Chapter 21

215 7 1
                                    

Chapter 21

 -Djo’s POV-

“pano yan ate wala tayong cake? “

Tanong sakin ni Paco.

“aishhht! Bwisit na Pastry shop na yan. Sa lahat ng cake na pwedeng makaligtaan yung atin pa! Sarap dukutin ng lungs nila!!”

Naiinis kong sagot.

Feeling ko ang taas ng dugo ko ngayon eh! bwisit talaga! Kainis to the max!! Sa sobrang inis ko hindi ko tuloy napansin yung babaeng kasalubong namin.

“naku sorry miss”

Paghingi ko ng umanhin.

“oka—Djo!”

Sabi nung babae sakin. Nakayuko kasi ako habang nagpapa-sorry eh kaya di ko kita yung mukha niya.

“Denise!”

Sabi ko. Mabuti na lang si Denise nabangga ko.

“uy sorry talaga”

Sabi ko ulit.

“it’s okay. Mukhang bad trip ka ah. Anyaree sayo?”

Tanong niya.

“kasi yung pastry shop na inorderan namin ng cake nakaligtaang gawin yung inorder namin.”

Sagot ko.

Bumabalik na naman yung inis ko. Sarap bombahan nag shop na yun! Promise! >____<

“saklap nga nun. Kelan niyo ba kelangan yung cake?”

Tanong ni Denise sakin.

“ngayon na eh.”

Sagot ko.

Waaaaa!! Sarap talaga bombahan ng pastry shop na yun! kung tutuusin pwede kaming bumili na lang ng cake kung saang pastry shop eh. pero kasi gusto ko personalize yung pagkagawa. Oo na ako nang maarte. Pero masisisi niyo ba ako?? 30th anniversary ng parents namin ngayon kaya gusto ko special yung cake.

“ngayon na ba? Sige sama na lang kayo sakin”

Sabi ni Denise after awhile.

“bakit? san ka pupunta?”

Tanong ko.

Maghahanap pa nga kami ng pastry shop na may mabilis na pastry chef eh. Para makahabol yung cake namin mamaya sa celebration.

“kina classmates. Matutulungan ka nun”

Sagot ni Denise sakin.

Classmates?? Ah!!! Kina Ramil. Sa my loves ko. :3

“marunong mag bake ng cake si Ramil?”

Tanong ko kay Denise.

“oo kaya! Di mo alam?”

Parang gulat na tanong ni Denise sakin.

“hindi eh”

Bah malay ko naman na marunong pala siyang mag bake.

“okay lang yan. Shall we?”

Sabi ni Denise samin.

“sige”

Sagot ko.

Since may sarili kaming sasakyan ni Paco, sumunod na lang kami sa sasakyan ni Denise.

Sa Upside Hills kami pumunta. Mga three blocks lang siguro mula sa entrance ng subdivision ay tumigil sa harap ng isang di kalakihang bahay si Denise. I guess this is Ramil’s house.

Is This for Real?! -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon