Fuchsia Rainell Quivedo
Warning: R🔞, please kung bata ka pa, nasa maling direksyon ka. Shoo away na.
"Run, go. I need to park my car."
Itinaklob niya sa akin itong puting blazer niya kaya mabilis akong bumaba ng sasakyan upang makasilong sa bubong nitong bahay—bahay nila.
Nandito na naman kasi ako sa napakalaking malacañang, este mansion na pagmamay-ari ng pamilya niya. Ang ganda nga eh, sobra. Palong-palo yung lawak pati mga designs. Hindi nakakasawa kahit ilang beses pa akong pumunta dito. Second time ko na ito, actually.
"Goddamnit! Why do I have to experience this shit?!" Mabilis na lakad niya papunta sa kinaroroonan ko. Umaambon na naman kasi tapos wala kaming dalang payong.
"Wait, kumalma ka nga muna. Why do you always curse?"
"It's in the blood." Anong klaseng dahilan iyan?
She held my hand at kinaladkad ako papunta sa loob. Ako naman itong nagpapatianod at sumusunod rin naman. Nalulula pa rin ako everytime na makakapasok dito. May narinig akong kalabog na nanggagaling sa taas. Akala ko walang tao?
Nakita ko ang nanay ni Olive na patawa-tawang bumaba ng hagdan. She gasped when her eyes gazed at our direction.
"Mi hija! Nandito ka!" Napabitaw ako sa kamay niya nang hilahin siya at yakapin.
Ayaw pa nga sana pero makulit ang nanay niya. "Momma, I was here the other day. Stop being so exaggerated."
"Fuck it, Ada! You're going out and leaving me like this? After what you've done to me, you're casually walking downstairs without my fucking permission?! We've been married for decades and you're still harsh on me every time we do this, I can't freakin' walk!" Nagulantang ako sa sigaw ng kung sino. May babaeng bumaba rin ng hagdan.
"See? It's in the blood." Ngisi ng katabi ko.
"Hi, Mom." Lumapit ito sa isa pang nanay niya. Medyo mabagal ang paglalakad at masama ang tingin sa asawa.
"What's up? How are you?" She sternly asked. Hindi ako masanay-sanay sa boses nito dahil malamig pa rin.
Same sila ni Olive noon nung hindi ko pa siya masyadong kilala. Ngayon kasi ay gamay ko na, siguro kailangan ko lang din na masanay sa nanay niya. Mabait naman ako.
"Oh! Hello, Rain! Nandito ka rin pala? Kayo lang?" Nagmamadali naman siyang yakapin din ako. Medyo hindi ako nakahinga dahil dating wrestler ata itong si Momma Zi.
Pinanggigilan ba naman ako.
"Good evening po." Awkward na naman bes.
"She's with me." Taas noong aniya at walang pakealam sa mga tingin na ipinupukol ng mga magulang.
Hinawakan niya ang braso ko ngunit gusto ko na lang siyang itulak dahil mas tumahimik ang atmosphere sa pagitan naming apat. Yung tipong naghihintayan lang kung sino man ang babasag sa katahimikan.
"What are you looking at?" Napamura ako sa isipan. Jusko, napaka talaga ng bibig ng babaeng ito, pati ba naman magulang niya. Baka mapalayas kami nang wala sa oras.
"I already cooked. Come here." Tanging sambit ni Mommy Ophria at nauna na sa kitchen area.
"Straight pala." Mabilis na sinundan naman siya ng asawa. Ewan ko ba kung nang-aasar ito dahil iniwan na kaming dalawa.
"What?"
"Uwi na tayo." Kalabit ko sa kaniya.
"This is my house."
BINABASA MO ANG
Silent Phrase (Farwell Horizon University)
RomanceFuchsia Rainell Quivedo [Farwell Horizon University Series #1] A fourth year college student find herself stuck in between her new profound situation while studying inside this prestigious university. Behind those smiling eyes are the reflections of...
