Chapter 35
{Ramil’s POV}
Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng alarm clock sa bedside table. Nakapikit ang mata na inabot ko ‘yun sa tabi ko at pinatay. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko pero kaagad naman akong napapikit dahil nasilaw ako sa sikat ng araw na pumapasok mula sa bintana. Tatayo na sana ako para isarado ang bintana ng mapansin kong may nakayakap sa’kin. Hindi ko makita kung sino dahil nakatalakbong siya ng kumot. Dahan-dahan ko namang inalis ‘yun at nagulat ako ng makita si Djo.
Kaagad namang bumalik sa alaala ko na kasama ko pala dito sa resort si Djo. Nawala yata sa isip ko dahil sa sobrang pagod. Naalala ko din na inaayos ni Djo kagabi ‘yung hihigaan ko dapat sa sahig pero nakatulog ako habang nakahiga sa kama at hinihintay siyang matapos.
Tinitigan ko siya ng maigi. Parang anghel talaga siya kapag natutulog. Ang payapa ng mukha niya at hindi nakakasawang tingnan. Napangiti ako, kung ganito ba naman araw-araw ang makikita ko paggising ko sa umaga ‘edi sana masaya. Mas lalo siguro akong gaganahang pumasok sa school.
Nakita kong kumunot ang noo ni Djo at mas lalo niyang siniksik ang mukha niya sa dibdib ko. Siguro ay nasisilaw siya sa sikat ng araw. Kinuha ko ang unan sa tabi niya at nilagay sa likod ng ulo niya para hindi siya masyadong masilaw sa sikat ng araw mula sa bintana.
Pinagmasdan ko ulit ang mukha ni Djo. Kinakabisado ko ang buong mukha niya. Kung noon hanggang imagination lang ako, ngayon hindi na. Huminga ako ng malalim. Hindi pa din ako makapaniwala na nakita ko din siya sa wakas at kasama ko siya ngayon. Idagdag pa na magkaibigan kami at nililigawan ko siya. Napadako ang tingin ko sa labi niya. Heto na naman po tayo, nate-tempt na naman akong halikan siya. I swear, ang hirap magpigil. Kagabi gustong-gusto ko na talaga siyang halikan, mabuti na lang naalala ko ang pangako ko kay tito Daniel. I closed my eyes and kissed her in her forehead. After that, dahan-dahan kong inalis ang ulo niya sa braso ko at bumangon mula sa higaan. I need to go, bago pa ako makalimot. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina.
Magluluto na lang ako ng agahan namin ni Djo.
*******
{Djo’s POV}
Nagising ako sa dahil sa naamoy kong pagkain. Amoy pa lang nakakagutom na kaya naman nag-react talaga ang tiyan ko. Sinundan ko ang amoy na parang aso at sa kusina ako nito dinala. Nakita ko si Ramil na naglalagay ng pagkain sa lamesa.
“Good mornig loves, buti naman gising ka na. Kain na tayo” nakangiting bati sa’kin ni Ramil at hinatak ang isang upuan.
“good morning din loves. Wow, ang bango ng niluto mo” sabi ko habang isa-isang pinapasadahan ng tingin ang mga pagkain sa mesa.
Ang sosyal nung mga pagkain na niluto ni Ramil. Ang alien sa mata ko. De joke lang, ang sosyal lang kasi. Parang sa restaurant galing eh. Kasi tig-isang plato lang kami ni Ramil pagkatapos ‘yung pagkain namin grilled steak with eggs tsaka fried potatoes with matching umuusok na kape pa. Oh diba, ang simple lang pero ang garang tingnan. Pati ang ganda ng plating, parang ayoko tuloy galawin dahil baka masira.
“tikman mo loves, dali” excited na sabi ni Ramil sa’kin.
Humiwa naman ako ng maliit na steak at sinubo ‘yun. Lulunukin ko na sana ng biglang nag’stuck sa lalamunan ko yung karne dahil sa nakita ko. Walanjo naman kasi si Ramil eh, wala siyang pang-itaas! Naka-apron lang kasi siya kanina, at nung hinubad nga niya ang apron, tumambad sa harapan ko ang katawan niya lalo na ‘yung abs niya. Kaagad naman akong binigayan ng tubig ni Ramil.
“loves, okay ka lang?” nag-aalalang tanong niya sa’kin matapos akong makainom ng tubig. Tumango naman ako sa kanya.
“sigurado ka loves?” pangungulit niya.
“oo naman loves, pero magsuot ka muna ng pang-itaas pwede?” sabi ko naman sa kanya.
“ay oo nga pala. Sorry loves, nasanay lang kasi ako.” sagot niya sa’kin at kinuha niya ‘yung t-shirt niya sa may upuan at isinuot ito. I just smiled at ng maupo na din siya ay kumain na kami. After eating ako na ang nagpresentang maghugas ng pinggan kahit ayaw ni Ramil. Nakakahiya naman kasi sa kanya ‘no. Siya na nga ang nagluto, siya pa ang maghuhugas ng pinggan.
“tara loves, ililibot kita sa isla” sabi ni Ramil sa’kin after kong maghugas ng pinggan.
Yes! Ililibot niya daw ako oh, exciting ‘to. Mahilig kasi ako sa mga outdoor activities lalo na kapag hikings or treking lang.
“sige loves, magpapalit lang ako” sabi ko sa kanya at kaagad akong dumiretso sa kwarto. Isang simpleng jeans at blouse ang sinuot ko with matching rubber shoes. After twenty minutes na pag-aayos ay lumabas na ako ng bahay kung saan naghihintay si Ramil sa’kin.
“wow, ang ganda pala talaga dito loves” manghang sabi ko kay Ramil ng makalabas ng bahay. Kung kagabi ay maganda ang description ko sa lugar na ‘to, ngayong umaga na kita ko na ang lahat ng maayos, masasabi kong super ganda niya talaga! ‘yung mga bulaklak sa tabi ng bahay at sa daan ay iba’t-iba ang kulay. May kulay red, yellow, pink at violet. Mula sa bahay hangang sa dalampasigan white sand ang nakikita ko at ‘yung tubig dagat, crystal clear! Ang sarap tuloy maligo! Sayang hindi ko nadala ‘yung camera ko.
“tara loves, may ipapakita ako sa’yo” sabi sa’kin ni Ramil at hinatak ako pabalik sa daang dinaanan namin kanina. Akala ko ay sa bahay kami pupunta pero nagulat ako ng nilampasan namin ‘yun. Dumiretso kami sa isang malilit na daan at puro puno na ang nakikita ko. Parang gubat siya kaya naman hindi ko napigilang tanungin si Ramil.
“loves saan tayo pupunta?’ tanong ko sa kanya.
“basta loves, magugustuhan mo ‘don” nakangiting baling niya sa’kin habang hatak-hatak pa din ako.
Hindi na lang ako ulit nagtanong. Ilang minuto pang paglalakad ay may narinig akong tunog. Lagaslas ng tubig. ‘Yung parang sa gripo, kaso mas malakas lang ‘yung naririnig ko. Tatanungin ko sana si Ramil kung saan naggagaling ang lagaslas na ‘yun ng tabigin niya ang isang dahon ng anahaw na siyang dahilan para makita ko ang isang talon.
“ganda loves ‘no?” tanong sa’kin ni Ramil. Hindi naman ako nakasagot dahil sa sobrang pagkamangha. Laglag panga ako sa nakikita ko ngayon. Feeling ko talaga nasa paraiso ako.
BINABASA MO ANG
Is This for Real?! -COMPLETED-
Teen FictionSimpleng buhay lang ang meron si Djo. Simpleng estudyante. Simpleng babae. Manunulat sa wattpad at nagnanais na magkaroon ng simple pero masayang lovelife. Sa wattpad niya tinatambak ang lahat na laman ng kanyang malawak at malikot na imahinasyon. S...
