Chapter 34

10.1K 209 128
                                        

Fuchsia Rainell Quivedo





"Kuya?!" Naghihisterikal kong sigaw. Gulat din itong napalingon sa gawi ko nang makapasok ako sa opisina niya.

"Kuya, bakla ka?!" Sinamaan lang ako nito ng tingin. Naabutan ko kasi silang parehas na nakahiga sa sahig.

"Pinagsasabi mo? Tigil-tigilan mo ako Rainell." Nagbabantang suway nito. Inis niyang binatukan si Epoc.

"Hayop ka talaga Murray, sabi ko wrestling hindi murder! Papatayin mo ba ako?!" Natawa lang si Epoc sa kaniya at hinimas-himas ang parte kung saan siya binatukan ni kuya Icaru.

Pinagmasdan ko silang dalawa at wala sa sariling napangisi. "Bagay kayo." Untag ko.

"What the fuck, Rainell?!" He unbelievably said as he stood up.

"Hindi nga ako bakla, si Salazar ang gusto ko at hindi ang bisugong ito!"

"I'm not bisugo." Komento ng isa sa baritonong boses.

Lumapit ako sa kanila. Mas lalong nainis si kuya dahil sa pagsundut-sundot ko sa kaniya. "Tigilan mo ako, magsama kayong dalawa. Bwesit!" Mabilis niyang tinungo ang pinto at iniwan kami.

Nagkatinginan pa kami ni Epoc ngunit inirapan ko lang siya. Kala niya ba bati na kami? Yung mga ni-review ko pwede ko pang makalimutan pero yung picture nilang dalawa...

Naka-save yun sa gallery ko.

May alas ako kaya wag niya akong mangiti-ngitian diyan. Pero saan ko naman gagamitin yun?

Iniwan ko siya doon at hinabol ang kuya ko na mukhang badtrip ang mukha. Niyakap ko ang braso nito upang makasabay.

"Bakit nandito siya?"

"Business."

"Owsss."

"Edi huwag kang maniwala."

"Bakit ba nagagalit ka?" Hindi ko naman inaano.

"Required bang maging masaya araw-araw?" Masungit na pahiwatig nito.

Tumaas ang kilay ko. "Hindi ka siguro pinapansin ni ano kaya ka nagkakaganyan." Bulong ko sa hangin. Nginingitian ko lang ang mga employees na nadadaanan namin.

"Sino?"

"Sus, kulang ka lang sa lambing. Hayaan mo, kakausapin ko siya para sayo. Ilalakad kita." Maang-maangan pa, binoses niya na nga kanina.

Bumaba ang mga balikat nito na tila na gustuhan ang sinabi ko. Hindi na rin masungit ang asta ng paglalakad niya. "Uyy! Ngumingiti na oh. Asus!"

"Ewan." Iling nito.

"Kamusta naman kayo ni Cloud?" Inilagay niya ang mga braso sa balikat ko. Halos buhatin na niya ako sa sobrang dikit namin.

Biceps alert.

"Mabuti."

"Hindi ba siya sakit sa ulo?"

"Saks lang."

"That's good to hear. Against pa naman ako sa arrangements na ginawa ni Dad para sayo. Sabi ko naman kasi—"

"Kuya, nangyari na. Hayaan mo na lang si Dad, tsaka sino bang nagsabing final na ito? The worst is never the worst, okay?" He heaved a sigh. Ako naman ang nagli-lead ng daan.

"Fine. Saan ba tayo pupunta, bakit nandito ka rin? Alam kong sinasabayan mo ako dahil may kailangan ka." Napatawa ako, kilalang-kilala talaga niya ang mga gawain ko.

"Hatid mo ako sa school, may iaabot kasi ako kay ate Nelca. Uuwi rin tayo agad, sige naaaa."

"Eh bakit hindi ka na lang kaya dumiretso doon kesa huminto ka pa talaga sa building na 'to. Ayaw mong magtrabaho, ayaw mong mag-part time, ayaw mo ng experience, so bakit ka naglalakad sa kumpanyang ito? Alam mo minsan, naiisip ko kung paano mo ba pinapagana yung braincells mo." I smirked.

Silent Phrase (Farwell Horizon University)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon