mga luhang nag-uunahan na kumawala na sa mga mata ko. I was a fool to believe everything Ramil told me. Ang sakit-sakit dahil binigay ko lahat ng pagmamahal at tiwala ko sa kanya. I wasn’t prepared of what I’ve heard today. Masyadong maraming nangyari ngayong araw. Parang kanina lang ng masaya kaming magkasama nina Ramil sa zoo then with just a blink of an eye, nalaman ko ang about sa kanila ni DG. Pagod na akong mag-isip. Pagod na akong umiyak. I just want to rest. I cclosed my eyes at hahayaan ko munang magpahinga ang sarili at isip ko. Maybe when I wake up the next day, all this heartaches will be gone.

------

“just leave!”

Nagising ako sa boses ni daddy. Halos um-echoe sa buong bahay ang boses niya. Naalimpungatan ako kaya naman kaagad akong bumaba para tingnan kung sino ang kaaway niya. Nasa hagdan ako ng makita ko si mommy na nag-aalala sa tabi ni daddy. Dad on the other hand is very angry. Nakakuyom din ang kamay niya na parang nagpipigil. Dahil may cabinet sa tabi ng hagdan, hindi ko naman kaagad nakita kung sino ang kaaway ni daddy. I decided to go down.

“will you please calm down Daniel? Just let him explain” narinig kong pakiusap ni mommy kay daddy. Ano na naman kayang katarantaduhan ang ginawa ni Paco? Naku, ang kapatid ko talagang ‘yun.

“anong paliwanag pa ang sasabihin niya sa’kin Jona? Maliwanag sa usapan namin na tatanggapin ko siya sa pamilya natin basta’t ‘wag niya lang sasaktan ang anak natin. Eh anong ginawa niya? You were here yesterday when your daughter came in this house crying. Ni hindi na nga siya bumaba kagabi para kumain. Nandun lang siya sa taas at umiiyak”

Napatigil ako sa sinabi ni daddy. Biglang bumalik lahat sa isip ko ang nangyari kahapon. Kasabay nun ay ang pagsikip ulit ng dibdib ko dahil sa bumalik na sakit sa nalaman kong katotohanan.

“loves”

Napatingin ako kay Ramil na nasa harapan nina daddy. He looked tired and worried. Parang wala siyang tulog at namatayan. I can see regrets in his eyes. I missed him. I don’t know, parang ang layo-layo kasi namin sa isa’t-isa. He stepped forward and I automatically stepped back.

“loves please, let me explain” he looked straight into my eyes. Puno ng pagmamakaawa ang tingin niya sa’kin.  Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga tingin niya. Mas lalong sumisikip ang dibdib ko at dahil din siguro hindi ako handa sa mga sasabihin niya. Baka hindi ko kayanin ang mga katotohanang ipagtatapat niya oras na magpaliwanag siya.

“loves please” he begged again.

Napayuko ako. Ayokong umiyak sa harapan ni Ramil. Ayokong ipakita sa kanya ang sakit na nararamdaman ko dahil sa nalaman kong katotohanan sa kanila ni DG. Ayokong kaawaan niya ako. Another reason why I don’t want to cry is because mom and dad are here. I don’t want them to get worried and I don’t want to give them more reasons to get angry with Ramil. I know dad, he’ll burst like an erupting volcano once he see me crying. Baka kung anong gawin niya kay Ramil.

“my daughter doesn’t want to talk to you. Now leave!” napapikit ako sa galit sa boses ni daddy. Hindi nananakit si dad pero ngayon, maaaring saktan niya si Ramil dahil sa’kin.

I gathered all my composure. “just leave Ram” I almost whispered his name. Parang ang hirap na kasing bigkasin ng pangalan niya para sa’kin. Andun ‘yung sakit ng panloloko niya eh. Tinalikuran ko siya bago pa ako tuluyang umiyak sa harapan niya.

*****

{Ramil’s POV}

“you’ve heard my daughter. Bukas ang pinto ng bahay namin” narinig kong sabi ni tito Daniel sa’kin. I shifted my gaze to him dahil sinundan ko ng tingin si Djo sa pag-akyat niya ng hagdan. Alam kong nagpipigil lang si tito Daniel na ‘wag akong saktan. I can’t blame him for being like that. Sinaktan ko ang anak niya. Kung susuntukin man niya ako ngayon, I won’t fight back. Alam ko naman kasing I deserve it. Kulang pa nga ‘yun sa ginawa ko sa anak niya.

“iho, umuwi ka na muna. Halika at ihahatid kita sa labas” mahinahong sabi ni tita Jona sa’kin. Hindi ko alam kung bakit hindi galit si tita sa’kin after what I did to her daughter. Mas lalo akong nagu-guilty sa ginawa ko kay Djo. I should have told her the first time.

Hindi na ako nagmatigas pa. Hinatid ako ni tita sa labas ng gate nila.

“take some rest iho. You look horrible. Para kang namatayan. Mugto ang mga mata mo at mukhang wala kang tulog” mahinahon na sabi ni tita sa’kin.

Napabuntong-hininga ako. Maybe I looked horrible because I haven’t slept for the whole night. Pano ba naman kasi ako makakatulog kung alam kong galit at may hinanakit si Djo sa’kin. I was busy thinking about Djo all night. Galit ako sa sarili ko and at the same time, natatakot ako. Galit ako sa sarili ko dahil alam kong nasaktan ko si Djo. Umiyak siya dahil sa’kin. I’ve broken my promise that I won’t make her cry. Natatakot din ako sa maaaring mangyari sa’min ni Djo. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa’kin. I’ve never been afraid all my life, ngayon lang at dahil ‘yun kay Djo.

“just give my daughter some time iho. Hindi ko alam kung anong pinag-awayan niyong dalawa but I’m certain of two things...” tita Jona paused. “nasaktan ng sobra ang anak ko” I saw the pain in her eyes. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Mas lalo akong na-guilty. Hindi ko inisip na kapag nasaktan ko si Djo, pati si tita parang sinaktan ko din. Tita Jona reminds me of my mom, kaya mas dumoble ang pagsisisi ko ngayon. “at alam ko ding pinagsisihan mo ng sobra kung ano man ang nagawa mo” she smiled at me. It was a warm smile. Katulad ng ngiti na binibigay sa’kin ni mama kapag pinagalitan ako ni papa dahil may ginawa akong mali.

“sige na, umuwi ka na at magpahinga” sabi ulit ni tita sa’kin.

“I can’t tita. Hindi din po ako makakapagpahinga sa bahay dahil si Djo pa din ang iisipin ko. I’ll just stay here outside tita. Kung okay lang po sa inyo” paalam ko. Mas mabuting dito lang ako malapit kay Djo. I don’t have any plans to stay away from her.

“sige na nga lang. Alam kong hindi naman kita mapipilit kung ayaw mo” pagpayag ni tita sa’kin.

“thank you po” she just nodded and smiled at me and walked away.

“tita..” tawag ko.

“yes iho?” baling ni tita Jona sa’kin.

“sorry po kung sinaktan ko ang anak niyo” paghingi ko ng sorry and I mean it.

Tita smiled at me. “no man is perfect Ramil. Kahit gaano mo man kamahal ang isang tao, hindi mo maiiwasang saktan siya minsan. Ang importante, alam mong nagkamali ka at pinagsisihan mo ‘yun at hindi mo na ‘yun uulitin. I know, you’ll be able to fix this mess iho. Just don’t give up on my daughter” with that ay tuluyan ng pumasok si tita Jona sa bahay nila. Somehow,  I felt relieved. Pinasadahan ko ng tingin ang buong bahay. Sa loob ng bahay na ‘yun, nandoon ang babaeng mahal ko pero nagawa kong saktan. Kahit alam kong galit si Djo sa’kin, I don’t have any intention to give up on her. Kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan hindi ko siya susukuan.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon