Chapter 38

162 4 0
                                    

Chapter 38

{Djo’s POV}

Hindi naging boring ang thirty minutes na byahe ko dahil sa mga kwento ni nanay Esme. Nang bumaba siya niyakap niya pa ako at binigay ang number niya sa’kin. “oh Djo anak, kapag may problema ka at kailangan mo ng lugar na mapupuntahan o taong makaka-usap ‘wag kang magdadalawang isip na tawagan ako ha?” sabi sa’kin ni nanay Esme bago siya tuluyang umalis ng upuan. Tumango lang ako bilang pagtugon sa kanya. Nakita ko namang tumigil muna si nanay Esme ng makalapit siya kay Ramil. Hindi ko na din marinig ang sinabi ni nanay kay Ram dahil medyo may kalayuan ang kinatatayuan ni Ramil.

“mukhang nag-enjoy ka sa pag-uusap niyo ni Ma’am Soriano ah. Share mo naman diyan oh” sabi sa’kin ni Ramil ng makaupo na siya sa tabi ko. Kahit kelan talaga ang tsismoso nitong si Ramil. Ang bakla talaga.

“ayoko nga. Amin na lang ‘yun ni nanay Esme” sabi ko sa kanya sabay behlat.

“nanay Esme?” naguguluhang tanong niya.

“yes. Sabi ni Ma’am Soriano na kung tawagin mo ay nanay Esme na lang daw ang itawag ko sa kanya. Ganyan kami ka-close” proud kong sabi.

“hanep, kalahating oras lang kayong nag-usap ganun na kayo ka-close? Dapat ako din” sabi ni Ramil sa’kin. Natawa naman ako doon.

“inggetero ka talaga. Gaya-gaya” natatawa kong sabi sa kanya.

“oo naman. Teka, share mo naman sa’kin ‘yung pinag-usapan niyo” ulit ni Ramil.

“ayoko nga. Ang tsismoso mo talaga” natatawang sagot ko pa din.

“eee, sige na loves. Sharing is loving diba?” pangungulit pa din niya.

“sus! Ona, pero mamaya na lang. Naantok ako eh. Matutulog muna ako” sabi ko kay Ramil sabay hikab. Inantok yata ako dahil sa kwentuhan namin ni nanay Esme.

*****

{Ramils POV}

“ang daya naman loves. Umiiwas ka lang eh” sabi ko kay Djo at umaktong nagtatampo. Wala lang, gusto ko lang malaman kung ano’ng pinag-usapan nila ni Ma’am Soriano kanina. Sabi kasi ni Ma’am Soriano sa’kin bago siya bumaba ng bus ang swerte ko daw kay Djo at ‘wag ko daw siyang sasaktan.

“loves, sige na. Share mo naman oh” pangungulit ko kay Djo pero nagulat ako ng makita ko siyang tulog habang nakasandal ang ulo niya sa may bintana.

Tingnan mo lang ‘yan si loves, tinulugan ako. At dahil nga tinulugan niya ako, hindi ko na siya makukullit na magkwento. At tulad din ng kadalasang nangyayari kapag napatingin ako sa mukha ni Djo, hindi ko kaagad maalis doon ang mga mata ko. I found myself studying her beautiful face again at ng dumako na naman ang tingin ko sa lips niya, na-tempt na naman ako na halikan siya. Tulad ng nakagawian ko, huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin ko sa mukha niya. Konting tiis pa Ramil. Paalala ko sa sarili ko.

Pagdating namin sa Maynila ay hinatid ko na si Djo sa bahay nila.  Medyo nagulat pa si tito Daniel ng makitang hinatid ko si Djo. Alam kasi ni tito na hanggang linggo ng hapon kami doon sa Virgin Beach Resort.

****

{Djo’s POV}

Nang makapagpaalam si Ramil kina mommy at daddy ay hinatid ko na siya sa labas ng bahay. Nag-volunteer si Paco na ihatid siya sa bahay nila dahil daw kakausapin din nito si Yna tungkol daw sa project nila. Asus! Ewan ko lang kung ganun talaga.

“thank you nga pala sa weekend vacation dun sa resort loves” sabi ko kay Ramil habang hinihintay namin si Paco sa labas ng bahay dala ang kotse ni daddy.

“kulang pa nga ‘yun eh. Hindi pa ako nakakabawi sa isang linggong mahigit na hindi ko pagpaparamdam sa’yo” sagot niya sa’kin.

“sus! ‘wag mo na ngang isipin ‘yun. Busy lang talaga tayo sa school last few weeks. Kahit naman ako.” sabi ko din. Natutuwa lang ako na nag-eeffort talaga si Ramil na makabawi sa mga pagkukulang niya bilang manliligaw.

“yun oh! Thanks loves. Pero babawi ulit ako sa’yo. Kapag nagka-oras ulit ako babalik tayo dun. Ang dami mo pang kailangang makita doon” sabi ni Ramil sa’kin.

“asus, oo na. Basta tatandaan ko ‘yan. Oh, ayan na si Paco, sumakay ka na” sabi ko sa kanya.

“sige, pero kiss muna” hirit niya sa’kin.

“sira!” natatawa kong sabi sa kanya. “sa susunod na lang, kapag tayo na” dagdag ko.

“ang daya naman loves. Ang tagal pa nun eh. Papahirapan mo pa ako diba?” sabi niya sa’kin na nakanguso. Napansin ko lang, ang hilig ngumuso nitong si Ramil kapag ako ang kaharap. Nababakla yata ‘to sa’kin eh. HAHAHA!

“sus! Arte nito. wag kang mag-alala, hindi na tatagal ang paghihirap mo” sabi ko sa kanya. Bigla namang lumiwanag ang mukha niya.

“ibig sabihin malapit muna akong sagutin? Malapit ng maging tayo? Magiging girlfriend na kita?” sunod-sunod na tanong niya sa’kin.

“secret” sabi ko sabay behlat. “sumakay ka na nga” dagdag ko sabay tulak sa kanya sa sasakyan.

Sumakay naman siya sa sasakyan at kaagad kong sinira ang pinto. Kukulitin na naman ako nun eh. Makulit pa naman ang lahi nun.

“bye loves, kita-kits sa school bukas”” pahabol niya sabay kindat bago sila tuluyang umalis ni Paco. Ngumiti lang ako at kumaway.

Nang makalayo na sila ay bumalik na ako sa loob ng bahay.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon