Fuchsia Rainell Quivedo
Nasaan ako?
Pupungas-pungas akong nagdilat ng mata bago magmasid sa paligid. Sobrang liwanag ng ilaw mula sa taas kaya iaangat ko na sana ang kamay ko upang ipangtaklob sa mukha ngunit ramdam ko ang mahigpit na gapos sa palapulsuhan.
Doon lang ako naalerto at nanumbalik ang ala-ala kong may taong pumasok noon sa bahay ko. He did this.
"Hi, gorgeous." Someone from behind.
"Cloud?"
"Yep, that's me, baby—your handsome fiancé." Naglakad ito at tuluyan ko na siyang nakaharap.
We're in this open field. Nakagapos ang mga kamay ko sa aking likod, particulary sa metal pole. May nakatutok ring spotlight sa pwesto namin dahil nga madilim na. Sinubukan kong tumayo.
"Prank ba ito? Tulungan mo na ako, ang lamig na pramis." Pakisuyo ko kahit na nakakaramdam ako ng kakaiba.
Ilang saglit pa ay may isang lalaking lumapit sa pwesto namin. Malaki ang katawan nito kaya matatakot ka talaga sa itsura.
"Boss, nakahanda na ang lahat." Nilingon siya ni Cloud tsaka ngumiti.
"Good, pwede ka nang umalis." Sumunod ito agad at tumalikod na. Naguguluhan ako sa asta ni Cloud. Bigla kasing lumawak ang ngiti niya pero sa akin na nakatingin.
Yes, directly. He's smiling to me, why?
Napatalon ako sa gulat nang makarinig ng putok ng... baril? The echoing sound was too loud, it nearly made my soul left my body. Doon ko lang napagtanto ang nakataas na ngayong kaliwang braso niya. Nakatutok iyon sa direksyon kung saan dumaan yung lalaki.
Impossible.
Pakiramdam ko'y tumaas ang balahibo sa batok ko mula sa nakita. Nang sundan ko iyon ng tingin ay nakabulagta na ngayon sa damuhan ang lalaki. Naging kulay pula ang dating berdeng lupa. Bumalik ang tingin ko sa taong gumawa nun.
"It's a prank?" I blinked unconsciously.
Pigil hininga kong pinili ang tamang salita na lalabas sa aking bibig.
"He's not dead, right?"
"Oh no, babe. He is." I gulped. Tiningnan kong muli kung gagalaw ba ang lalaki.
He's not moving. Not at all.
"Nagbibiro ka lang." Natawa siya.
"Ganito kasi yun. Look at him, he has a great built, big physique, perfect body eh?" Ngayon ko lang din napansing may hawak siyang baril.
Don't tell me, it's real?
"Kaya lang, what does it do kung bobo ka? Ang tanga eh, I bet he didn't see it coming." What the...
Patuloy na prinoproseso ng utak ko ang mga katagang sinabi niya. He did that? How come? He's not like that, he's not capable of that. How so? How—why...
"Am I getting kidnapped?" I asked with realization. Mas lumawak ang ngisi niya.
Siguro, yan na ang sagot.
"Bakit mo ginagawa ito? Magkaibigan tayo. Did I do something to you? Anong atraso ko sayo?!"
"Kaibigan. Yan, hanggang diyan lang ang tingin mo sa'kin." Hindi naman ako makatingin nang diretso. Kitang-kita ko sa peripheral vision ko kung paano siya saglit na tumahimik at pagmasdan lang ako.
"Akala ko ba susubukan mo?" His voice is laced with hurt.
"Akala ko meron na eh! Do you know how happy I was after you said those words before? I was a fool, celebrating for nothing. Ginawa mo akong tanga!" Sumigaw siya ng pagkalakas-lakas at pinutok ang baril sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
