Fuchsia Rainell Quivedo
Ang sakit ng buong katawan ko shutakels, para akong binugbog.
Nakabihis na ako't nagmamadaling pababa na rin dahil anong oras na ako nagising. Tanghali na nga tapos may pupuntahan pa ako ngayon. Ang professor ko naman ay nasa kwarto at naiwan upang magbihis. Iniwan ko talaga siya doon dahil baka kung anong mangyari na naman at mas lalo kaming mahuli sa aming pupuntahan. Male-late na kami.
Sabay kasi kaming naligo pagkamulat pa lang ng mata namin. Nagulat rin kasi ako dahil malapit nang mag-two pm. Literal na hindi niya ako tinantanan kaninang madaling araw kaya para matigil ay binilisan kong maligo at magbihis upang hindi matuloy ang balak niya. Jusko, gumagalaw na naman ang mga kamay. Magdusa ka diyan mag-isa, may pupuntahan pa ako.
"Gosh, why are you leaving already? You didn't wait me!" Sumabay ito sa akin habang pababa ng hagdan. Padabog pa nga ang pagsara niya sa kwarto.
"Anong oras na eh, nangako ako sa kanila. Magtatampo ang mga iyon."
Infairness sa babaeng ito, ang galing magdala ng sarili niya. Yung tipong kahit puyat ay waepek dahil ang ayos ayos ng itsura samantalang ako pagod na nga pero...
Heto, maganda pa rin.
Pahakbang pa lang ako sa ikalawang layer ng hagdan ay nakaramdam ako ng sakit sa pagitan ng mga hita ko. I almost stumbled on my own feet, good thing, I had a handrail to grip.
"T-tara na?" I asked to hide my embarrassment. I hope she didn't see it.
"Sure, you go first." Ramdam ko ang mga mapanuring mata na nakasunod sa bawat kilos ko. May kung anong himig ang boses nito. I just nod my head.
Tini-testing talaga ako ng pasensya ko. Bakit ayaw niyang bumaba sa tabi ko, bakit gusto niyang nasa likod? Ayaw niya ba akong katabi? Ayaw niya bang sumabay sa'kin?
Pagkatapak ko sa pang-apat na layer ay napapikit na lang ako. Ang hapdi putangina.
Kanina hindi naman ito ganito, bakit ngayon lang siya sumasakit? After-effect lang ang peg???
I heard a stifled laugh from behind. "Need some help?"
Humarap ako't dinuro siya habang may panlilisik ang mga mata. The guts to laugh at the pain she caused. "No, kaya ko ang sarili ko."
"Okay."
"Talaga!" I confidently said.
"Are you sure?" Alam kong natatawa ito pero pinipigilan niya.
"Oo nga!"
"You know, you can grip my arm. Should I lift you up?" Kaasar.
"Stop laughing, Olive! Kaya ko ang sarili ko! Malaki na ako kaya huwag mo akong tinatawanan." She surrendered, her hands lifted into the air.
Walang lingon-lingon kong ginawa ang dapat gawin kahit pa nagpipigil na lang ako sa sobrang sakit. I need to stand on my words, bababa ang ego ko kapag nagpatulong ako. After I went downstairs, I caught her with her arms open, but she quickly straightened up, acting like she didn't care in the world.
"Does it hurt?"
"Hindi." I firmly stated.
"Wheelchair, mi lluvia?" Napasabunot na lang ako sa aking buhok.
"Pwede ba, stop making fun of me!" Humalakhak ito nang hindi na maitago ang pamumula. Mas lalo akong nabanas dahil nang-bubully na naman siya.
"I think we should cancel your plans. It's not that even important."
"Pero nagsabi na ako, kaya importante na ito."
"More important than you walking like a penguin?" Grahhhhhhhhh!!!!!!
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
