Chapter 39

10.3K 182 239
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo








"Ayos ka na ba? Narinig namin yung nangyari sayo, napakademonyo ng taong iyon."

"Sabi ni tita gusto mo raw munang mapag-isa kaya kahit labag sa loob namin, we still did anyway."

"Huwag kang mag-alala, Ulan. Kumikilos na rin ang mga tauhan namin, walang takas ang isang iyon."

"Tama! Iba't-ibang pamilya ang naghahanap kabilang na ako, Velasquez, baby."

"Galliego, baby."

"Alliston, baby."

Nahagip ng mga mata ko kung paano pangdilatan ni Ely ang mga ito. She cleared her throat. "Kumain ka na ba? Ang aga mo kasi ngayon, hindi ikaw iyan."

Pumasok pa rin talaga ako kahit nakakawalang-gana. But I think, enough naman na ang pahinga ko dahil wala akong ginawa maghapon. Narito kaming muli sa aming usual na tambayan.

"Kakain pa lang, order mo nga ako Drei." Kalabit ko rito dahil kanina pa siya tahimik at nag-iingat na huwag magtanong.

"Sige." Tumayo agad siya, ni hindi umangal.

Napahinga ko nang malalim. Ayoko pa siyang makita pero heto ako't nasa university na naman. Ayos lang, hangga't hindi kami nagkakausap ay ayos lang. Isa pa, pag-aaral ang pinunta ko at hindi siya. This is not all about her. Good thing, my friends are here para bulabugin ang natutulirong isip ko. Alam kong maraming mga tanong ang naglalaro sa utak nila ngunit hangga't maaari ay ayoko pang magsalita dahil mag-alala lang ang mga ito.

Andito sila, nakaupo, kanina pa nakatitig sa pagmumukha ko.

"Tangina niyo." I muttered. Napaubo sila.

"Bumabalik na si satanas." Umiiling na komento ni Sen. Sumandal si Clove sa kinauupuan.

"Kahit anong ingay ng mga estudyante sa gedli, walang binatbat ang mura mo. Rinig na rinig pa rin eh."

"Huwag kasi kayong tumingin ng ganyan, nakakailang pramis." Humalukipkip naman ang propetang Isaiah.

"Ikaw na nga itong inaalala, kami pa ang masama."

"Ano ba kasing nangyari, bakit ka umalis nung gabing iyon? Akala namin susundan mo lang si Prof tapos hindi ka na bumalik." Sulyap sa akin ni Ely.

"Malay ko rin, kasalanan ko bang may nakasunod din sa'kin?" Patawa-tawa kong pahayag. Hinanap ng mga mata ko si Drei, matiyaga siyang nakapila sa unahan.

Lunch break.

"Ulan."

"Oh?" Bumalik ang mata ko sa dakilang Elysian.

"Yung totoo, what happened? Halata kasing nagsisinungaling ka lang. Tell us, makikinig kami." I laughed. Ang seryoso nila masyado.

"Wala nga, tapos na yun. Huwag niyo nang intindihin."

"Pero hindi mo pa rin kinikwento." Sabat ni Sen.                                                            

"Ang alin ba kasi?" Kamot-ulo kong banggit.

"Sa tingin ko, may ibang rason pa. About ba ito kay Ma'am?" Doon lang nabura ang mga ngiti ko.

Saktong pagkatanong ni Clove ay siya namang pumasok ang taong iyon. Nasa likuran nito ang lalaki at palinga-linga upang maghanap ng mauupuan. Her eyes widened after it landed on me. Saglit lamang iyon bago mawalan muli ng buhay at tumalikod. Nanguna siya upang lumabas muli ng canteen.

She chose not to make a purchase right after she saw me. She left empty-handed. We're strangers. I was the one who said that.

Act like we're strangers if we met again. 

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon