"Putangina mo talaga, Quivedo! Napakabarubal mong babae ka."
"Bakit, anong ginawa?"
"Dinakma yung cake ko. Patawa-tawa pa ang hampaslupa." Humalakhak ako sa tuwa. Haysssss.
They are all here. They are complete.
My friends.
Ely, Clove, Sen, Drei, Nash, ate Khian.
My family.
My mother, Kuya Icaru, ate Idril, ate Nelca.
And her... Olive.
Is this a dream or a paradise?
Puro puti ang nakikita ko sa aking paligid. I am so happy today. Lahat ng mga tao ay nakangiti, busilak ang mga matang pinanonood akong maglakad papalapit sa kanila. They are waiting for me.
Ang mga ilaw ay kumikislap, naglalaro sa mga ulap na tila nagiging bahagi ng aking paglalakbay. Sa bawat hakbang ko, nararamdaman ko ang pagkasabik mula sa mga tao sa aking paligid. This is so peaceful.
Pwede bang dito na lang ako? Pwede bang ganito na lang lagi? Malayo sa gulo, sa kapahamakan, sa kalungkutan. Ito lang naman talaga ang ninanais ko noon pa. Finally, after everything I've been through, nandito na rin ako. This is a blessing. Ganitong buhay lang. To be loved.
I felt contented and whole.
"The end."
"Anong end, kulang pa nga!" Inagaw ni Ely ang notebook ko.
"Tama na ang pagsusulat sa diary mo, mukha kang kinikilig na lamok diyan. Ano ba? Graduation natin today, umayos-ayos ka." Hays, papansin talaga.
Nagulat ako nang kumalabog ang pintuan ng kwarto ko.
"You murderer!" Nabigla ako sa paratang ni Yesenia. Don't tell me, alam na niya?
"It's your fault. Dahil sayo namatay siya, alam mo ba kung gaano kahalaga ang isang iyon sa akin? Syempre hindi dahil wala ka namang pakealam!"
"I'm sorry." Yuko kong pahayag. Nag-aalab ang mata niya.
"I'm sorry please, alam kong hindi ko na mapapalitan ang buhay niya pero..."
"Are you really sorry or magdadahilan ka pa?" I bit my lips.
"Sen naman, don't be like that. Parang wala tayong pinagsamahan. You're being harsh."
"Now you're putting the blame on me? Ikaw naman yung may kasalanan hindi ba?"
"Sorry na, please." Kahit anong paghingi ko ng tawad ay mukhang hindi mababawasan ang galit niya. Mabilis siyang umalis sa harap ko.
She's mad at me, hindi ko naman sinasadya.
"Wazzup mga tao!"
I held his hand. "Drei help me, please. Galit sa akin yung ate mo, anong gagawin ko?"
"Ano bang ginawa mo?" Napalunok ako bigla.
"Nakalimutan ko lang namang pakainin yung binilin niya sa aking isda, si Georgie. Hindi ko naman sinasadyang pumatay."
"Anong pang dahilan ng pagkamatay aside from that?" Parang reporter niyang tanong.
"Uhhh... nalunod?"
"Hala ka, out of all fish, bakit si Georgie pa? Alam mo bang sobrang ingat niyang alagaan iyon? It's our birthday gift to her, remember? Pinag-ipunan pa natin yun dahil wala pa tayong pera lahat nung highschool. I can't believe mamamatay siya nang maaga ngayong college na tayo." Tulala niyang sabi.
"R.I.P our dearest Georgie." Binatukan ko ito.
"Siraulo."
"Ano? Anong gagawin ko? Tulungan mo nga ako, wala ka talagang silbe!" At talagang nagsalamin pa.
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
