Chapter 44
{Djo’s POV}
“ate! Sorry po late ako. Ang traffic po kasi ng dinaanan ng taxi na sinakyan ko” sabi ni Yna sa’kin ng makarating siya sa meet up place namin.
“sinabi naman kasi kanina na sumabay na lang sa’kin” singit naman ni Ramil na nasa tabi ko lang. Pupunta kasi kami ng zoo. Nalaman ko kasi na mahilig sa animals si Yna tulad ko at dahil sa sabado naman ngayon, naisipan kong pumunta kasama sina Ramil at Yna, pati na din ang kapatid kong naging bugnutin ng mga nakaraang araw. Gusto ko din kasing magkausap silang dalawa ni Yna. Sa tingin ko kasi merong problema ang dalawang ‘to kaya palagi na lang malayo ang tingin ni Paco at palaging mainit ang ulo. Kung ano man ang pinag-awayan nila, gusto kong magkaayos na sila.
“tse! Malay ko ba na kasama ka kuya. Akala ko naman kasi kami ang magde-date ni ate ngayon, hindi ko naman naisip na may chaperone pala kami. HAHAHAHAHA!” pang-aasar ni Yna sabay behlat kay Ramil.
“ikaw talagang kutong lupa ka, kung hindi lang kita mahal akala mo ipapahiram ko sa’yo si ate Djo mo?” inis na sabi ni Ramil sa kanya. Napangiti naman ako kasi parang aso’t pusa ‘tong si Ramil at Yna minsan. Parehong may topak pa. Mukhang nasa lahi talaga nila eh.
“whatever kuya. Basta chaperone ka lang ngayon. Tsaka ikaw na din ang photographer ha?” sagot ni Yna sabay ngiti ng nang-aasar kay Ramil.
“at paano ka naman nakakasigurong papayag ako? Tsaka hindi lang ako ang chaperone at pwedeng maging photographer niyo ngayon ng ate Djo mo. Kasama kaya natin si Paco, ‘yun na lang gawin mong photographer”
Kaagad kong nakitang nawala ang mga ngiti ni Yna ng banggitin ni Ramil ang pangalan ng kapatid ko. Ngayon confirmed ko na nag-away talaga sila ni Paco.
“kasama ‘yung kapatid ni ate Djo?” poker face na tanong ni Yna kay Ramil. Naguguluhang napatingin naman si Ramil sa’kin. Siguro hindi niya gusto ang tono at ang sinabi ni Yna. Nasabi niya kasi sa’kin minsan na kapag hindi na binanggit ni Yna ang pangalan ng isang taong kilala niya at nakasama niya na ng matagal, ibig sabihin nun malaki ang tampo o galit niya dito. Kaya nga daw hindi binabanggit o tinatawag ni Yna ang daddy niya sa pangalan nito dahil sa galit niya dito dahil sa pagkawala ng mommy niya.
“yes, kasama si Paco” sagot ni Ramil sa kanya. Parehong seryoso ang mga mukha nila. Bumalik na naman ang authoritative na aura ni Ramil.
“andyan na si Paco” agaw ko ng atensyon nila ng makita ko ang sasakyan ni daddy na dala ni Paco.
“sorry ate kung natagalan ako, dinaan ko pa kasi si mommy sa saloon” sabi ni Paco ng makalapit sa’min.
“ate magpa-pass po muna pala ako ngayon sa date natin. May gagawin pala kasi kami ni Malcolm” sabi ni Yna sa’kin. Kokontra sana ako ng magsalita si Ramil.
“no you can’t. Out of town si Malcolm ngayon Yna” sabi ni Ramil habang tinitingnan ng maigi si Yna.
“no he’s not” kontra ni Yna.
“yes he is. Tumawag si Denise sa’kin kanina lang at sinabing nag-out of town ang buong pamilya nila at kasama nila si Malcolm” siguradong sagot ni Ramil sa kanya.
“maybe she hates animals” poker face ding singit ni Paco.
“I hate some of the animals. Especially those who have two feet and can walk upstraight and pretends to be someone else” mataray na sagot ni Yna sa sinabi ni Paco. Parang double meaning yata ‘yun?
“let’s just go now. Tara Yna” sabi ko sa kanila at hinatak na si Yna papasok ng kotse para hindi na siya makatanggi. Kung ano man ang pinag-awayan nina Paco at Yna, mukhang hindi lang ‘yun basta-bastang away.
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
TeenfikceSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...