Eleven years ago...
May namamataan akong babae sa tapat ng gate namin kung saan ako patungo. Tirik ang araw pero fresh pa rin ang itsura nito kahit nasa malayo. Sinubukan kong magtago at magmatiyag dahil baka mamaya ay magnanakaw pala ito.
Ang ganda nya. Kaso mukhang hindi pa nya ako napapansin.
"Why are you here, kid?" Nakita niya agad ako? Kakaibang klase ang senses niya.
Tsaka maka-kid naman ito.
"Wala, bahay namin ito eh." Masungit na sagot ko rin.
Tiningnan ko ito nang maigi. Mukhang hindi siya namamansin ng kung sino-sino. Parang ang mahal ng bayad kung makakausap mo siya.
I tiptoed over to this wide, tall gate because I wanted to sneak a peek outside without my parents noticing. They don't allow me to leave the house kaya naisipan kong ako na ang gagawa ng paraan. Nasa loob sila Mi at Daddy, tanghaling tapat ngayon kaya tiyak kong tulog sila pati na rin ang mga maids and guards na nagbabantay sa akin.
"Naliligaw ka ba ate? Bakit nandito ka sa gate namin?" Inosenteng tanong ko.
May dalawang kotse rin kasi ang naka-park sa tapat ng bahay namin habang nakasilip ako sa puwang na mayroon sa gate. May iilang lalaki rin na nakapalibot sa kaniya na parang security guards ang itsura base sa tindig nila. Napansin kong naka-lock ang gate at hindi ko alam kung nasaan ang susi kaya bagsak balikat akong huminga ng malalim.
Sayang ang pagtitip-toe ko.
"What's your name, kid?" Kanina pa ito ah. For further information hindi na ako bata, grade six na kaya ako.
"Ilang taon ka muna? Need ko lang for my assignment." Para malaman ko kung valid ba na tawagin niya akong kid kasi kung hindi naman pala, bakit ko siya tatawaging ate kung same age lang kami?
Huminga ito ng malalim na parang nayayamot. Kinabahan naman ako bigla dahil parang may kakaiba sa kaniya. "My name's Riah, sixteen, born to kill force to die. Say a word I dislike and you're free to fly. Now, answer my question, who are you, and does the owner still live here?" Napalunok naman ako ng wala sa oras.
She's intimidating.
"A-ako po si Rain, anak po ako ng D-daddy ko, s-siya po yung may-ari nito and y-yes, k-kami pa rin po ang owner ng bahay s-since birth ko po." Nahihintakutan kong sagot.
Tumango lang ito pero halatang wala siyang pakealam base sa itsura niya. Her amber eyes are beautiful together with those lashes, her forehead creased aligned with her poker face, hair was tied up in a sleek pony tail, and her posture was straight, screaming with confidence. Ang ganda niya, parang nakakalula kung sino man ang titingin sa babaeng ito.
Parang gusto ko siyang i-add sa list ng mga crush ko. Her beauty is perfect like a face of a Greek goddess. Mahilig kasi akong manood ng cartoons about it, she looks lovely.
"What are you looking up? Close your mouth, you're about to drool. Do you want candy?" Wala sa sariling napatango ako. Ang tangkad din niya.
"Buy one, not my problem." Pabalang na sagot nito. My face contorted.
"Ang panget po ng ugali niyo ate Riah, pakibago po, hindi po nakakadagdag ng ganda iyan." Pang-aaway ko sa kaniya.
She flipped her hair effortlessly. "I'm already gorgeous, I don't need a good attitude." She said in a proud manner. Hindi ako sumang-ayon.
"Maganda nga, matalino ba?" Humalukipkip ito sa tapat ko, ang gate lang ang nagsisilbing shield ko in-case awayin niya ako.
"Six times seven?"
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
